5 - Ang kulang nalang sa party

159 17 3
                                    


"Hi tita," Bumeso si Regina kay Dina nang ito ang unang nadatnan pagdating sa bahay ng huli. "Si Diane po?"

"Nasa kwarto niya. Umagang-umaga pero medyo wala sa mood kasi ang papa niya hindi siguradong maka-attend ng birthday niya sa Cebu. Puntahan mo nalang."

"Sige po."

Nagtungo si siya sa kwarto ng pinsan. Kumatok muna siya pagdating sa pintuan dahil nagagalit ito kapag diretsong papasok ang panauhin. Bad mood pa naman, baka mabugahan pa siya ng apoy nito. Narinig niyang sumagot si Diane ng "pasok" kaya binuksan niya ito.

"Oy hindi ka pa ba nag-impake? Mamayang hapon na ang flight natin, maghanda ka na!" Paalala ni Regina nang makitang nakabulagta pa sa kama ang maleta na nakabukas at wala pang ni isang laman.

Tahimik na nakahiga lang sa kama si Diane at hindi pa rin siya kumikibo.

"Bawal ma-bad mood. Dapat nga mag-beauty rest ka ngayon. Hindi ka ba masaya na birthday mo bukas?"

"Mas uunahin pa ni papa ang business meeting niya kesa sa'kin."

"May meeting siya ng Sunday? Hindi ba pwedeng pagkatapos ng meeting, hahabol nalang siya?"

"Dinner meeting 'yung pupuntahan niya. Wala naman sigurong magdi-dinner ng 3pm. Kung matatapos sila ng 8pm tapos lilipad pa siya pa-Cebu, ano pa ang madadatnan niya? Magligpit ng mga plato?"

Umupo na rin si Regina sa tabi niya.

"Diane, baka importante talaga 'yung meeting na 'yun. At tsaka, hindi ka naman bata para magtampo sa ganyan kaliit na bagay. Meron pa rin namang next year, eh."

Tiningnan siya ni Diane ng masama na para bang bubugahan na talaga siya nito ng baga.

"Kung gusto mo ikaw nalang mag-birthday dun. Wala ka talagang naitutulong."

Medyo nasaktan rin si Regina sa sinabi ng pinsan. Siya nga ang halos gumawa ng lahat-lahat ng preparasyon sa birthday niya. Mula invitation, booking ng venue, booking sa transpo, pati na distribution ng invitation cards siya rin. Then her mom took care of the rest. Pero malaki-laki rin ang effort ni Regina tapos ngayon sasabihin niya lang na wala siyang naitulong. Pero sa halip na magalit, inintindi nalang niya si Diane dahil alam naman niya ang ugali nito.

"Tutulungan kita. Gagawan natin ng paraan para makapunta si tito. Total, bukas pa naman ng gabi ang party. Mahahanapan pa natin 'yan ng paraan."

Bumuntong hininga lang si Diane.

"Kaya sige na, mag-impake ka na. Or gusto mo ako nang mag-impake para sayo? Para naman may maitulong ako sayo."

"O sige na," Kalmang sabi ni Diane at nilambing niya si Regina. "Sorry na sa sinabi ko kanina na wala kang naitutulong. Naiinis lang kasi akong isipin na nang-aagaw na nga ng attention si Melissa kay papa, tapos hindi pa siya makapunta sa kaarawan ko. Pinaghandaan natin ito diba tapos mas pipiliin niyang doon sumama sa meeting."

"You know your dad when it's business," Sabi ni Regina. "And if it makes you feel better, hindi makakapunta si Melissa kasi wala daw siyang pamasahe sa eroplano. Hinayaan ko nalang. Alangan naman isasama natin siya sa private plane, eh ayaw mo naman 'yon. Winish ka nalang niya ng happy birthday."

"Thank you for everything, Regina."

"Ano ka ba, wala 'yon. Assistant mo ako diba?"

Niyakap ng magpinsan slash magbestfriend ang isa't isa.

*

*

*

*

*

Later that day..

Sakay na ng private jet sina Diane, Regina at Dina. Kasama rin ang family ni Regina. Ang pamilya nila ang pinaka-close na kamag-anak ng family ni Diane. Ang iba pang mga dadalong kamag-anak na mayayaman rin ay nasa kanilang private jet rin siguro o di kaya'y gaya rin ng iba na nagpassenger plane nalang. Syempre maraming malalaking tao ang darating kasi di lang iyon ordinaryong birthday. It is the birthday of the only child of the CEO of Martinez Corporation, and its one and only heiress. Nag-invite rin ng mga media para sa exclusive coverage. Ganito rin noong 15th at 18th birthday ni Diane.

"Okay na, 'wag ka nang malungkot." Sabi ni Regina kay Diane na katabi niya sa eroplano. "Kinontact ko na ang ka-meeting ni tito at pinaki-usapan ko na i-change ang oras ng kahit 2 hours earlier than their scheduled time."

"So, napa-oo mo?" Tanong ni Diane.

"Yes! Si Mr. Cinco pala 'yung ka-meeting ng papa mo. Remember that deal with him?"

Si Mr. Cinco ay isang Espanyol na negosyante na mahirap pakisamahan ang ugali, mahirap kausap, ngunit magaling maging business partner. Kaya marami ang nakikisosyo sa kanya sa negosyo kahit nakakainis ang kanyang karakter.

"Ang tagal na n'ong first meeting ha, 'yung ako ang sumipot sa kanya?"

"Oo nga, eh. And I think ngayon na siya pipirma. Pahirapan si matanda talaga eh. Syempre ginamit ko pangalan mo para pumayag siya at nang maagang makabiyahe si papa mo at makaabot pa sa birthday mo."

"Tapos anong kapalit? For sure si Mr. Cinco sobrang business minded 'yun eh, everything has a cost." Sabi ni Diane.

"Ininvite ko siya sa party mo."

"What?! Alam mo bang nakakakilabot  tuwing kinikindatan niya ako?"

"Diba dahil sa party mo kaya dapat agahan nila ang meeting. Kaya ayun, inimbita ko siya. Huwag kang mag-alala hindi 'yun pupunta. Matanda na 'yun diba, ayaw na nun magpagod pa para bumyahe."

Bumuntong hininga na naman si Diane na para bang hindi pa rin siya mapakali.

"Pwede ba, magrelax ka nalang." Sabi ni Regina. "Pagdating natin sa Nicolas Haven libutin na natin agad ang resort at nang mag-enjoy tayo."

"Dinalhan mo ba ako ng swimsuit?"

"Syempre naman! Tatlo nga dinala ko para may pagpipili-an ka."

"Thank you sa pag-impake mo ng mga gamit ko. Basta sigurado ka na nand'on na lahat ng kailangan ko, ha." Sabi ni Diane at pinahinga niya muna ang ulo niya.

"Of course. Tsaka 'wag ka nalang matulog, Diane. Magkwentuhan nalang tayo sa mga gagawin natin, hindi naman aabot ng isang oras ang lipad pa-Cebu eh. Alam mo ba meron akong bagong pinapanood na series pero bago ka mag-react, hindi ito teleserye sa tv na sinasabi mong cheap at OA. American sitcom siya at ang title ay F.R.I.E.N.D.S. Season 2 na nga lang, pero don't worry makakahabol ka pa."

"Regina, I need to rest my mind for a while."

"Ah, okay. Sorry po, Miss Diane. Sige po mag-rest ka na po."

"Ikaw rin Miss Regina mag-rest ka rin. 'Wag kang daldal nang daldal."

Sinuot na nila ang seatbelt dahil ilang minuto nalang at lilipad na sila.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon