Jack...
Mayroon akong pinuntahang meeting kaya hindi ko namalayan na gabi na pala at dahil hindi pa ako nag didinner naisipan kong maghanap nang restaurant na pwedeng kainan dun kung saan magkakaroon ka nang kapanatagan at masisiyahan kang kumain kahit na mag-isa ka lang....
Habang nasa byahe ay naisipan kong tawagan ang babaeng nagpapabaliw lang naman sa akin.., hahaha ang nag-iisang Nadia sa buhay ko na hindi ko masabi kong matutunan din kaya nya akong mahalin....
Medyo traffic kaya tinawagan ko na sya., naka ilang ring na pero hindi padin nya sinasagot ang aking tawag..,, hhhhmmm bakit kaya??? Baka nasa banyo lang sya kaya hindi sinasagot ang tawag ko., ini off ko ang phone calls at naghihintay sa pag usad nang traffic...
Naisipan ko na lang na magpatugtog para di masyadong nakakainip...
Makalipas ang kinse minutong pag aantay ay sa wakas ay kumilos din ang mga sasakyan at nagmamadali, paano kasi sa sobrang traffic hindi kapa ba mag mamadaling magpatakbo angad nang sasakyan.....
Nakarating ako sa isang lugar na maaliwalas at may mangilan-ngilang nag lalakad, maaliwalas ang gabi at mukhang ligtas naman ang lugar., inayos ko ang pagkakapark nang aking sasakyan at handa na sana akong lumabas nang may mamataan akong pamilyar sa akin...
Hindi agad ako nakalabas dahil tumigil saglit ang dalawa sa di kalayuan sa aking pwesto at mukhang ang saya-saya nila....
Kinabahan ako pero sana hindi sya yung nakikita ko., baka nanaginip lang ako dahil kakaisip ko sa kanya., pero ang lakas nang kaba nang aking dibdib at nasisiguro ko na sya talaga yun., kahit kasi naka talikod ang isang tao basta kilala mo nang lubusan tiyak na tama ang hinala...
Lumalad na ang dalawa at nagkaroon na ako nang pagkakataon na lumabas sa aking sasakyan., para akong isang stalker nito dahil sinusundan ko sila.., naglalakad sila nang patuloy sa pag kukwentuhan. Biglang silang huminto at kinabahan ako dahil baka makita nya ako., mabuti na lang at maagap ako at bigla akong tumalikod at sakto naman na may dumaan na nagtitinda nang scarp kaya bumili na ako kahit ayaw ko sana...
Ipinulupot ko ito sa aking leeg at itinaas ko nang kaunti sa bandang mukha para matakpan kahit papaano.., hahaha makakasunod na ako sa kanila kahit papaano...
Hindi nila napapansin na nasa likuran lamang nila ako, ang sakit lang sa pakiramdam na iba ang kasama nang babaeng mahal mo 😔
Nagugutom na talaga ako, wala bang balak kumain ang dalawa na ito at kanina pa naglalakad at ako naman sunod nang sunod, gutom na ako pero di ko maiwan sila hhhhhaaaiiissstt sigawan ko kaya mga 'to nang magulat.....
Maya-maya tumigil na naman sila sa pag lalakad at ang giliw-giliw talaga nya sa iba, at ang lalaki naman na ito sinasamantala 😡 ggrrrr
Anyway nagulat na lang ako at restaurant na pala ang pupuntahan nila at ang saya ko dahil makakakain na din akonsa wakas...
Pagpasok nila ay sinundan ko padin sila pero mas malayo na ang distansya ko kasi ang liwanag sa loob nang restaurant at baka makita nila ako...
Medjo sulok ang upuan na kinuha nila at syempre dun din ako dapat, hindi nila ako makikita medjo may kataasan kasi ang wall kaya safe ako...
Nakapag order na sila at nang matapos sila ay kinawayan ko ang waitress para makapag order din ako...
Naisipan kong tawagan ang number nya baka sakaling sagutin pero nag riring lamang ito at wala atang balak na sagutin.., 😔
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomanceNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...