Chapter 1

78 5 1
                                    

Chapter 1

Cera’s POV

First day of my last year of high school. Sa wakas goodbye na sa drama ng high school hello college! Excited na akong mawala na sa school nato. Hindi naman sa hater ako ng high school excited lang talaga akong mag’college.

“CEEERAAAA!”

Napalingon ako sa best friend kong si Reyna. Lumapit siya sa akin at yinakap ako.

“Na’miss kita bestie!”-R

Bumitaw ako sa yakap niya at nginitian siya.

“I missed you too!”-me

Naglakad na kami papunta sa room namin. Iniwan naming yung bags naming doon at pumunta na sa multipurpose hall para mag’attend ng flag. Hindi naman kami nag participate masyado kasi tuwing Lupang Hinirang, Panata at Panunumpa eh nagkekwentuhan kami ni Reyna tungkol sa summer namin.

“Sooo, kamusta Boracay?”-R

“It was fine”-me

“Fine?! Weehhh?! May na’meet ka bang foreigner? Baka may papabol ka ng may British accent ha?”-R

Wala akong papabol na may British accent. Tagalog siya, hindi siya foreigner.

“Wala, nag basa lang ako ng libro buong summer sa Boracay”-me

“Ngek! Nag’Boracay ka pa!”-R

Hindi naming namalayan ni Reyna na tapos na pala yung Flag kaya naglakad na kami papuntang room. Pina’pila muna kami ni ma’am Isidro sa labas ng room namin ta’s tatawagin nalang daw niya yung mga pangalan naming para sa seating arrangement. Rosales apelyido ni Reyna, ako naman Cervantes kaya malayo kami ng seats this quarter, dibale next quarter papalit naman, baka magkatabi na kami noon.

Section Curie ako ngayon, bale sa section na toh yung mga matatalino halos sa batch namin. Hindi naman based sa academics yung sectioning nagkataon lang na dito sa section namin yung mga matatalino.

Tapos ng tinawag yung mga apelyido na nag sisimula sa A at sa B, kaya ako na yung tinawag.

“Cera Celine V. Cervantes”

Sa second row ako linagay, yes! Madaling maka’kopya ng notes. Not to brag, pero top kasi ako sa batch namin since first year eh.

“Gavin M. Dominguez”

WTF?! Yun! Yung lalakeng yun?! Ehh, ang bobo niya kaya ta’s last year hindi siya pumapasok sa klase. Last kaya siya sa ranking naka’pasa pa rin pala siya kahit ganoon? Tapos katabi ko pa siya. L

Ang unruly niya tignan, yuuck! Parang hindi pa sya nanuklay ng buhok! Baka nga hindi pa siya naligo eh! Kadiri lang ha?! Ta’s katabi ko pa siya. Umupo na siya sa tabi ko. Okaay, I was wrong naligo siya at ang bango pa niya.

Adviser namin si Ma’am Isidro slash teacher sa Advanced Chemistry. Isa siya sa pinaka’terror na teachers sa school at natatakot ako sa kaniya. Duuh! Tunog pa lang ng heels niya sa hallway tumataas na mga balahibo ko.

“Okay class, I am Mrs. Isidro and I will be teaching Advanced Chemistry for this year, but before that I’d like to inform you about my new teaching system, I have devised a tutor system for you the ones who failed last school year. You will be taught by the ones who topped the class last year”

So magiging tutor ako? Amp wala na akong oras para diyan!

Katulad ko yung ibang nag’top sa klase nanlumo rin yung mga mukha kasi duhh! Running for honors madaming extracurricular activities ta’s dadagdagan pa ng pesteng tutor system na yan, parang wala na kaming oras para lang huminga.

Always AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon