Prologue

173 4 0
                                    

Inimbita ako ngayon ng mga tropa ko mag bar. Sa wala naman akong magawa at matagal tagal din naman kaming hindi nagkita-kita kaya pumayag na ako para magkapag relax naman kami. Kinuha ko na ang aking susi para makaalis na ako ng maaga baka matrafic pako sa daan.

"Jack dito ka lang" kausap ko sa aso kong si Jack. Kulay puti siya na medyo malaki mga 3 months palang siya sa akin 'di ko alam kung anong breed ito hindi naman talaga ako mahilig sa aso.

Lumabas na ako ng aking condo at bumaba papuntang porking lot kung saan ko pinark ang aking baby na BMW. Pumasok na ako sa aking kotse at nagsimulang magmaneho.

Wala pang kalahating oras nakarating na ako sa bar kung saan kami magkikita ng aking mga kaibigan. Pagpasok ko palang sa bar sumalobong sa akin ang makakapal na usok galing sa sigarilyo at ang mga amoy ng alak.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at nakita ko naman ang aking mga kaibigan nakumakaway. Mabilis ko silang pinuntahan. Nag alok agad sila ng alak at tinanggap ko naman ito at mabilis na linagok.

"Bro, musta na?" Tanong ni Rey naikinatawa ni John at Gio kaya sinamaan ko ang dalawa ng tingin.

"Ok lang" pa-cool kong sagot pero cool naman talaga ako mga pre. "Ok lang? Eh halos magpakamatay ka ng iniwan ka ni Si---" 'di naman natuloy ang sasabihin ni John ng takpan ang bibig niya ng kamay ni Josh at tumawa naman ang si Gio.

"Totoo palang naririnig kong break na kayo?" Sinamaan ko naman ng tingin si Rey ang ingay ng bunganga. "Tama na 'yan inom na lang tayo" pag-iiba ng usapan ni Josh. Mabuti pa 'tong si Josh nakakaunawa.

Mga kalahating oras na kami umiinom dito lasing narin sila Rey at Josh habang si John at Gio ayon may mga babae na nakakandong sa mga hita nila.

Umuling iling na lang ako habang nakangisi dahil si Rey ngayon ay hahalikan sana si Josh kaya ayon tumba si Rey. Bigla ako natigilan ng makita ko si Sivanna kasama ang bago niyang lalaki na si Brando na palapit dito. Parang pinana naman ang aking puso sa sobrang sakit na nararamdaman.

Wala akong naisip na paraan para maiwasan sila. Alam kong aasarin ako ni Brando dahil mortal ko siyang kaaway simula palang kami ay mga bata palang. Kaaway na talaga kami sa lahat ng bagay.

Biglang may isang babaeng naglalakad ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko ng bigla ko siyang hugutin at napaupo siya sa lap ko at mabilis ko siyang hinalikan. Nanlaki namam ang mga mata niya siguro nagulat sa ginawa ko kahit ako nagulat din naman.

Nakita ko naman ang pagdaan nila Savanna dito sa harap namin napahinto pa sila saglit na parang inuusisa kung ako ba talaga 'to.

Bumitaw na ako sa paghahalik sa babae na 'di ko namalayang nakapikit na pala. Napangisi lang ako na ang tamis tamis ng labi ng babaeng 'to. Lasang candy nasobrang tamis siya palang siguro ang nahalikan kong napakatamis ng labi dahil ang ibang nahahalikan ko ay lasang lipstick.

Minulat na niya ang kanyang mga mata. Medyo nagulat ako ng makita ko ang berde niyang mata. 'Di ko maikakaila na maganda siya. Napabalik ako sa ulirat ng magsalita siya.

"Why did you kissed me?, it's my first kiss" sabi niya sabay pout. Napangisi na lang ako, ako pala ang nakauna sakanya. Ang swerte ko naman.

"You're my first kiss, so you'll be responsible for what you did"

What the fuck, it's just a kiss ba't big deal 'yon sakanya. Yung iba ngang babae nakikipag laplapan pero hindi ko naman pinapanagutan.

Napabalik ako sa ulirat ng hilahin niya ako. Hindi ko alam kung saan niya ako ang dadalhin. Hanggang namalayan kong nasa parking lot kami. Binawi ko naman ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak rason para mapatingin siya sa gawi ko na nangungonot ang noo.

"Hoy babae sa'n mo ako dadalhin?" Inis kong saad. Naiinis na talaga ako sa babaeng to. Hinahatak na lang ako ng walang paalam. "We're going to my house, I'll introduce you to my parents"

"What?" Gulat kong sigaw sakanya, sino ba ang hindi magugulat ngayon ko lang siya nakita ni hindi ko nga siya kilala tapos papakilala ka agad sa mga magulang. "What's the matter? You're my boyfriend"

"No I'm not your boyfriend" pagtatangi ko, totoo naman hindi niya ako boyfriend this girl is insane. "Wether you like it or not you're my boyfriend because you kissed me and by the way I'm Viviane but you can call me Vivi" napanganga nalang ako dahil sa babaeng 'to. Baliw na talaga 'to.

Biglang nagflash kaya napatingin ako sakanya nakanina pa pala ako kinukuhanan ng mga picture "Yah, ba't mo ko kinukuhanan ng picture?"

"Goodbye my boyfriend" sigaw niya at tumakbo na paalis. "Hey!" Sigaw ko pero huli dahil hindi ko na siya nakita. What did just happend bobo mo Ehvan ba't ko naman siya pinayagan na maging kami. Fuck that girl she's really insane.

Shit I just kissed a wrong person.

---

A/N: Thank you for reading.
Sana magustuhan niyo. Sorry sa mga wrong grammar at typo.

I Kissed A Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon