FRiENDS Lang Tayo

132 2 0
                                    

"Friends Lang Tayo"

Narasanan mo na bang ma-inlove?? Siguroo oo. Pero yung ma-inlove sa isang kaibigan mo. Ang hirap diba?? Hindi mo magawang umamin sa kanya kasi natatakot ka na baka iwasan ka nya. Pero pano kung hindi mo na mapigilan ang sarili mo?? Ipagtatapat mo ba sa kanya ito kahit na ang posibleng kapalit ay ang pagkawala ng Friendship nyo masabi mo lang ang tunay na nararamdaman mo??

"Mikeeeellllllllllll!!!!!!!!!!" Teka, kilala ko ang boses na yun ah?? Pag harap ko sa likod, nakita ko sya.

"Oh, Jazz, sabi mo hindi ka sasa------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang napayakap sakin.

"Mikel, w-wala na kami." Sinasabi nya yun bawat hikbi nya. Inalalayan ko syang umupo malapit sa isang bench. Bumitaw sya sa pag kakayakap sakin pero hindi pa rin natigil sa pag iyak. Naka yuko lang ito.

"Bakit wala na kayo?? Anung nangyari." Umiiling lang ito. Ayaw nyang sabihin sakin kung bakit.

"Sige na, sabihin mo na, parang hindi mo naman ako kaibigan ee."

"Nakita ko kasi sya na may kausap na isang girl. Sophomore sya."

"Sus, parang may kausap lang, malay mo kapatid, classmate or relatives lang nya pala yun."

"Kapatid??? wala syang kapatid na babae. Classmate?? ee Junior kaya tayo. Relatives ?? relatives ba tawag mo dun eh nag kiss nga sila. As in Lips to lip" Nagulat ako ng sabihin nya yun. Nanlaki ang mga mata ko. Lintek na Anthony yun, sinabihan ko ng wag nyang sasaktan si Jazz ee.

"Nasan si Anthony??" Nangangati na ang kamao ko, gusto ko syang sapakin sa harap ni Jazz.

"Hayaan mo na sya. Please, wag mo syang sasaktan. Mahal ko sya."

"Jazz, anu ba!! Eh g@g* yung lalakeng yun eh, ang kapal ng mukha. Ako nga hindi kita masaktan, sya pa kaya??" Kumukulo na talaga ang dugo ko sa Anthony na yan.

Si Anthony ang unang nobyo ni Jazz. Alam din ni Anthony na may pag tingin ako para kay Jazz. Nung una pa lang, binantaan ko na ito na wag na wag nyang sasaktan si Jazz kung hindi, ako ang makakatapat nya.

Isang gabi, nakita ko si Anthony na naglalakad mag-isa malapit sa may park. Magka village lang kami at nasa gitna ng village ang isang mini park. Sakto naman at wala ng katao tao. agad akong lumapit sa kanya at sinalubong ko ito ng isang malakas na suntok.

"G@g* ka Anthony!!!!!!" Sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya, napa hilata sya sa damuhan. Sinundan ko pa ito ng mga malalakas na suntok. *punch* "Para yan kay Jazz." *punch* *punch* "Para yan sa pang gag@g* mo sa kanya at" *punch* *punch* *punch* "Para yan sa di pagtupad ng pangako mo sakin." Nangako sya nun na hinding hindi nya sasaktan si Jazz. Pero anu tong ginawa nya ngayon?? Iniwan ko sya na walang malay sa damuhan. Siguro sa sobrang lakas ng mga suntok ko sa kanya, nawalan sya ng malay.

- - - > makalipas ang 3 araw < - - -

Maghahating gabi na, nandito lang ako sa may park at nakaupo sa may swing. Maya-maya pa ay nakita ko si Jazz na tumatakbo papalit sakin habang umiiyak. Napatayo ako sa may swing.

"Jazz, bakit ka umiiy----" *Slap*

"Bakit mo ginawa yun kay Anthony??"

"Jazz, let me explain."

"Explain what? eveything?? Sige, bibigyan kita ng 30 seconds para i-explain mo ang lahat."

"Jazz, ginawa ko yun kay Anthony para sayo. Nangako sya sakin na hindi ka nya sasaktan. Tinuruan ko lang sya ng leksyon. Bagay lang sa kanya yun dahil sinaktan ka ng g@g*ng yun."

"Mikel naman eh, sinabi na sakin lahat ni Anthony. Oo, nakita ko syang may kahalikan na babae pero Mikel, Anthony didn't kissed her back. Kinausap ko na rin yung babae, humingi na sya ng tawad sakin. Hindi daw nya sinasadya yun, napag utusan lang sya. It is all MISSUNDERSTANDING!!!!!" Galit na galit na sabi sakin ni Jazz. MIssunderstanding?? Napag utusan?? 

"Jazz, i don't understand you. ginawa ko lang yun dahil gusto kitang protektahan dahil..........." Napahinto ako sa susunod na sasabihin ko. Ayokong ituloy. Natatakot ako.

"Dahil ano Mikel?? DAHIL ANO???"

"Dahil mahal kita Jazz, MAHAL NA MAHAL KITA!! GINAWA KO YUN DAHIL SA NASAKTAN KA NYA AT MAS LALO AKONG NASAKTAN NG MALAMAN KO YUNG GINAWA NYA SAYO. HINDI KITA MAGAWANG SAKTAN DAHIL MAH-----" *slap*

"Ng dahil sa lintek na pagmamahal mo na yan sakin, muntik ng mawala ang isang taong pinaka mamahal ko. Mikel, si Anthony ang mahal ko at alam mo yun." 

"Jazz, panu ako?? diba sabi mo sakin dati mahal mo ako???"

"óo Mikel, mahal kita. mahal kita bilang kaibigan. Si Anthony ang gusto kong makasama habambuhay. Sya lang Mikel, SYA LANG!!! FRIENDS LANG TAYO!!!!!!!!!" Parang sinampal ako ng malakas ng sabihin nya yung last 3 words. Friends lang ba talaga ang tingin nya sakin.??

Lumipas ang 3 linggo. Si Jazz at Anthony, nagkabalikan na, maayos na din ang lagay ni Anthony. Dahil sa lahat ng nangyari, napag pasyahan kong umalis muna ng bansa at mag move on. Hindi na ako nagpakita o nagpaalam pa sa dalawa. Ang sakin lang ay masaya na ako dahil masaya na din si Jazz. Ang babaeng mahal na mahal ko.

10 taon pa ang lumipas, bumalik na ako ng bansa. Maganda na ang buhay ko. At sa wakas, may ipapakilala na din akong 'girlfriend' kay Jazz. Sila na ni Anthony ang nag sundo sa amin. Bawi daw sa biglaan kong pag alis noon. Masaya naman ako magkasama pa rin sila. Natupad ang hiling ni Jazz na magkasama sila habambuhay. 3 taon na silang kasal at ngayon ay may mag kakaroon pa sila ng pangalawang anak.

"Mikellllllllllll!!!!!!!!!" Bati sakin ni Jazz habang nakayakap ng mahigpit. "Na miss ko ang bestfriend ko. Ikaw ah, ang daya mo, hindi ka umuwi sa kasal namin ni Anthony."

"Sorry, busy ako ee." Hindi talaga ako pumunta dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka mabugbog ko ulit si anthony. Hehe, peace. ^_^v

Hinatid na nila kami sa dating village namin. Napakilala ko na din sa kanila ang girlfriend ko. Tanggap naman nila ito. Puro kwentuhan at tawanan, ito ang namiss ko samin ee, pagsama sama, masaya ang lahat. Pumunta muna ako sa terrace para magpahangin.

"Do you still love her??" Nagulat naman ako ng biglang nag salita si Joan, ang girlfriend ko.

Umiling lang ako bilang sagot sa kanya.

"Don't lie to me, tell me the truth, do you still love Jazz?? I'm not jealous, I promise." Niyakap ko ng mahigpit si Joan sabay halik sa labi.

"Siguro oo, pero hindi yung pagmamahal na katulad ng dati. Mahal ko sya as a Friend. Ikaw na ang mahal ko. at ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay." Lumuhod ako sa harap nya. "Joan, will you mary me??"

Pumayag si Joan na magpakasal kami. Masaya ako na sya ng kasama ko. Masaya din ako para kay Jazz at Anthony. hindi ko akalaing ang babaeng kaylan ko lang minahal, sya na pala ang makakasama ko at kung sino pa yung babaeng matagal kong minahal, sya pa ang wala sa akin. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa ni Jazz. Hanggang magkaibigan lang talaga kami. Sabi nga niya dati. "Friends lang tayo."

- - - > the end < - - -

FRiENDS Lang Tayo (One.Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon