Chapter 35

6.8K 293 44
                                    

Sabrina's POV


Wala siyang nagawa kundi isama si Gab papunta sa Bulacan. Inintay lang nilang ma-discharge si Gavin at bumiyahe na sila. Nag-convoy na lang ang dalawang sasakyan. Do'n sana siya sasakay kay Jude pero ipinagtulakan siya nito kay Gab. Si Gavin na lang daw ang isasakay nito para makapag-usap sila ni Gabin. Na hindi naman nangyari.

Wala silang imikin sa anim na oras na biyahe nila, ni hindi man lang siya kinausap nito. Kahit nang dumaan sila sa drive thru di man lang nito itinanong kung anong gusto niyang kainin basta na lang itong umorder at iniabot sa kanya. Ngayon na sa McArthur highway na sila papunta sa Marilao. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto niya itong kausapin pero napipigilin siya ng madilim na anyo nito.

"Iliko mo diyan sa Mabel compound, diretso tapos unang kanto sa kaliwa yung blue na bahay," aniya dito. Nabili ni Jude ang lupa at pinatayuan ng bahay. Isang two story house na may sukat na 300sqm, ang kalahati ay sakop ng bahay at ang kalahati ay sa karinderya nila ni Mickey.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Gab sa tabi niya. Mahigpit ang kapit nito sa Manibela. Nakita niyang pumarada na rin sa likuran nila ang kotse ni Jude at nagsibaba na ang mga ito.

"Ma-magugustuhan kaya nila ako?" tanong nito na puno ng pangamba ang mukha.

Nakaramdam naman siya ng awa dito. "Oo naman..."

Tumingin ito sa kanya at nakita niya ang takot sa mga mata nito. Gusto niyang pawiin iyon sabihin ditong ayos lang ang lahat. Pero paano niya gagawin 'yon? Gayong halata na galit ito sa kanya.

"Halika na sa loob," aya niya at nauna nang bumaba. Nabungaran nila sa sala si Mickey habang yakap-yakap si Gavin. Agad naman na lumapit sa kanya si Gabriel at Leticia.

"Nay, sino po siya?" tanong ni Gabriel na nakatingin kay Gab na nasa likuran niya.

Inakay niya ang mga anak papalapit kay Gabin na may sari't-saring emosyon sa mga mata.

"A-Ang Tatay, siya ang Tatay niyo..." aniya sa mga anak. Halatang naguluhan naman si Gabriel na nakatingin sa kanya.

"Yung totoong Tatay namin, Nay?" anito na nanlalaki pa ang mga mata at hindi makapaniwala. Marahan naman siyang tumango. At parang yo'n lang ang hudyat na inaantay nito at mabilis nang niyakap ang ama. Nakita niya ang pangingilid ng mga luha sa mata ni Gab at niyakap din ang anak.

Parang lumulobo sa saya ang puso niya habang nakatingin sa mag-ama niya. Ilang beses niyang pinangarap ang sandali na ito. Ang mabuo sila bilang isang pamilya at sa wakas unti-unti ng nangyayari. Ang kailangan niya na lang gawin ay pagpaliwanagan si Gabin kung bakit siya lumayo. Kung bakit inilihim niya ang lahat dito. Alam niya naman na mahal pa siya nito at sigurado siyang mawawala rin ang galit nito sa kanya.

"Isang, ang Tatay oh!" ani ni Gabriel kay Leticia na nakatago sa likuran ng binti niya at mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Lapit ka kay Tatay, 'Nak..." aniya dito at inudyukan itong lumapit pero nagpumiglas ito at umiyak.

"Ayaw!" sigaw ni Leticia at pumalahaw ng iyak. Nakita naman niya ang pagtiim ng bagang ni Gab at matalim na tingin nito sa kanya. Napangiwi naman siya.

Niyuko niya ang anak. "Bakit? Siya Tatay mo anak... " aniya at lihim na pinandilatan ito. Bakit naman ngayon pa nag-iinarte ang anak niya? Nag-aalala siya na baka mas lalong ma-badtrip sa kanya si Gabin.

"Hindi ko yan Tatay!" sigaw pa ng maldita niyang anak saka kumalas sa kanya at nagtatakbo kay Jude. "Papa!" anito kay Jude.

Napapikit na lang siya. Nang sulyapan niya si Gavin nakita niyang nang-aakusa ang tingin nito at nanunumbat.

Pahamak na bata! - aniya sa isip.

"K-kakausapin ko muna. Nabigla siguro," aniya kay Gabin.

"Can we talk first?" anito at nauna pang lumabas sa kanya.

Agad naman siyang sumunod dito. Nakita niya itong nakaupo sa loob ng kotse nito kaya lumapit siya doon at pumasok sa passenger seat.

"Iuuwi ko ng San Ignacio ang mga bata," walang paligoy-ligoy na anito.

Napamulagat naman siya dito. "Mga bata?" aniya. Gusto niya sanang tanungin kung bakit mukhang di ata siya kasama.

"Gusto ko silang makasama. Karapatan ko 'yon!" anito.

"Pero teka naman, bakit parang wala ako sa eksena? Baka nakakalimutan mong ako ang ina?" angal niya dito.

"Sana naisip mo 'yan nang ipagdamot mo din sa akin ang mga bata!" galit na anito. Hinampas pa nito ang manibela. "Nine years, Sab! Nine years mo sa aking tinago na may anak tayo tapos malalaman ko may isa pa tayong anak pero hindi mo rin ako binigyan ng chance na maging ama sa kanya. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na maranasang maging ama kung hindi pa pumunta sa akin si Gavin!" Halos mag-apoy ang mga mata nito sa galit.

"Ni hindi ko man lang nakita yung unang beses na nakapaglakad sila, hindi ko alam kung anong unang salita na binanggit nila. I missed all those chance because you chose to hide them from me! You are so fucking selfish! And now... My own daughter doesn't want me..." anito. Namumula ang mga mata nito. Hinihingal pa ito sa sobrang galit.

Napaluha siya.

"Bakit, Sab? Kung sinabi mo noong nabuntis kita alam mong hindi kita pababayaan, kayo ng anak natin... " puno nanghinanakit na tanong nito sa kanya.

Marahan siyang natawa sa pagitan ng pag-iyak. "Yun nga ang dahilan kung bakit mas pinili kong umalis," aniya. Nakita niya namang lalong naguluhan ito. "Kung sinabi ko sa'yong buntis ako hindi mo tatanggapin ang alok ng father ni Millet na makapag-aral sa New York. Hindi ka makakapag-focus sa pag-aaral mo. Hindi mo mararating yung narating mo ngayon kung pinili 'kong umamin sa'yong buntis ako. Kasi alam kong hindi mo kami pababayaan, alam kong handa mong talikuran ang magandang kinabukasan na nag-iintay sayo para sa amin." Huminga muna siya para matanggal ang bara sa dibdib niya. "Kaya mas pinili kong lumayo at ilihim sa'yo ang totoo... Masyado kitang mahal para sirain ang kinabukasan mo. Kasi ako wala namang masisira sa akin dahil in the first place walang future na nag-iintay sa akin. Ang gulo-gulo ng buhay ko noon, Gab. Sobrang daming nangyayari at ayokong idamay ka sa mga hang-outs ko sa buhay dahil hindi mo deserve 'yon. You deserve to be happy and successful."

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila.

"No..." pagkuwan ay ani ni Gab. Lumingon ito sa kanya at parang nilamukos ang puso niya nang makitang umiiyak ito. "You just don't trust me enough. Dahil kung may tiwala ka sa akin hindi ka lalayo, hindi mo itatago ang mga anak ko. Magiging mahirap siguro pero alam ko sa sarili kong kakayanin ko basta nandiyan ka. Kung sinabi mo sa akin ang lahat nakagawa ako ng paraan. Kaya lang sinolo mo. Do'n ka magaling e, solohin ang lahat at talikuran yung mga taong handang tumulong at dumamay sa'yo. Mas gusto mong takasan ang problema kaysa harapin. Sinayang mo yung mga taon na dapat masaya tayo. Kahit mahirap, hindi mo hinayaang sabay tayong umangat. Mas pinili mong magpaka-selfish." Pinahid nito ang mga luha pagkatapos ay seryosong humarap sa kanya.

"I'm giving you an option, Sab. Pakakasal ka sa akin at sasama ka pati ang mga bata sa San Ignacio o magdedemandahan tayo sa costody ng mga bata? I need your answer now," malamig na anito.

Matutuwa ba siya? Inaalok siya nito ng kasal pero halata namang para lang sa mga bata. Tatanggi ba siya at paiiralin ang pride niya?

Of course not! Ano ako bale? Masyado na akong maraming pinagdaaanan para magpakabalat sibuyas at unahin ang pride.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon