15 - Vanessa's dreams and aspirations

107 15 14
                                    


"I HEREBY PROUDLY ANNOUNCE YOU AS OFFICIALLY THE GRADUATES OF 2017!"

Nagsiliparan ang mga itim na toga sa himpapawid matapos inanunsyo ang opisyal na pagtatapos ng mga college students ng Bulacan State University. Isa sa mga graduating class si Vanessa Montes na nagtapos ng BS Tourism Major in Travel and Hospitality Management bilang Cum Laude. Kasabay niya rin si Alexander Castante na boyfriend niya for more than 2 years, sa kaparehong kurso. Ultimate goals nga ang dalawa kung tawagin sa kanilang bloc.

Pagkatapos ng masayang seremonya busy na sa pagpicture-taking ang lahat sa kani-kanilang mga kaibigan at kaklase.

"Love, congrats sa atin pareho." Sabi ni Alexander sa kanyang girlfriend habang hinawakan niya ito sa mga kamay. "Hindi ako makapaniwalang makakamit ko ito sa buhay ko. Kasi nga diba, tatlong beses akong pabalik-balik ng 1st year. Napabarkada at puro lakwatsa na parang walang plano sa buhay. Pero nang makilala kita, nagsikap akong maging matino. Ikaw ang nakapagpabago ng buhay ko. Maraming salamat."

"Walang anuman yun, love. Kasi mahal kita. Gusto ko magtagumpay tayo pareho. Para sa future natin." Sagot naman ni Vanessa.

"At ngayon na nagtagumpay na tayo gusto ko sanang.. Magpakasal na tayo."

Pareho silang nakatayo, kaya lumuhod at dumukot si Alexander sa kanyang bulsa ng singsing. "Will you be my Mrs. Castante?"

"Love.."

"Hindi man nagkakahalaga ng milyon-milyon ang singsing na ito, pero ang pagmamahal ko sayo ay walang katumbas na salapi."

"Tumayo ka nga diyaaan." Kilig na kilig na si Vanessa.

"Alam kong ayaw mo ng atensyon ng maraming tao. Pero romantic kasi pag ganito, eh." Pakilig na sabi ni Alexander.

Ang ngiti niya nama'y nakakatunaw talaga, kahit sino ay tiyak kikiligin. Si Alexander ay Mr. BSU title holder ng 2015, 2016 at 2017. Undefeated yan. Sa 2017 si Vanessa naman ang naging Ms. BSU. Silang dalawa ang pambato ng Touriasm department. Noong 3rd year na nagkaroon ng lakas ng loob na sumali ng school pageant si Vanessa, dahil din ito sa pag-eencourage ng nobyo. Sa una niyang pagsali 2nd runner-up lang siya. Sa pangalawa ay nag-champion na.

"Sige na, tumayo ka naaa." Pinatayo niya si Alexander at may ilang mga tao nang nakapansin ng kanilang eksena. "Yes! Yes na yes."

"Yes! Thank you, love!" Isinuot niya ang singsing kay Vanessa at niyakap nila ang isa't isa.

Unang hinanap nila ang nanay at kapatid ni Vanessa para iparating ang balita.

"Nay! Alyssa!"

"Ate congrats sa inyong dalawa ni kuya Sander!"

"Hi po, tita Melissa. Salamat Alyssa." Pagbati ni Alexander.

"Proud na proud ako sa inyong dalawa, Vanessa, Sander."

Malapit na rin si Sander sa pamilya ni Vanessa. Only child lang naman si Sander at sa kanyang tiyahin na siya lumaki dahil maagang namatay ang kanyang nanay. Ni hindi niya ito nakilala o kahit nasilayan man lang. Hindi rin naman siya pinagutan ng kanyang tatay. Kaya nang nag-aral na si Sander sa kolehiyo, maaga siyang naging independent at kaya halos napariwara na. Yun nga lang nang nakakilala na sila ni Vanessa, he tried to change for good. Ang kanyang tiyahin at mga anak nito ang dumalo sa kanyang graduation.

"Sayang lang nay, no. Hindi naabotan ni tatay, ito. Sana andito pa siya at nakita niyang natupad ang pangarap n'yo sa'kin na makapagtapos."

"Oo nga, anak. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masayang-masaya siya para sa'yo."

"At tsaka, nay.. May sasabihin kami ni Sander sa inyo."

Naghawakan sila ng kamay ni Sander.

"Hala, ate!! Ibig sabihin?!"

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon