"So saan ka nakatira?" Tanong niya at nasapak ko sarili ko.
Katangahan bat di ko sinabe bahay ko.
"Sa XXXX malapit sa park ng village!" Sabi ko at napatango naman siya.
.......
Awkward Silence..
Tumingin ako sa bintana para maka iwas ng tingen sa kanya.
3 years nakong baliw sayo pero hangang dito lang pala ako.
Napa buntong hininga ako at napansin ni Sicheng yon.
"Stick-O!" Tumingin naman ako sa kanya at napansing nasa stop pa ang traffic light habang siya nakatingen saken.
"Ano nanaman?"
"Wala.." nagtaka naman ako at nag go na ang kotse.
Nagulat ako kasi ibang way na dinadaanan namin pero di ko alam pano mag react kaya nanahimik ako.
"Dalawa pong large fries at coke float!" Order nita sa drive thru sabay andar ule ng kotse para kunin yung order.
Inabot niya saken yung isang krder at nagpark sa isang place.
"Kain muna tayo.. kung ayaw mo pwede moyan itapon!" Sabi niya sabay simula lumamon.
Tahimik kong kinain yung order niya at sinapak nanaman kami ng awkward silence.
"Totoo ba?"
"Huh" taka kong tanong sa kanya.
"Y-yung sa letter.. para sa crush mo.." Sabi niya sabay kuha ng letter ko sa bag niya.
Nanlaki naman ang mata ko sabay tingin ulet sa kanya.
"Akala ko tinapon mo na yan?"
"Wag mong ibahin yung usapan Y/n" tinignan naman niya ako ng masama at napayuko ako.
"Oo.. totoo yun" Sabi ko habang iniiwasannyung tingin sa kanya.
"Aken na yan!" Bago ko pa iyon maabot, tinaas niya yung kamay niya kaya dinamba ko siya tangkang hablutin yung letter.
Pag tingin ko ay nagulat ako dahil magkalapit sobra yung mukha namin. Naka support yung kamay niya sa waist ko habang nasa balikat naman niya yung isa kong kamay.
"Ay sorry di sadya.." bulong ko sabay upo ulet sa upuan.
"Hindi ko toh ibabalik. Gumawa ka nalang ng bago!" Sabi niya habang pinaandar ulit yung sasakyan.
======
"AYON BRUHA KA NOONA KALA KO DI KANA MAKAKA UWE" Bungad saken ng nakakabata naming kapatid na si Renjun.
"Sorry naa!! Hinatid lang ako ng Kuya Sicheng mo!" Sabi ko at narinig kong umubo si Hendery sa kitchen.
"Hinatid ka ni Sicheng?" Tumango naman ako at tumakbo siya papalapit sakin at tinigan buong katawan ko.
"Walang pasa... walang sugat...walang gasgas... walang hickey-" Sinapak ko siya kaya natigil siya magsalita.
"Asa ka! Hindi ako manyakis tulad mo!"
"Ulol! Tatlong taon kang baliw doon malay mo ikaw pala nangrape sa kanya!"
"APAKA BASTOS MO!" sigaw ko sabay takbo sa kwarto ko.
...
"Noooonaa" hindi na kumatok si pandak at dumeretso pasok sa kwarto ko.
"Ano nanaman problema mo?" Tanong ko habang inaayos ang gamit ko.
"Ano number ni Yuqiiii Noona?? Nanlaki nanaman mata ko sabay tingin sa kanya.
Nakalimutan kong sabihen na sila na ni yukhei.
May gusto den kapatid ko kay Yuqi since isang taon lang tanda namin kay Renjun. Hindi halata dahil mukha siyang 12 years old na bata pero grade 11 na yan.
"Speaking of Yuqi... eto kase yon.." nakakaguilty sabihen na may boyfriend na ang crush ni Renjun pero kailangan ko toh sabihen.
"Sila na ni Lucas-hyung mo eh!"
"WeeeeEeh?" Pumiyok pa siya at napatakip ng bibig. Di naman halatang nagulat siya.
"Inunahan naman ako ni Lucas hyung!"
"Perooooo!!May narinig akooo!" Asar ko sa kanya at napa taas naman siya ng kilay sa akin.
"Sino si Lami?-"
"Tae sino yun di ko yun kilala!" Madali niyang sagot habang iniiwas ang tingin sakin.
Mapaghahalataan na toh.
"Ah sige tatanungin ko nalang si Jaemin at Jeno-"
"Eto na nga Noona.. kasi sa arts club bagong student siya tapos sakin siya lumapit imbis sa ibang babae dahil daw di siya komportable sa ibang babae kaya saken nalang daw kasi mukha akong tahimik" Explain pa niya at natawa naman ako.
"Tatanungin kolang kung sino si Lami kasi napulot ni Dejun notebook niya eh!" Lumaki naman mga mata ni Renjun at tumakbo paalis ng kwarto.
Hule na baby boy namin.
Humiga ako at pinulot ang phone ko sa gilid ng kama para lang makitang sabog ang notifs ko dahil sa messages ni Dejun.
'Naka uwi kana?'
'Bakit di mo sineseen? Reply kana nag aalala ako'
'Pinatay ka ni Sicheng?'
Ngumiti ako at nagreply na naka uwi nako sabay hagis ulet ng phone ko.
Bakit bumait sakin si Sicheng?
BINABASA MO ANG
LOVE LETTER |Winwin FF|
FanfictionA story of a girl who accidentally gave her secret love letter to her crush. [FILIPINO FANFIC] Published:07.21.2020 Finished:???