THREE

34 1 0
                                    

Kalambigi

I would like to take this opportunity to thank and compliment all the wonderful people who performed tonight. It was magical. Palakpakan natin ang mga estudyante ng College of Performing Arts." Lahat ng nasa audience ay nagsipalakpakan. I've never felt so accomplished in my life. Kaya halos lahat kaming performers ay maluha-luha pagkatapos ng curtain call.

"Theater Stage Managers, Writers, Actors, Singers, Dancers, at mga Props men, kayo ang dahilan kung bakit successful ang lahat. Sa inyong paglaan ng oras, dugo at pawis para sa teatro, maraming salamat. At sa mga magulang, kapamilya at faculty staffs na nandito, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa aming mga estudyante. Ang inyong suporta at motibasyon ang nagdala sa amin dito. Sana ay nag-enjoy kayo sa panonood at hanggang sa muli. Salamat at magandang gabi."


Lahat ay tumayo at nagpalakpakan pagkatapos ng speech ni sir Alvarez. Kaming  mga performers naman ay busy magpicture. Dumating na rin 'yung mga taga Visual Arts major para sa mga photoshoot namin. Sabi raw kasi ng dean ng College of Arts and Technology ay tutulong daw sila sa theater. Kaya ang mga estudyante galing sakanila ay tumulong samin sa stage design, sa mga props at para sa photoshoot.

Malaki ang tulong ng school play na ito hindi lang saming mga estudyante, pati narin sa mga bata. Fund raising event kasi ito ng CPA (College of Performing Arts) para sa mga batang may special needs. Ito ay para gabayan sila sa kanilang pangangailangan habang inaabot nila ang kanilang pangarap. That is why we felt accomplished and proud pagkatapos ng bawat performance.



" Oh, lahat ng mga performers dito muna tayo  lahat sa stage. Magpipicture tayo. " Sabi noong president ng student council ng performing arts. Iyon nga ang ginawa namin kaya halos nagtutulakan na kami dito sa stage sa sobrang gulo. Pagkatapos ay per group naman at ang mga prof at mentors na tumulong sa amin. Maliban sa mga groufie ay may mga nagpapapicture din ng solo.

Umalis ako sa entablado para hanapin si Allina. Paano ay kanina, pagkatapos ng performance niya ay parang nahihilo raw siya na ewan. Kaya ito, dala-dala ko ang gamit naming dalawa at hinahagilap ko siya kung nasaan.




Habang naglalakad ay nakita ko iyong dalawang lalaki na nakasagutan ko noong nakaraan. "Hi miss Amanda!" kumaway pa ito at nakita kong naglalakad na papunta sa direksyon ko 'yong lalaking parang laging lumalaklak ng energy drink sa sobrang liksi. Sumunod naman sa likod niya iyong isang lalaking mukhang binagsakan ng langit at lupa dahil parang labag sa kalooban niyang sumunod sa pinsan niya. Tsaka ko na lamang naalala na Visual Arts nga pala ang kurso ng mga ito.



Sa sobrang kaba ay hindi na magkandaugaga ang mga laman loob ko. Dahil sa kaba ay tumilapon sa kahoy na sahig ang mga gamit namin ni Allina. Napailing nalang ako sa nangyari at pinulot isa-isa ang mga ito.

"Why am I messing up?" Bulong ko sa sarili.  Napasinghap ako ng malalim. Hindi naman ako ganito. Kanina nga ay ang kapal ng mukha kong humarap sa maraming tao. Tapos ngayon ay nakita ko lang ang dalawang ito ay parang naglaho yung kakapalan ng mukha ko at napalitan na ng kaba. Pull yourself together Roxine. Wala ka namang ginagawang masama. You can pretend that your name is Amanda. Actress ka. Use it.

" Tulungan na kita." Lumapit itong si William para tulungan akong pulutin ang mga gamit ni Allina. Habang 'yong kasama niya naman ay nakatayo lang. That cold hearted man, 'di manlang mag-offer ng tulong. Not that I need it though. It's just that-- nevermind. Ugh. Alli, kainis ka. Ba't ba kasi hindi kita mahagilap nakasalubong ko pa 'tong mga 'to.


Stormy WeatherWhere stories live. Discover now