"Magtatagal ba kayo doon?""Six weeks lang naman. Paano kasi, isa sa mga closest and long time friends ni mama 'yung namatay. Hindi na i-uuwi dito sa Pilipinas ang bangkay. Kaya dapat makapunta talaga siya dun."
Nasa office sina Diane at ang pinsan niyang si Regina Martinez habang may mga binilin ang una sa huli para sa pag-alis niya patungong Amerika kasama ang kanyang ina. Close na close niya ang kanyang pinsan na kapag wala siya sa opisina, sa kanya niya iniiwan ang pamamahala. Magkatabi lang rin ang kani-kanilang opisina ngunit madalas nasa opisina ni Diane ang kanyang pinsan.
"Eh, ba't kailangan 6 weeks?" Mausisang tanong ni Regina.
"A little vacation. At tsaka bibisita rin kami sa Waldorf Astoria sa New York. Gagawan ko ng observation report ang facilities nila. Para pagbalik namin, meron pa rin akong nagawa."
Nakaupo si Diane sa kanyang office chair habang busy sa pagsusuri ng mga papel sa kanyang mesa. Si Regina nama'y nasa tabing sofa.
"Ooh. Look at the future Miss CEO, doing her job. Hanga rin ako sa pagka-ambisyosa at goal-oriented mo, 'no. Maraming mga ka-age natin d'yan party-party lang muna ang ganap sa buhay. Ikaw at 20 parang gusto mo ng abutin ang Mars. Baka pag 30 mo nasa ibang galaxy ka na."
Napatawa nalang si Diane sa pinagsasabing kalokohan ni Regina.
"Basta ha, gawin mo'kong assistant 'pag nasa position ka na ni tito."
Patuloy sa pag-arrange ng mga gamit si Diane sa mesa.
"Hmp! Para namang wala kang posisyon dito sa kompanya." Diane rolled her eyes sa kanyang pinsan.
"Eh, baket, meron ba? Oo nga't kagra-graduate lang natin pero ikaw andito na, hired na. Ako dito, taga-follow-up lang kay tito at taga-fill in sa mga times na wala ka."
"Eh, nag-apply ka ba?" Tinaasan ni Diane ng kilay si Regina.
"Hindi nga. At tsaka kailangan ba 'yon? Puro mga angkan natin ang mga nasa matataas na posisyon. Susuwelduhan pa rin nila tayo dito kahit hindi pa tayo official employee," Patawang sabi ni Regina. "Tapos ikaw sobrang seryoso, sige tatanda ka ng maaga. Tatanda ding dalaga!"
"Ewan ko sayo! Tara, punta tayo sa office ni papa."
Palabas na ng opisina si Diane dala ang ilang mga papel at sumunod naman agad sa kanya si Regina.
"Basta alam mo na kung anong gagawin mo habang wala ako," Panimula ni Diane habang naglalakad sila patungong office ng kanyang ama.
"Ang importante si papa na ma-assist mo. Sobrang busy 'yan baka makaligtaan niya ang medication niya. Tsaka kailangan lagi mo siyang pina-prompt sa schedule niya ahead of time. Sa dami ng mga gawain minsan na-ski-skip na 'yong iba. Last week hindi siya nakapunta sa meeting with Mr. Cinco. Buti nalang napaki-usapan ko at naayos din."
Nag-elevator silang dalawa at pinindot ni Regina ang numero ng palapag na patutunguhan nila. Silang dalawa lang sa loob.
"Really?! How could tito miss a very important deal with a very important person in the business? Tsaka, diba mahirap kausap 'yung si Cinco? Paano mo nasuyo ang matanda?"
"Ewan ko. May gusto yata 'yung matanda sa'kin. Naiirita ako sa kanya. And I hate that cowboy hat he's always wearing. He makes me cringe pero okay na rin 'yun. Wala naman siyang ginawa na kung ano. Ang importante pumayag siya ng second meeting with papa so ibig-sabihin may chance pang matuloy ang deal with him. Pero hindi pa niya sinabi kung kailan. Mag-uupdate lang daw siya. Ang bilis naayos ng mood ng matanda nang nag-usap na kami."
"Nako, Diane, type ka pala ng mga oldies!"
"Tigilan mo'ko, Regina. 'Yung mga bilin ko sayo ha. In two days na ang lipad namin ni mama. Again, si papa, i-assist mo."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...