Simula: Huling Hininga

115 44 20
                                    



I A N T H E

Nakahiga ako sa ulanan habang naliligo sa sarili kong dugo. Nakikipagtitigan ako sa mga bituin habang unti-unting bumibigat ang aking mga mata. Kung sa palabas, ang mga ganitong pagkakataon ay may mga kanta na. Kaya naman hindi ko maiwasang mapaisip ng kantang babagay sa aking kalagayan.

Ang lungkot naman kung mamamatay akong nakatulala. Parang kontrabida naman ang dating ko noon.

ikaw ang binibini na ninanais ko~ binibining mariki—


Teka nga! Bakit parang naging Tiktok itong pagkamatay ko? Sino ba naman ang baliw na mamamatay na lamang ay parang nagsasaya pa? Hindi ko tuloy mapigilan ang aking tawa kaya mas lalo akong nahirapang huminga .

Agad ko naman 'yung pinagsisihan. Halos magdoble na ang aking paningin dahil sa pagkahilo kaya tuluyan nang binalot ng kadiliman ang aking mga paningin. And with that, nag-flashback ang mga pangyayari kanina.

Naglalakad ako para bumili ng librong inaabangan ko. Excited na nga ako dahil sigurado akong hindi ako mauubusan. Maga-alas kwatro pa lamang ng umaga, nagdesisyon na akong umalis. Sino ba namang hindi mapapabili sa ganoong kagandang istorya?Hanep!

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang pansinin ang isang matandang nakaupo sa tabing kalsada at nanghihingi ng limos. Kaunti pa lamang ang mga taong gising.

Ang makikita mo lamang ay iilang taong papasok sa kani-kanilang trabaho. Ang iba naman ay papasok sa paaralan. Nilapitan ko ang matanda at kinausap.

"Lolo, kumain na po ba kayo?" magalang kong tanong.

Umiling ang matanda at nagsalita, "Hindi pa nga ineng, e. Simula pa kahapon ng umaga."

Nakaramdam agad ako ng awa, kaya kinuha ko ang aking tinapay at isang bote ng tubig sa aking bag. Baon ko dapat ang mga ito kung sakaling marami na ang nakapila mamaya.

"Pasensya na po, Lolo ha? Ito lang ang mabibigay ko sa inyo. Hayaan niyo po, 'pag yumaman ako hindi lang yan ang ibibigay ko. With matching bonggang house pa!" masaya kong sabi.

Natuwa naman ang matanda. Matapos ay nagpaalam na ako sa kaniya.

Habang naglalakad ay naalala ko ang kalagayan ko dati. Naranasan ko na rin kasi ang mamalimos dahil sa hirap ng buhay.

Simula noong namatay ang mga magulang ko at nagkabaon-baon ako sa utang. Buti nalang kinupkop ako ng aking tiyahin. Sino-sino pa ba ang magtutulungan? Hindi ba't tayo-tayo lang din?

Papunta na ako sa event kung saan ilalabas ang librong inaabangan ng lahat—ang "Renascido." Isa itong istorya kung saan ang bidang babae ay nag-reincarnate sa ibang mundo.

N'ong una, natawa pa ako dahil hindi naman totoo yung reincarnation. Kaso n'ong nabasa ko na, parang gusto kong kainin bigla yung mga sinabi ko.

Ang ganda ng plotwist, kaloka! Sabi nga nila, 'Don't judge a book by its genre.' Charot!

•••

Pauwi na ako sa apartment. Masaya akong naglalakad sa sidewalk habang bibit ang mga librong nabili ko. Ginabi pa ako sa sobrang pamimili at nakipag-picture din ako sa paborito kong author!

Napadako ang tingin ko sa kalsada. Na-estatwa ako nang tumakbo ang isang batang babae sa kalsada. Nahagip ng mata ko ang truck na papalapit sa kaniya.

Wala akong inaksayang panahon at binitawan ang mga librong hawak ko. Tumakbo ako patungo sa direksyon ng bata. Agad ko siyang tinulak paunahan.

Mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko na lamang ang pagtalsik ko dahil sa lakas ng impact ng sasakyan.

"Aray ko, putragis!" daing ko sa sobrang sakit.

Umangat ang aking tingin sa batang muntik nang masagasaan. Tumatakbo na ito papalayo.

Napangiwi ako ng makitang tumatakbo rin 'yung driver ng truck. Gusto kong sumigaw at magsabi ng masasamang words sa kanya.

Imbis na tulungan ako o tumawag ng ambulansya, tumakbo pa si loko! Wala na rin naman akong magagawa. Tumingin na lang ako sa kalangitan at pinilit kong magsalita.

"P-pagbigyan niyo p-po ako. Hayaan n-niyo po akong magreinc-carnate," naghihingalo kong sabi.

Kasabay nito ang malalaking patak ng ulan.


And those are the last words that escaped my lips before I died. Atleast, I said my one last wish.

One Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon