PROLOGUE

466 23 0
                                    


~•| THE YEAR IS 1974.. |•~

"Na-miss kita ng sobra. Habang hinihintay kita mula sa Amerika, binibilang ko ang bawat araw hanggang sa pagbalik mo," bigkas ng isang lalakeng mga halos 30 taong gulang, may magandang tindig, pormal ang pananamit, yayamanin ang suot, naka-korbata. Hinahawakan niya ang mga kamay ng kanyang kasintahan.

"Akala ko hindi mo na ako mahintay." Sagot naman ng babae, siguro mga ka-edad lang niya, naka-red dress na hanggang tuhod ang haba. Pula rin ang kanyang mga labi na may matamis na ngiti.

"Araw-araw kong binabasa ang mga liham mo sa akin upang hindi ako malungkot. Ngunit nang nagbabasa ako ng huli mong sulat, may napansin ako."

"Ang alin? Ano ba ang napansin mo?" Pangamba ng dalaga habang hawak rin ang mga kamay ng binata.

"Mali ang pagsulat mo sa iyong pangalan. Dina Saavedra. Dapat.. Dina Martinez na."

Napangiti pa lalo ang babae sa kanyang mahal. Nagtanong siya kahit alam na niya ang ibig sabihin nito.

"Anong ibig mong ipahiwatig Romualdo?"

Lumuhod si Romualdo sa kanyang harapan at kinuha mula sa kanyang bulsa ang maliit na kahon na may lamang singsing na mula pa sa kaninuno-nunuan ng kanilang mga angkan, singsing na may malaking blue diamond, a very rare one of its kind. Ito'y napasa lang din sa kanya ng kanyang ina at tinatayang milyon-milyon ang halaga. Isa lamang ito sa mga yaman ng mga Martinez.

Nasa balkonahe silang dalawa sa bahay ng pamilya ni Romualdo. Mula pa man noon ay malapit na si Dina sa kanyang mga angkan ni Romualdo. Dahil nagmula rin sa marangyang pamilya, matagal nang may connection ang kanilang pamilya sa mga Martinez. At ngayon nais na ni Romualdo na makasama si Dina sa buong buhay niya.

"Ayoko ng magtanong. Be my Mrs. Martinez."

Ganun na lamang ang pag-propose ni Romualdo sa kanya. Ang kanyang pagiging straightforward, firm, at prangka ang ilan sa mga katangian niya na nagustuhan ni Dina.

"Hindi mo naman kailangang magtanong. Kasi alam mo naman ang sagot."

Magpapakasal na si Dina at Romualdo matapos ang sampung taon nilang relasyon. Dahil sa pagka-busy pagpapalago pa ng kanya-kanyang kayamanan. Ang kasalang Saavedra-Martinez, dalawa sa mga makapangyarihang apelyido sa bansa ang isa sa mga naging pinakamalaki at engrandeng event ng dekada 70 sa Pilipinas. Kasunod din nito ang pagsilang ng kanilang anak, si Diane Martinez.

At doon nagsimula ang lahat..

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon