Araw na naman ng Biyernes at halos sa buong linggo sa trabaho ay walang araw na hindi napapagalitan at nabubulyawan si Vanessa ng amo niyang parang pabangis nang pabangis. Hindi maiintindihan ni Vanessa kung nananadya ba talaga ang tadhana o baka mainit lang talaga ang dugo ng amo sa kanya. Sa pagkakaalam niya'y wala naman siyang malaking kasalanan dito. Ngunit tila ba patuloy lang siya nitong pinapahirapan araw-araw.
"You better get this right this time! Naka-ukit ba talaga diyan sa maliit mong utak ang salitang katangahan at kabobohan?!" She screams at her secretary's face while pushing a finger at her head. "Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko sayo Vanessa? Lahat nalang ba-"
"Miss grabe naman kayo makapagsalita. Sobra na ang pagmamaliit ninyo sa'kin. Sarili ko ngang ina hindi ako napagsalitaan ng ganyan tapos kayo ang lakas ng loob n'yong magbitaw ng mga masasakit na salita. Oo trabahante n'yo ako ngunit tao ring may damdamin at nasasaktan. Pilit ko nang kinakaya ang lahat-lahat para lang manatili dito sa kompanya n'yo pero bakit puro mali ang nakikita n'yo sa'kin?!"
Hanggang dumating na nga ang araw na hindi na niya nakaya at kaya nasagot niya ito sa mismong opisina nito.
"Ako, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang pagsilbihan kayo! Wala akong reklamo, wala akong sumbat, lahat tinatanggap ko kung ano ang pinapagawa n'yo hangga't sa makakaya ko! Pati pakikitungo n'yo sa'kin tinitiis ko kasi naisip ko na baka ganito talaga 'pag nasa mababang posisyon lang, at dahil tanggap at nauuwaan ko na kayo ang boss! Pero hindi naman tama na tatapak-tapakan n'yo nalang ang pagkatao ko! O kahit sino man sa kompanyang 'to! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang tapakan ng ibang tao!"
Umaagos ang mga luha ni Vanessa habang pilit na magpakatapang at mapaninindigan ang sa tingin niya ay tama.
"Ah, ganon!" Nakatayo si Diane sa harapan ni Vanessa. "Sumasagot ka na?! Kung ayaw mo nang magtrabaho sa'kin, umalis ka na! Kung ayaw mong maging amo ako, magtayo ka ng sarili mong kompanya at doon ka na! Akala mo kung sino kang mataas?! Pwes, hindi kita kailangan! Get lost!-aawww.."
"M-miss o-okay lang po kayo?"
Imbes abala pang umiyak si Vanessa bigla siyang natigilan dahil mas inuna pa niyang mag-abala sa amo niya na parang biglang may dinaramdam. Natakot rin siya na baka siya ang lalong nakapagpa-stress nito.
"Ah alam ko namang hindi kayo okay.. May masakit ba sa pakiramdam n'yo?"
"You're fired, Vanessa. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Lalong sumasakit ang ulo ko!"
Diane slowly massaged her head and closed her eyes in pain as she almost fell on the floor. Inalalayan agad siya ni Vanessa bago pa siya natumba.
"Naku Miss Diane ang init n'yo! Umupo po muna kayo.."
Tinulungan ni Vanessa ang nahihilo niyang boss na makaupo sa sofa.
"Miss nilalagnat kayo!
"Alam ko gaga!"
"Pumunta tayo hospital!"
"Ayoko! At ano bang paki-alam mo?! Umalis ka na nga!"
"Miss namumutla na kayo oh! Tatawagan ko nalang ang driver n'yo para makauwi nalang kayo."
"Edi gawin mo na agad! Ang bagal talaga."
Pagkatapos matawagan sa cellphone si Mang Berto, mabilis itong dumating at hinatid na pauwi si Diane. Ayaw na ayaw nitong magpadala sa hospital kaya sa bahay nalang ito nagpahinga. Tinawagan nalang din ni Vanessa ang doctor ng amo niya para icheck-up ito sa bahay.
"Ang labis na pagsakit ng kanyang ulo at pagkahimatay ay dulot ng sobrang stress. Mainam na huwag muna siyang pumasok sa opisina o gumawa ng mga bagay na nakakapagod. Delikado baka ma-over fatigue siya. Mas malala yun." Paalala ng doctor kay Vanessa habang natutulog lang muna ang boss niya sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...