17 - First week of hell

111 15 7
                                    

"Good afternoon, ma'am." Mahinang sabi ng empleyadong nakasalubong ni Diane nang papasok siya sa kanyang opisina. Parang umiiyak ito base sa boses ngunit hindi niya masyadong nakita ang mukha dahil nakayuko ito.

Galing siya sa isang lunch meeting kung kaya't iniwan niya muna si Regina sa kanyang opisina.

"Anong nangyari dun?"

"Ayun nabulyawan ko. Umiyak ba?"

"Bakit, ano ba ang nangyari?"

"First week ng pagta-trabaho niya dito, 2 mistakes na agad!? Napakatanga."

"Ang bagong hired yun? Don't be too hard on her. Alam mo namang bago pa yun. At tsaka ba't ba kasi naghire ka ng tanga."

"Hindi ako ang nag-interview sa kanya. Late nga siya dumating nun eh. Si Kuya Romie ang nag-interview sa kanya. And based sa qualifications, siya ang pinaka-fit. Kasi fresh graduate ng BS Tourism mula sa isang state university, at cum laude pa. Hindi naman nakalagay sa resume na tanga siya."

"Grabe ka, pinaiyak mo talaga yung bagong empleyado. Eto o, may dala akong frappe para sayo, pampalamig sa utak mo." Nilagay niya sa mesa ang kanyang dala para sa pinsan.

"Salamat, Diane. Dun na muna ako sa office ko."

Kinuha niya ang ibinigay ni Diane na frappe  at lumabas na ng opisina. Umupo si Diane sa kanyang swivel chair pansamantala munang nagcellphone. Maya-maya'y may kumatok sa pinto at agad namang pumasok. Diane's rules include: katok sa pinto, pasok kung hindi lock. Kung lock, hintaying mabuksan, at kung hindi ay balik nalang mamaya.

"Ma'am, ito na po yung-ah sorry po. Akala ko po andito si Ma'am Regina."

"Miss Regina is in her office."

"Sige po. Pasensya na po, Ma-Miss D."

Akma na sana siyang lumabas ngunit tinawag siya ng CEO ulit kaya abot langit na naman ang kanyang kaba na baka mapapagalitan na naman siya ng pangalawang beses sa araw na yun. Lalo pa't sa mga sinasabi ng kaibigan niyang empleyado rin na malupit raw ang kanilang amo.

"Diba't ikaw ang bagong empleyado dito sa floor na ito?"

"Ako nga po. Vanessa, po."

"Well, Vanessa. Kung ano man ang mga nasabi ng pinsan ko sayo, pagpasensyahan mo na. Bago ka pa lang dito at hindi ka dapat bigla-biglain sa mga gawain at patakaran dahil alam kong nag-aadjust ka rin. Pero hiling ko rin sayo na kung gusto mong magtagal dito, tatagan mo ang loob mo. Pagalitan, pahiyain, maliitin ka man ng mga superiors mo, tanggapin mo lahat. Bawal ang mahina dito, Vanessa. Gawin mo lahat ng makakaya mo and at the end, you will be paid by the price you deserve. And I'm not just talking about in terms of money." Mahinahong sabi ni Diane. "You may now go. Puntahan mo si Miss Regina sa office nya and just remember what I said. "

"Yes po, Miss. Maraming salamat po, sa advice."

Gumaan ang loob ni Vanessa sa mga sinabi ng boss nila. Naisip niya na baka mali talaga ang pagka-define nila sa kanilang boss. Sapagkat hindi naman ito magiging boss kung hindi siya magaling magdala ng mga tao. Ngayon panlimang araw na niya sa trabaho ay lagi naman siyang sinasamahan ni Angel. Ito na ang naging kaibigan niya sa trabaho. Hindi lang madaldal si Angel, palabiro at nakakaaliw lang kasama. Palaging may kinikwentong kung ano-ano. Pinapakilala din siya ni Angel sa mga naging unang kaibigan nito.

"Fret, may bali-balitang pinagalitan daw ang bagong employee dito at umiyak pa. Bakit ba, ano ba kasing ginawa mo? Sinaktan ka ba nila sa pagkakamali mo?"

Nasa canteen sila nagpapalipas ng kanilang afternoon break.

"Hindi naman sa ganun. Nasasaktan talaga ako kapag sinisigawan at pinagsasalitaan ng masasama. Hindi nga ako ginaganyan ng nanay ko eh."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon