ll : Lisensya

94 44 20
                                    

                
                I A N T H E

Parang bigla akong nalaglag sa isang panaginip at nagising. Iyan ang aking naramdaman noong hinigop kami ng isang blackhole.

Napatingin ako sa aking tabi at nakasimangot niya akong tiningnan. Inismiran ko lang siya.

"Nasaan tayo?" tanong ni Poseidon.

Hindi ko siya pinansin. Sa halip,  pinagmasdan ko ang kapaligiran. Nasa isa kaming baryo. Naka-ukit sa isang pader ang malaking salita na 'Bayan ng Darlington.'

Tiningnan ko ang mga tao. Nakasuot sila ng lumang kasuotan at may kaniya-kaniyang mundo. May mga batang naglalaro, mga matandang nagku-kwentuhan at may mga nagtitinda upang kumita.

Saan ko ba ito nakita? Parang pamilyar to sa akin.

Natatandaan ko na! Tama, ito nga 'yon.

Napansin ko rin na nag-iba ang aking kasuotan. Nakasuot ako ng isang lumang dress na kulay kayumanggi.

Hindi naman nagbago ang kasuotan ni Poseidon. May asul siyang damit na may mahabang manggas. Tinernuhan pa ito ng itim na pangbaba. Magulo pa rin ang kaniyang buhok. Mapapaisip ka talaga kung hari ba ang isang 'to.

"Humanda talaga sa akin si Artemis 'pag natapos na ang misyon ko dito!" naiinis na sabi niya. Sinipa niya ang bato gamit ang isa niyang paa.

Nagsimula na akong maglakad at hindi pinansin ang kanyang sinasabi. "Teka nga lang. Saan tayo pupunta?"  dagdag niya.


"Kailangan natin pumunta sa Avebar. Doon madalas pumupunta ang mga adventurer na galing sa ibang lugar," paliwanag ko sa kaniya.

Halos kuminang ang kanyang mga mata sa narinig.

"Avebar? May bar dito?"

"Tara na!" wika ko at patuloy na naglakad.

"Wait, papaano mo nalaman ang lugar na 'yon?" naguguluhan na tanong ni Poseidon.

"Naalala ko na kung bakit ako pamilyar dito sa lugar. Nakita ko ito sa aking pinsan. Minsan kasing nanood ako sa kaniyang nilalaro at ipinaliwanag niya sa akin."

Patuloy lang siya sa pagsunod habang ipinapaliwanag ko sa kanya iyon. Minsan ko na rin kasing nalaro ito dahil sa aking pinsan. Ngunit matagal na panahon na iyon.

Medyo nahirapan akong hanapin ang Avebar pero buti nalang natatandaan ko pa ang iilang daan sa laro.

Papasok na kami sa Avebar ngunit patuloy pa rin ang pagtatanong sa akin ni Poseidon, "May pinsan ka? Sinabi niya ba sayo kung papaano niya napatay ang Dark Lord?"

Tumigil ako sa tapat ng pinto ng Avebar at nagsalita, "Ang dami mo namang tanong! Pahingi ako ng salapi. Kailangan natin magbayad para sa ating kakainin."

Bigla siyang napatigil at alangan na tumingin saakin.

"Wala akong dalang salapi. Bigla nalang kaya akong naisama dito!" sagot niya.

"Akala ko ba hari ka?" naiinis kong tanong. 

Hindi ba pwedeng i-snap niya lang ang kanyang mga daliri at may lalabas ng mga salapi? Katulad nalang sa mga pelikula. Aba, papaano kami makakain nito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon