"Good morning, ate celli!" masayang bati ko sa nagiisang kasama sa bahay ng taong gigisingin ko. Amoy kape sa bahay nila marahil ay dahil nagtitimpla na si ate celli ng kape para simulan na ang araw nya. "Gigisingin ko lang po si ziel, ate. Alam nyo naman na ako ang human alarmclock nya."
Sumilip ang ulo ni ate celli sa may pintuan ng kusina. "Good morning din, sunny. Pasensiya ka na talaga sa batang iyon at nasanay na sa iyo. Sige at puntahan mo nalang sa kwarto nya." Pagkasabi ay bumalik na siya sa kusina.
Nagdaretso na ako sa kwarto ni ziel. Pagkapasok ko sa kanyang kwarto ay kita ko agad ang isang paa nya na nakalabas sa kumot na bumabalot sa kanya. Grabe talaga ang isang ito, kung matulog ay parang mantika. Dapat nilalagyan ng sangkaterbang alarmclock o kaya naman ay ubod ng laki para magising ang isang ito.
Dahan dahan ako na lumapit sa kanya. Dahil napakabait ko ay nilabas ko ang cellhone ko at pumili ng kantang malakas at itinapat ko sa tenga nya. Papagtripan kita ngayon. HAHAHA!
Nang pipindutin ko na ang kanta na napili ko ay bigla siyang umibo at naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa braso ko at hinila ako kaya naman nalaglag ako sa dibdib nya. Napairit ako sa ginawa nya.
"AHHHHH!"
"shhhh, wag ka maingay dahil antok pa ako." Mas humigpit pa lalo ang yakap nya sa akin.
Pinilit ko na kumawala sa yakap nya dahil naiilang ako. Una, dahil napansin ko na walang suot na tshirt ang loko na ito. Pangalwa, ayaw ko na mapansin nya na ang bilis bilis na tibok ng puso ko. hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil lang siguro kinabahan ako sa sobrang gitla at takot nung bigla nya akong hinila pababa.
"Bitawan mo nga ako, ziel! Tabiiiii na!" pinipilit ko padin na umalis.
Ano ba naman ang isang ito! Concious na concious na ako sa katawan nya na mainit at (ahem ahem) yummy. Please lang bitawan mo na ako!
"Ano ba! malalate tayo nyan dahil sayo, ziel! Bitaw na!" Hindi ko na maexplain ang itsura namin ngayon. Tinutulak ko na muka nya sa sobrang gusto ko na umalis.
Pero sa halip na bumitaw siya ay lalo lang itong humigpit. Nakakapagod din pala tong ginagawa ko, suko na ako! Tumigil ako sa paggalaw sa sobrang pagod.
Naramdaman ko na siniksik nya sa leeg ko ang mukha nya kaya nakiliti ako. "W-w-wag ka jan! hahaha. Nakakakiliti ang hininga mo!"
Tumigil naman siya kaya sinilip ko ang mukha nya. Kita kong mumulat na siya at tumingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapatitig sa mukha nya. Hindi mo talaga maiiwasang magwapuhan sa isang ito. Kung hindi ko kakilala ang isang ito ay iisipin ko na hindi tamad, responsable, matino at hindi lukoluko. Parang baby kasi kung magpaalaga.
"Good morning, nini." Ngumiti siya sa akin. Haaay ang cute nya talaga. Parang puppy.
"Pakawalan mo na ako, bumangon ka na at malalate na tayo." Pinakawalan nya ako at mabilis akong tumayo.
BINABASA MO ANG
Crazy First Love
Teen FictionSunny and raziel are childhood friends. Nang hindi namamalayan, sa paglipas ng panahon ay nahulog na ang loob ni sunny kay raziel. Pero pano kung kelan naman naamin na ni sunny sa sarili nya na mahal nya si raziel ay tsaka nya malalaman na may nagu...