"Papa?" Sambit ng panauhin matapos kumatok ng tatlong beses tsaka binuksan ang pinto."Oh, Diane. Please come in." Masiglang sagot ni Romualdo na nakaupo sa kanyang opisina. "Have a seat, my dear. Hindi mo na kailangan hintayin ang permiso ko. Pwede kang pumasok sa'king opisina kahit hindi ka na kumatok, anak kita."
Pumasok na si Diane at isinara ang pinto sa kanyang likuran.
"Papa, sinusunod ko lang ang mga tinuro n'yo ni mama na sa trabaho, very important ang respect lalo na mas mataas sayo. I just want to make everything formal here para naman gayahin din ng mga employees."
"Natutuwa akong tinatandaan mo talaga ang lahat ng tinuro namin sayo kahit ang mga pinakamaliliit at pinakasimpleng bagay."
"Of course, papa. Little things do matter."
"And hija, hindi mo naman kailangang magpractice ng respect to someone in the higher position kasi in the future, you will have the highest position in this company."
Tuwang-tuwa si Diane sa kanyang sa mga sinabi ng ama at iniabot niya ang kanyang mga hawak na reports. Graduate na ng Business Administration si Diane at simula bata pa ay minulat na siya ng kanyang pamilya sa larangan ng business. Siya lang ang nag-iisang anak kaya mahalagang matutunan niya ng maigi ang pagpapatakbo ng isang kompanya dahil siya'y isang heiress ng Martinez Co., kompanya ng mga deluxe hotels sa Pilipinas. Ang Martinez Tower ngayon ang pinakasikat na 5-star hotel ng bansa. Kung ang Amerika ay may Hilton Corporation, ang Martinez Company ang katumbas nito sa Pilipinas. Kung si Paris Hilton, ang pinakamayamang heiress ng Hilton Corp., gayundin din si Diane sa Martinez Co. Kahit secure na secure na ang magiging buhay niya dahil sa sobrang yaman ng pamilya, hindi niya hinahayaang lumaki ang kanyang ulo at i-take for granted nalang ang lahat. In short, maayos siyang pinalaki ng kanyang mga magulang.
"Ito na po ang mga reports na pinagawa n'yo sa'kin." Iniisa-isa niya ang tatlong portfolio sa mesa ng ama. "Ito 'yung, accommodation transaction record last week tapos ito naman ang progress report for the last 6 months. Nagawan ko na din po ng report 'yung pinahabol n'yong task kahapon. And natapos ko na ring i-revise ang presentation ng inventory last month."
"In just a week and a day natapos mo lahat nito? Wow I'm so impressed, hija."
Tumayo si Romualdo at nilapitan ang kanyang anak.
"I can now die happily anytime now that I know I'm leaving the company in good hands," Napatayo si Diane sa biro ng ama.
"Papa 'wag ka namang magsalita na parang mang-iiwan ka na. Hindi ka pa matanda. Magsasama pa tayo ninyo ni mama ng matagal."
"What I'm just meaning to say, maaasahan talaga kita. Kahit nga ngayon na agad, pwede na kitang ipalit sa posisyon ko."
"Papa.." Bumuntong hininga si Diane. "Siguro kung puro reports at presentations lang gagawin ko, kaya ko lahat 'yan. Pero sa pagpapatakbo ng buong kompanya? I don't think kaya ko ng mag-handle at mag-manage ng mga tao. I'm just 20, papa. I still have to learn so many things."
"Okay, if that's what you say, my dear. You know your capabalities. Pero alam kong madali kang matututo dahil manang-mana ka sa'kin. Konting panahon nalang siguro and I know perfect ka na maging CEO ng Martinez Corporation. I have so much faith in you, Diane."
Niyakap ng mag-ama ang isa't isa.
"Thanks, papa. I am a Martinez. Like you always say."
"And a Martinez never fails." Dugtong ni Romualdo.
May biglang nagbukas ng pinto kaya agad napahinto ang dalawa sa father-daughter moment nila.
"Sir, andito na po ang bagong applicant." Sabi ng babaeng naka-corporate attire, trabahante ng Martinez, si Jessica. Isa sa mga matagal ng employee na never nabigyan ng promotion. Siguro hindi rin satisfactory ang performance. Kasama niya ang isa pang babae na semi-formal ang suot. Siguro fresh graduate rin na gustong mag-apply.
"Hindi ba't sa Human Resources ang interview?"
"You're right, Diane. Pero ito 'yung nag-aapply para maging bago kong assistant kaya dapat ako ang mag-interview."
"Okay. So I guess I'll get going, papa." Bumeso si Diane sa ama at naglakad palabas ng opisina. Ngunit huminto siya sandali sa harap trabahante.
"Next time, you should knock before you enter."
"Yes po, ma'am. Sorry."
Tumingin si Diane sa bagong mag-aapply. Mga ka-edad lang siguro niya ito. Ngumiti ito sa kanya at mahinang sinabing, "Good morning."
Tumango lang si Diane sa kanya at lumabas na ng opisina. Nang tiningnan niya ang bagong applicant kinilatis na niya ito. Napaisip-isip si Diane na ang applicant na iyon ay masyadong mahinhin, mahiyain, at mahina ang kilos. Puro kasalungat para sa ideal na katangian ng isang assistant o secretary. Natitiyak niya agad na hindi ito matatanggap at siguro o-offeran nalang ng ibang posisyon.
"You may now leave us, Jessica. Have a seat."
'Yun ang huling narinig ni Diane at umalis na siya nang nagsimula nang mag-interview ang CEO sa bagong aplekante.
*
*
*
*
*
Author's Note:
Hi! Ayan, nabasa mo na rin ang first chapter. So far ano ang mga opinyon mo sa story? Sa characters? I'm not asking for your votes but it would really make me happy if you will. I hope sasamahan mo ako sa writing journey ko with Diane's future. Please leave comments or message me anytime. I would really be happy to hear from y'all!
Salamat sa pagbasa!💙💚
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...