18 - Diane's NEW assistant

131 15 5
                                    

May kumakatok sa pinto ng opisina ng CEO.

"WHAT NOW?" Pasigaw na tanong ni Diane.

Naka-upo siya sa nakatalikod niyang swivel chair kaya hindi niya agad nakita kung sino yun.

"It's me. Sorry na-isturbo kita." Tugon ni Regina nang pumasok na ito. "Mukhang mainit na naman ang ulo mo."

Pina-ikot ni Diane ang kanyang swivel chair na boss' throne kung tawagin ni Angel at iba pang kasamahan sa trabaho. Kaharap na niya ang pinsan. Beast mode nga ang boss ngayon. Ang talim ng tingin ni Miss D. She's also having a tight grip on the phone in her hands.

"Ayy talagang mainit nga ang ulo mo. Bad timing." Kabadong sabi ni Regina. "Balik nalang ako mamaya o kung kailan malamig na ang ulo mo. Sige bye."

Dali-dali na sanang umalis si Regina ngunit pinatigil siya ng amo niyang pinsan.

"Kung may kailangan kang sabihin Regina, sige na sabihin mo na. Huwag mo ng ipagpaliban at baka makalimutan mo pa."

"Sure ka?"

Tumango si Diane at pilit na pagandahin ang kanyang mood na sirang-sira kanina.

"Pero bago ko sabihin sayo, okay ka lang ba? Parang halos masisira na ang phone mo sa higpit ng pagkakahawak mo kanina ah."

"Hay.." She sighs. "It's Oliver."

"Sabi ko na nga ba eh. Sige na Diane, ayokong dumagdag sa mga iniisip mo sa ngayon. I'll see you later.."

"No, no, stay. We just had a typical conflict over the phone, out ka na doon. Ba't naman kita idadamay sa galit ko."

Napanatag naman ang loob ni Regina. Kahit gaano pa niya kakilala at ka-close ang pinsan, takot pa rin siya nito pag ito'y nagagalit.

"I'm sure kung ano man ang pinag-aalitan ninyong mag-asawa maayos din yan. Anyway, gusto ko sanang magpaalam sayo."

"Oh bakit, magpapakamatay o mamamatay ka na ba?"

Imbes na mainis ay tumawa nalang din si Regina. At least nagbiro na ang kanyang pinsan, ibig-sabihin lumamig na ang ulo nito.

"Nakapag-decide ako na umalis muna ng bansa. You know, away from work and the daily routine. I want to try new things."

"Vacation lang pala hanap mo, akala ko pupunta ka na ng Mars."

"Hindi, Diane. Pupunta ako ng France.. For a year. I want to take a long break."

Biglang nag-iba ang expression sa mukha ni Diane at natahimik na lamang silang dalawa. Hinintay na lang ni Regina ang magiging reaksyon ng pinsan dahil kahit ano man yun, walang sino o ano man ang makakapigil na sa kanyang plano.

"Am I hearing this right? A long break for ONE YEAR? What for, Regina??"

"Look Diane, alam ko nakakatawang pakinggan pero gusto kong hanapin ang sarili ko." Rason ni Regina. "Let's face it, buong buhay ko trabaho, career at family ang top priorities ko. For a few decades, same routine ang inuulit ko sa buhay ko, para bang sobrang predictable na. Parang wala akong ibang patutunguhan. I'm 42 and I don't even have a serious lovelife. Puro laro-laro lang. Buti ka pa nga may asawa at anak. Ah basta Diane.. I want to find myself. And maybe in that one year, my life might finally make its surprising turn. Kung wala talagang mangyari.. then doon ko na tatanggapin na ito na talaga ang kapalaran ko."

Diane sighs and face-palms on her desk. Nilagay niya nalang sa mesa niya ang kanyang cellphone dahil baka ano pa ang magawa niya dito.

"I know it's a little late, but as I did a self-reflection, I want to sort out the things in my life. So, sana okay lang sayo."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon