6 - The BIG event

141 17 1
                                    

The following day, sa Nicolas Haven sa Cebu..

"Happy birthday, hija!"

"Oh, you've grown to be such a beautiful maiden!"

"Miss Diane Martinez, a pleasure to celebrate with you your birthday!"

Diane was all smiles greeting, shaking hands, and having short conversations with the guests. Halos sumasakit na nga ang nguso niya sa kakangiti sa mga tao at pati na sa mga camera ng mga mediang inimbitahan. Sanay naman siyang makipagsosyo sa mga malalaking tao o sa mga social events dahil ito naman talaga ang uri ng buhay na kinalakihan niya. 'Yun nga lang nakakapagod ring makipagplastikan sa iba.

Nagsisimula pa lang ang party kaya parami ng parami ang nagsisidatingang mga bisita. Nagpapabonggahan ng suot ang mga tao, parang may fashion show. Syempre red dress ang suot ni Diane. Ang birthday celebration niya tuwing taon ay sinasabayan rin ng charity event, ang Martinez Foundation kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa mga bahay ampunan at sa mga batang lansangan at may malulubhang sakit.

"Thank you so much for coming! Thank you po."

"Diane," Tawag ng mama niya. "Excuse us for a while."

Sumama siya sa kanyang ina at parang narelax siya.

"Oh my god, ma. Thanks for getting me out of there. Kakapagod ang meet and greet."

"Well, hindi pa tapos ang meet and greet mo, hija." Tumawa si Dina. "I'd like you to meet someone."

Nagpunta sila sa isang table at doon naghihintay ang pamilyar na babae, naisip niya na kaibigan ito ng mama at papa niya pero hindi na niya matandaan ang pangalan. Kasama ng babae ang isang lalakeng, mga nasa mid-20's ang edad. Anak siguro ng babaeng kaibigan ng mama niya.

"This is Amalia, business partner before ng papa mo. You've met her before when you were younger. And this is her son."

Tumayo rin ang dalawang panauhin para kamayan si Diane.

"Diane! You look even prettier now that you've grown up." Bumeso kay Diane si Amalia. "This is my son, Sebastian."

"Pleasure to finally meet you, Miss Diane. I've heard so much about you and your family from my parents." Naghand-shake silang dalawa.

"He's an only-child like you. I'm sure marami rin kayong mapagkakaintindihan aside from that." Dagdag pa ni Amalia.

"Napakalaking tulong nitong mga Jimenez sa'tin sa business." Says Dina to Diane.

"Nasaan nga pala si Romualdo, Dina?" Tanong ni Amalia.

"May business appointment siya pero darating 'yon mamaya." Sagot ni Dina. "Let's take our seats para mas magka-usap sila."

Pangiti-ngiti na naman si Diane sa mga panauhing inintroduce ng mama niya. Alam niyang isa na naman itong set up para i-meet niya ang future husband niya. Mayaman, galing sa pamilyang kakilala na ng mga magulang niya, in-line with business rin, at may hitsura rin si boy kaya tiyak na pasok na pasok ito sa standards ng parents ni Diane. Madaling makakilatis ng tao si Diane at sa unang tingin pa lang, ayaw na niya kay Sebastian. Hindi pa naman sila nag-getting to know each other, bibigyan niya ng chance si Sebastian baka magustuhan din niya pala ito.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon