"And we're here for you, my dearest cousin" sabi ni Spania at mas lumawak ang ngisi ng makitang nalito ako sa kanyang sinabi.
Bago pa ako makapagsalita ay biglang sumulpot si Ate Toni sa aking tabi. Agad niya akong hinawakan sa braso at hinila papaalis ngunit biglang nagsalita si Spania.
"Where are you taking my cousin, Antonia?" maingat na sambit ni Itallia habang nakatingin sa Ate kong nakahawak sa aking braso.
"None of your business" mataray na sagot ni Ate Toni. Ano bang pinagsasabi ng mga Ylarde na to at bakit inis na inis si Ate sa kanila?
"Oh I see, mukhang wala kayong balak sabihin sa kanya ang totoo hmm" mapang-asar na sambit ni Spania. Kung titingnan ay mukhang naghahamon talaga siya ng away. Sa kanilang dalawa ni Itallia ay mas matapang ang facial feautures ni Spania samantalang si Itallia ay malambot at malambing kung titingnan ngunit hindi naman mapagkaila na magkahawig talaga sila.
"Shut up, Ylarde! Wag kang makisali sa problema ng pamilya namin" inis na tugon ni Ate Toni. Napapalingon na din ang iba samin habang si Calix ay papalapit na kay ate dahil sa biglang pagsigaw nito pero napigilan naman siya ng kanyang team mates.
"Pamilya? Kami ang pamilya ni Harlow kaya umayos ka Fallon" hindi na napigilan ni Spania na mainis kaya agad siyang hinawakan ni Itallia.
"Ate let's talk na lang at home. Hayaan na lang muna natin siyang sumama kay Antonia at bukas na lang natin siya kukunin" maingat na bulong ni Itallia ngunit rinig ko naman. Hindi na hinintay ni Ate na magsalita ang dalawa kaya hinila niya na ako papaalis. Agad akong napalingon ng magsalita ulit si Spania.
"See you tomorrow, Antonia. Kukunin na namin ang dapat na sa amin" madiin na sabi ni Spania at tumango naman si Itallia sa sinabe ng kanyang kapatid.
Mas lalong nainis si Ate Toni dahil dumiin ang pagkahawak niya sa braso ko hanggang sa makarating kami sa aming sasakyan. Padabog na sumakay si Ate Toni sa sasakyan kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lang at tumabi sa kanya.
Malalim ang paghinga ni Ate dahil siguro inis na inis siya kaya tumingin na lang ako sa labas habang umaandar ang sasakyan.
"Saan tayo Ma'am?" maingat na tanong ng aming driver. Nahalata niya siguro na wala sa mood ang Ate ko na anytime ay sasabog na.
"Home" maiksing sabi ni Ate at nakita ko na lamang na may katext siya sa phone. Agad akong kinabahan ng malaman na uuwi na pala kami. Sayang naman ang suot ko at hindi kami nakaalis ni Allary. Bigla kong naalala si Allary kaya tinext ko siya agad.
Me:
Something came up today so for sure hindi ako makakadaan diyan sa inyo at hindi tayo makakapagroadtrip sa Tagaytay. I'll see you on Monday and tatawagan agad kita mamaya because I'm fucking confuse kailangan ko ng kausap. Fuck!
Allary:
Are you okay? I heard what happened dahil tinext ako ni Angel. Where are you also? Call me when you're home, ASAP Lowy.
Lumambot ang aking puso sa nabasa. If there is someone whom I treasure in my life right now ay walang iba kundi si Allary. She's the only person na nag-aalala sa akin at nagmamahalkaya sobrang saya ko na may nakilala akong isa tulad niya. She's not just my bestfriend but also a sister and family. Bigla kong naalala sina Macy kaya tinext ko agad sila at humingi ng tawad sa nangyari at sinabi nila na okay lang naman daw.
Hindi na ako hinintay ni Ate Toni na bumaba dahil dumeretso na siya sa loob ng mansion. Pagkapasok ko ay agad kong naabutan si Ate Toni na may sinasabi kay Mama at pagkakita sa akin ni Mama ay agad akong sinabunutan.