Agad kong tinapakan ang break at dinampot ang baril na inabot niya. Binuksan ko ang pinto ng kotse. Nanginginig ang kamay ko ng itaas ko ang baril.
"What are you doing here?!" sigaw ni Matthew habang hawak ang dalawang umaatake sa kanya.
"Papatayin ako ng konsensya ko kapag iniwan kita dito!" sigaw ko din pabalik at itinutok sa kanila ang baril. Shit! Hindi ko alam gamitin 'to.
"So, may kasama ka pala?" malalim na naman ang boses ng nagsalita pero hindi ko matukoy kung sino dahil pare pareho silang nakatakip ang mga mukha at mata lang nakikita.
"Wag nyo siyang gagalawin!" sigaw ni Matthew at sinipa ang dalawang hawak niya. "Sinabi ko ng umalis ka na 'di ba?!"
"Anong gusto mo iwanan kita?!" sigaw ko rin pabalik.
"Oo! Hindi kita kailangan dito! Umalis ka na!"
"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama!"
"Baliw ka na ba?! Alis na!"
"Ayoko!"
"Aish! Ang tigas ng ulo mo!" sa tono ng pananalita niya ay para bang gusto niya ng sabunutan ang sariki niya dahil nandito ako ngayon.
Patakbong lumapit sa akin si Matthew. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa baril.
"Ganito gamitin 'yan." itinuro niya sa akin kung paano ikasa, ramdam ko ang init ng hininga niya sa gilid ko dahil sa sobrang lapit namin. Napatitig ako sa kanya habang ginagalaw nya ang kamay ko.
"Ah!" daing ko ng pitikin niya ako sa noo.
"Bumalik ka dito para titigan ako huh?" sinamaan ko siya ng tingin bago ko binaling ang tingin ko sa baril na hawak ko. "Tss ako na nga. Sumakay ka nalang sa kotse. Kapag tinaas ko ang kamay ko...ibig sabihin wala na kong bala."
"Ha?"
"Pwede bang makinig ka nalang? Sundin mo ko kung ayaw mong mapahamak tayong dalawa dahil sa pag aalala mong maiwan ako dito. Kaya mo naman siguro mag drive ng tama?" tumango nalang ako at doon niya na kinuha ang hawak ko at ibinaril sa isang papalapit samin.
"Kapag ginawa ko 'yon, paandarin mo yung kotse pasugod sa kanila...tapos iikot mo agad. Okay?" tumango nalang din ako at dali daling pumunta sa kotse.
Saksi ako kung paano niya pagbabarilin ang mga taong humahabol sa amin. Napapatili ako sa tuwing maririnig ko 'yon pero kailangan ko ng lakas ng loob ko ngayon kaya pinilit kong kumalma. Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Pwedeng pwede naman na 'ko umalis dito.
Nakita ko nang itinaas niya na ang kamay niya at agad ko na ding tinapakan ang accelerator. Lahat sila ay napatabi, ang iba ay nasagi. Mabilis na sumakay si Matthew at ganoon din ang ginawa ko. Inikot ko ang kotse at dali daling pinaandar.
"Woh! Nice!" habol niya ang hininga niya habang kinakabit ang seatbelt. "Muntik na ko don ah!"
"Sino ba kasi sila? Bakit nila tayo hinahabol?" takang tanong ko.
"Wag mo ng alamin." direktang sabi nya at itinapon ang baril na hawak sa daan.
"Hindi ko alam ang daan dito, Matthew."
"Dumiretso ka lang, masusundan nila tayo kapag dito tayo nagpalit ng pwesto. Lumayo muna tayo."
Sinunod ko nalang ang sinasabi niya at pinatakbo ng mas mabilis ang kotse. Matagal na din naming tinatahak ang daan pero hanggang ngayon ay puro daan lang ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasíaMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...