Chapter 17

1.3K 61 1
                                    

Gab's POV

"Nakakainis! Badtrip talaga yang Maxspaun na yan!"
inis kong sabi kay Lea habang papunta kami sa music hall.
"Kung hindi lang dumating yung secretary ni Dean, sinapak ko na yun!"

Ang sama talaga ng ugali! Palibhasa apo ng may-ari, pwede nang gawin ang gusto!

After naming pumunta sa Guidance, agad akong sinamahan ni Lea sa restroom para makaligo at makapagpalit ng damit.

"Pwede ko bang masapak yun Lea? Isang sapak lang dun sa pinsan mo please. Pag sinabi mong oo, sasapakin ko na talaga yun 1000 times!"
gigil kong sabi.

"Pag sinabi ko namang hindi, sasapakin mo pa din naman eh. Tch"
natatawang sabi niya.
"Tigilan mo na yan Gab. Wala na. Nabuhusan ka na ng pintura. It's over. Wala namang mangyayari kung magsasagutan or magsapakan kayo ni Maxspaun, oh wait, actually, may mangyayari kapag sinapak mo siya, mayayari ka sa school"

Agad sumama ang mukha ko.

Badtrip! Pag normal student ang may kasalanan, may parusa. Pag apo ng may-ari, okay lang?!

"Hindi ko naman yun gagawin kung hindi niya ako binuhusan ng pintura! Tsk! Bakit ba hindi pa pinaparusahan yang Maxspaun na yan?! Palibhasa apo ng may-ari, okay lang?! San hustisya dun?!"

"For now, baka kinakausap na si Maxspaun ni Dean. Ang rinig ko kay Miss Leslie, nandiyan daw si Tita Max. Sa tingin ko naman, kinakausap na nila si Maxspaun"

Natigilan naman ako sa pagbanggit ni Lea sa mommy ni Maxspaun. Ewan ko, bigla akong kinabahan.

"You know, this is the first time na nangyari to na involve si Maxspaun. Kahit ako, hindi ko ine-expect na may mangyayaring ganito. Hindi naman kasi ganun si Maxspaun eh. He never did that to anyone here"

"Syempre gusto niya akong mapaalis dito sa BIS dahil ayaw niyang malamangan. Psh! Yan ba yung role model ng school na to?! Tch! Hindi na ako magtataka dahil masasama din ang ugali pati students!"

"Gab, take it easy. You know naman na pumasok ka dito sa BIS for your father kaya kailangan mong mag-ingat sa mga kinikilos mo"
aniya.
"Sa nangyari kanina, mas lalo kang mapapasama sa mata ng mga students dito"

Napasimangot ako sa sinabi niya.

Badtrip talaga! Kasalanan talaga to ng Maxspaun na yun!

Nakarating na kami sa music hall at nandun na ang mga ka-members ko.

"Kita nalang tayo mamaya okay?"

"Ha? San ka pupunta?"

"We have a meeting para sa acquaintance party. Pupuntahan nalang kita dito after. Bye Gab"

"Sige. Ingat"
paalam ko sakaniya.

Pagpasok ko sa loob nagdiretso agad ako sa pwesto ko. Bigla namang lumapit sakin ang mga ka-members ko.

"Okay ka lang ba Gab?"

"We heard what happened"

"Ang sama talaga ng Maxspaun na yun"

"Oh ano Gab? Nagsapakan ba kayo ni Spaun?"

"Sinong nanalo sainyo? Dapat pinuruhan mo na para magtino! Baka sakaling bumait"

"Tumigil nga kayo! Hindi kayo nakaka-help"

"Ah. Hehehe. Okay lang ako guys. Wag niyo kong alalahanin"
ngiti ko sakanila.
"Magpractice na lang tayo"
sumunod naman sila at bumalik sa pwesto.

Never mess with an Enrile-MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon