"Hey.." Bati ni Regina nang pumasok siya sa kwarto ni Diane. Isinara niya ang pinto tapos umupo siya sa tabi ng pinsan niyang nakahiga.
"Halos dalawang linggo ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo. Akala ko ba strong tayo, hindi nagpapaapekto sa anumang problema?"
"Kung papasok ako sa opisina, makikita ko lang ang mga pagmumukha nila. Naaalala ko ang kababoyan na ginawa nila. Halos anak na nga niya ang malanding 'yun."
"Ibig sabihin hanggang ngayon hindi mo pa rin kinausap si tito? If it makes you feel better, wala na si Melissa sa opisina. She got fired. Akalain mo sa pagbabait-baitan at pa-inosente niya, may tinatago pa lang maitim na budhi."
Bumangon si Diane mula sa pagkakahiga. Bumuntong hininga na naman siya. Pakiramdam niya pagod na pagod siya kahit ilang araw na siyang nasa bahay lang.
"Pasalamat si papa at hindi pa kumalat ang eskandalong ginawa niya sa ngayon. A Martinez never fails . Oo, totoo. He never failed in his business. But he failed to keep his marriage."
"What do you mean? Maghihiwalay na sila ni tita Dina?"
"Unfortunately. Hindi ko rin naman ma-blame ang mama. And besides, it's already been a while since she's no longer happy with their marriage."
"Come on, Diane. Baka maayos pa ito. Wala na ang mistress, she's out of the picture. I'm sure mahihiya na rin 'yung magpakita pa ulit."
"What if uulitin ni papa? With another woman again? Decision ito ni mama. And her mind is already fixed."
Regina sighs. Parang siya pa ang namomroblema.
"Baka nasabi lang 'yun ni tita kasi galit pa siya. Palamigin n'yo muna ang sitwasyon baka maayos rin. Eh ikaw, papayag ka lang ba na mangyari 'yon?"
"Easy for you to say, Regina." Diane sighs before she continues. "Nag-file na ng annulment si mama. Kapag ma-settle na ang lahat, pupunta na siya ng America for good."
"Ano?! Ang bilis naman yata?!"
"Matagal na niyang gustong sa America na tumira pero papa keeps holding her back. Ngayon na nakahanap na siya ng rason, wala ng makakapigil sa kanya."
"So, ano naman ang plano mo?"
Diane sighs. "Sasama ako kay mama."
"What?! No!" Tumayo si Regina para mas intense ang effect dahil feeling na naman niya nasa teleserye siya. "Paano na ang kompanya, Diane?"
"Nandiyan naman si papa. Kinaya pa nga niyang humanap ng kabit, pagpapatakbo pa kaya ng kompanya."
"Pero.."
"Nandiyan naman ang daddy mo, ang kuya, at mommy mo para tumulong sa kompanya. Nandiyan din si tita Rosalia."
Iniisa-isa ni Diane ang kanilang mga kamag-anak na bumubuo ng Martinez Corporation. Si Romualdo ang CEO dahil siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Nagsimula ang kanilang family business sa lolo pa ng lolo ni Diane. So automatically, Diane will be the next CEO. She's the 2nd female CEO next to her great great grandmother Celestina.
"At tsaka si tito Romulo. Sus, ang dami n'yong magtutulong-tulong," Dagdag pa ni Diane.
"Hmp! Sinali mo pa si tito Romulo. Eh, tinalikuran nga niya ang kanyang yaman para mamuhay ng ordinaryo."
"Eh, sinali ko nalang sa enumeration kasi family pa rin 'yon, hayaan mo na."
"Pero paano ako, Diane?"
"Ano ka ba Regina hindi pa naman ako mamamatay, America lang 'yan. I know you will be good. Alam kong hindi mo pababayaan si papa. Tsaka babalik din naman ako diba if it's my time to rule the Martinez empire."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...