Year 2005...
.
.
.
"So, i-revise mo nalang 'yung last part ng presentation at ipasa mo nalang ulit sa'kin."
"Okay, tito.""Can you pass the final presentation as soon as this afternoon?"
"T-this afternoon na agad, tito? Okay.. I'll do my best."
May dini-discuss pa si Regina at Romualdo sa opisina nang pumasok si Jessica. Ang dati pa ring secretary na hanggang ngayon wala pa ring promotion pero mukhang gusto naman niya ang position niya. Consistent.
"What now, Jessica?! Ikatlong beses ka nang pabalik-balik dito?!" Iritang tanong ni Romualdo.
"I'm sorry Sir pero 'yung visitor n'yo kasi."
"Diba hindi naman applicant 'yan? Hindi rin investor, business partner, politician. Can't that wait? Kahit importante pa ang kailangan n'yan may mas importante kaming pinag-uusapan dito."
"Even if it's me? "
Nabigla si Romualdo at Regina sa dumating na panauhin. Never nilang inexpect na bumalik ito sa mga ganitong panahon o oras.
"Thank you, Miss Jessica. Good job."
"You're welcome, Miss. And welcome back!" Sagot ni Jessica at lumabas na ng opisina.
"Diane!" Masiglang bati ni Regina at agad niyang nilapitan ang pinsan at nagyakapan sila. "I can't believe you're here! Kumusta ka na? Kailan ka dumating?"
"Two days ago. I just stayed in a hotel nearby. It's just almost a decade pero parang ang dami nang nagbago sa Pilipinas."
"So, how's America? How's your family? Kasama mo ba si tita?"
"Ako lang mag-isa."
Nalungkot si Romualdo nang marinig niyang hindi sumama si Dina. Akala niya magkikita na sila ulit at unti-unti nang magkaayos.
"Pansamantala lang din naman ako dito, eh. Babalik din agad ako sa US. Ikaw, ano bang ganap mo?"
"Hayy, ito pa rin. Walang oras sa lovelife. Baka nga tatanda na akong dalaga nito, eh."
Habang nagtawanan sila, nag-antay lang si Romualdo sa kanyang mesa na nakatayo. Handa naman siya kung sakaling susumbatan na naman siya ng kanyang anak. Tatanggapin niya kung hanggang ngayon hindi pa rin siya napapatawad.
"Uhm.. Siguro dapat iiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap kayo." Sabi ni Regina saka lumabas na ng opisina.
Nakatayo pa rin si Romualdo sa kanyang kinaroroonan.
"Diane," Panimula niya. "Akala ko hindi ka na dadalaw sa'kin habang buhay pa ako. Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo. At sa mama mo. Sa lahat ng mga maling nagawa ko na naging dahilan kung bakit nagkalayo tayo ng ilang taon. Alam kong hindi naman kita mapipilit na kalimutan nalang ang lahat. Pero, araw-araw kong pinagsisihan ang mga kasalanan ko. Walang nang mas masakit pa sa iiwang mag-isa ng asawa at anak niya. Aanhin pa ba ang napakaraming yaman, kung ang pinakamahalagang bagay sa'kin ay wala na? Kayo, kayo ng mama mo, ang aking pamilya, ang pinakamahalagang yaman ko dito sa mundo, Diane. Patawarin mo na ako anak."
Napa-iyak si Diane nang nakita niyang lumuluha na ang kanyang ama.
"Matanda na ako, anak. Ayokong mamatay na hindi tayo nagkakaayos. Lalo na ikaw, na anak ko. Dahil mahal na mahal kita."
"Papa.."
Lumapit si Diane sa kanyang ama at yinakap niya ito nang napakahigpit.
"I'm sorry." Iyon lang ang mga nasabi niya sa ama dahil humagulhol nalang siya ng humagulhol sa pagkayakap niya sa kanyang amang matagal na niyang gustong yakapin.
"Ngayong nagkakaayos na tayo anak, hindi na lalaki ang butas sa puso ko."
"May sakit kayo sa puso??"
"Biro lang, anak. Ang ibig kong sabihin butas ang puso ko dahil nagkulang sa inyo ng mama mo. Pero ngayong nandito ka na, naayos na."
Niyakap ulit ni Diane ang ama dahil naluha pa talagang magbiro nito.
*
*
*
*
*
Meanwhile..
"Nay, matagal pa po ba si tatay?" Tanong ng batang si Vanessa.
"Malapit na 'yon, anak." Sabi ni Lisa sa kanyang anak.
"Dadalhan niya po ba ako ng cake?"
"Oo naman anak. Diba nangako ang tatay na kahit anong mangyayari darating ang cake at mga balloons mo? Darating 'yon."
Maraming handa sa bahay nina Lisa at Marco ngayon at niyaya nila ang kanilang mga kapitbahay na doon maghapunan sa kanila dahil 9th birthday ni Vanessa. Ngunit lampas na ng alas 5 at hindi pa dumating ang kanyang tatay. Siguro baka pina-oovertime na naman ito sa trabaho dahil 4:30pm ang out niya sa regular working hours. Minsan naiinis siya sa sobrang kabaitan ng asawa dahil palagi itong pumapayag kung anuman ang gusto ng manager ng bangko.
Tulong-tulong lang sila ng mga trabahante niya sa restaurant para sa pagluto ng mga handa. Tinulungan rin siya ng kapitbahay niyang si Mary. Ang sipag niyang manghingi ng ulam sa kanila ni Lisa ngunit masipag rin naman itong tumulong sa kanila kapag meron silang kinakailangan.
Hangga't nagsidatingan na ang mga bisita. Kinantahan nalang nila ng happy birthday si Vanessa at nagsimula na ang kainan kahit wala pa si Marco. Kung ano-ano na ang naisip ni Lisa dahil hindi pa umuuwi ang asawa kahit alam naman nitong mahalaga ang birthday ng anak niya. Mabuti nalang at nakahanda naman ang lahat ng mga pagkain. Cake at balloon na nga lang 'yung kulang.
"Bakit wala pa si tatay?"
"Baka na-traffic lang 'yon anak. Malapit na 'yon. Sige na magsaya ka doon, oh. Birthday mo, diba? Maglaro kayo."
Nagkaaliwan na sa pagvivideoke ang mga nanay. Ang mga kabataan naman ay naglalaro at nalibang sa pagkain ng mga matatamis na desserts tulad ng ice cream at fruit salad. Ang mga kalalakihan naman ay medyo maingay na sa pag-iinuman. Hanggang may mga dumating na pulis sa harapan ng kanilang bahay at kaya natigil ang lahat ng sayahan at ingay.
"Nasaan ang may-ari ng bahay?" Tanong ng isang pulis sa isang lalaking medyo naka-inom na. Dali-dali nitong tinawag si Lisa.
"Ano pong kailangan n'yo?" Tanong ni Lisa. "Nakaabala ho ba, kami? Pasensya na po nagbe-birthday po kasi ang anak ko."
"Magandang gabi, mam. Kayo po ba si Mrs. Montes?" Tanong ng isang pulis.
"A-ako nga ho. Bakit po?" Pangambang tanong ni Lisa dahil baka dakpin siya.
"May ipapaalam lang po kami tungkol sa asawa n'yong si Marco Montes. Pinasok at ninakawan po ang bangko sa lungsod. Mga amardo ang mga suspek. Lima sa mga naka-duty roon kabilang ang dalawang security guards ay nabaril ng mga magnanakaw. Dalawa po sa mga nabaril ang namatay. Isa po doon ang asawa n'yo."
"A-ano?!"
Parang sinakluban ng langit at lupa si Lisa sa kanyang mga narinig. Pakiramdam niya binuhusan siya ng isang batyang tubig na may maraming bloke ng ice. Nanlamig siya sa kanyang kinatatayuan.
"May pinaabot po ang isa sa mga kasamahan niya. Ito raw ang mga maiwan sa mesa niya."
Iniabot ng dalawang pulis ang box ng cake at ang mga balloon na may nakasulat pang "Happy 9th Birthday, Vanessa!"
Hindi alam ni Lisa kung paano niya matatanggap ang nangyari. At mas lalo nang hindi niya alam kung paano sabihin at ipaliwanag sa mga anak na nasa murang edad pa lang na makakauwi nga ang kanilang tatay, pero wala na itong buhay. Ngunit tinupad pa rin nito ang huling pangako sa anak na kahit anong mangyari, darating ang kanyang cake at balloons para sa birthday.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...