"I can't believe you hide secrets from me like that!"
Kausap ni Diane sa kanyang phone via FaceTime si Dina. Nauna na niyang nakausap ang kanyang anak at asawa kanina. Medyo nagkaalitan nga sila ni Oliver dahil sa isang bagay. Alas 8 na ng gabi sa Pilipinas habang 7am naman doon kina Dina.
"I'm so sorry, Diane. Nagplano naman talaga akong sabihin sayo eh."
"Kailan? Limang taon ka ng kasal kay Mr. Rogers at hanggang ngayon hindi mo sinabi sa'kin? Kung hindi ko nakita ang post ng friend mo sa Facebook na 5 years ago at naka-tag ka, hindi ko rin malalaman. Ibig-sabihin 2 years after namatay ang papa nagpakasal ka agad sa iba."
"Diane, matagal na kaming annulled ng papa mo noon. At tsaka si William, kapitbahay natin. Matagal na rin nating kilala. Matagal na kaming naging magkaibigan. At pareho kaming byudo at byuda."
Diane rolls her eyes and rubs her temples.
"Hija, sorry na. Alam kong mali na tinago ko sayo. May panahon pa ba tayong magkagalit eh hindi naman rin natin maibabalik ang dati kasi tapos na. Hayaan mo na kaming maging masaya. Hayaan mo na ako sa mga nagpapasaya sa akin."
"I gotta go now, mama. Gusto ko munang i-relax ang utak ko. Sobrang daming nakaka-stress ngayon. Bye."
"Grabe naman, no. Akalain mo si tita may asim pa."
Muntik nang ma-itsapwera si Regina na kasama ni Diane sa bahay ngayong gabi.
"Ewan ko nalang talaga. Ang sakit sa ulo."
"At tsaka hindi ka man lang din sinabihan ni Oliver? Nagsabwatan talaga sila?"
"Ayoko nang isipin 'yan, Regina. Nakakapagod na. Habang sobrang busy ako dito, mabuti pa siya nagkakaroon pa ng oras humanap ng pag-ibig diyan. Siguro nasobrahan na tayo sa pag-tatrabaho, no? Anong oras na ba, labas tayo."
"What? Gabi na tsaka maaga pa tayo sa opisina bukas."
"Gusto kong mag-unwind Regina, ang dami kong pino-problema ngayon. Si Oliver, si mama, sa opisina.. ang dami. Pampalimot lang sandali."
"Let's go clubbing? Medyo matagal-tagal na rin tayong nakapag-clubbing. Sige tayo na. Baka makahanap na ako ng forever dun mamaya."
"Matanda ka na."
"Anong matanda? Life begins at 42. Si tita Dina nga naka-find love pa."
"Sige na magbihis na tayo. Tawagin mo si Mang Berto para mahanda ang sasakyan."
•
•
•
•
•
Kinabukasan kahit sobrang sakit ng ulo ni Diane dahil sa hangover, pumasok pa rin ito sa trabaho.
"Sabi ko sayo diba, magpahinga ka na lang muna. Ako na ang bahala dito. Ayaw mo rin namang uminom ng gamot pang-cure ng hangover mo."
"Wag mo na akong problemahin, ginusto ko yun kaya dapat harapin ko itong consequence na'to." Diane answers while leaning her back to her swivel chair, closing her eyes while massaging her head.
"Ikaw kasi eh. Sino bang matinong nag-cla-clubbing ng Monday night." Regina rolls her eyes at her cousin.
Nasa opisina sila ngayon ni Diane, the CEO's office. May kumatok sa pinto at pinapasok naman agad ni Regina.
"Yes, Miss Jessica?"
Si Jessica na halos tatlong dekada na sa Martinez, siya na ngayon ang secretary sa department ni Regina. Tumanda na nga itong dalaga pero sobrang dedicated pa ring magtrabaho para sa mga Martinez.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...