Late 2018..
Halos apat na buwan nang hindi naka-uwi sa Bulacan sina Vanessa at Sander para madalaw ang ina at kapatid ng una. Diretso na silang nagpahatid sakay ng traysikel patungo sa bahay nina Vanessa. Sabado ng hapon iyon kaya nasa bahay lang si Lisa at Alyssa. Nadatnan nina Vanessa na puno na ng Christmas decors ang kanilang bahay.
"Tao po!! Naniningil po ng utang!" Sigaw ni Vanessa sa labas ng bahay.
"Ate! Kuya Sander!"
Ngunit bigo siyang linlangin ang kanyang kapatid dahil nakilala agad nito ang boses niya.
"Nay, andito sina ate!"
Agad nagbeso ang magkapatid. "Hindi mo 'ko maloloko sa boses mo ate! At tsaka wala kaming utang kahit kanino, 'no."
"Hahahaha sorry bad acting." Sabi ni Vanessa.
"Ang tagal n'yong hindi nakauwi ni Kuya Sander."
"O anak! Mabuti naman at nakauwi na kayo. Kumusta kayo? Sander?"
"Magandang hapon, nay." Nagmano rin si Sander pagkatapos ni Vanessa. "Trabaho lang po pareho ang inatupag ni Vanessa. Pasensya na po kung ngayon lang kami naka-uwi."
Kahit na hindi pa sila kinasal ni Vanessa ay nanay na rin ang tawag niya kay Lisa simula nang ma-engage sila ng anak nito.
"Ay sus okay lang yun, Sander. Nauunawaan ko naman yun. Mas mabuti na rin 'yang paminsan-minsan lang kayong makauwi dito para maipon n'yo ang pera n'yo."
"Wag kayong mag-alala nay, sa susunod na Sabado uuwi kami dito tapos dire-diretso na kami dito hanggang sa 25." Sabi ni Sander.
"Aba mabuti naman yun at wala na kayong pasok sa trabaho sa 24."
"Pasensya na rin nay kung hindi consistent ang pagpapadala namin dito sa inyo." Dagdag naman ni Vanessa.
"Naku, wag kayong mag-alala. Nakakatulong pa rin naman ang restaurant. At sabi ko diba, mas importanteng maitabi n'yo ang pera ninyo ni Sander lalo pa't may pinag-iipunan kayo."
"Ilagay ko lang muna sa kwarto ang mga gamit namin nay, ha." Sabi ni Sander at kinuha ang kanyang bag at pati na rin kay Vanessa.
Umupo muna sa sala ang tatlong babae.
"Kumusta ang pag-aaral mo, Alyssa?"
"Ayun ate, hindi natuloy ang tour namin nung first sem. Sa second sem nalang daw pagkatapos ng finals."
Kagaya ni Vanessa, BS Tourism din ang kinuhang kurso ni Alyssa. Gusto niyang sumunod sa yapak ng nakatatandang kapatid.
"Ikaw nay, kumusta kayo? Ang restaurant po?"
"Vanessa.." Seryosong sabi ni Lisa. "Kayo ni Sander, kumusta?"
"M-mabuti naman nay, ba't ganyan ho kayo magtanong?"
"Isang taon na kayong engaged. May naplano na ba kayo sa.. kasal?"
"Nay.. Gusto ko sanang pagpatapusin muna ng college itong si Alyssa. Graduating na rin naman siya sa susunod na school year. Kaya ko pang mag-antay para sa kapatid ko."
"Ang tanong, si Sander, kaya din kayang mag-antay?"
"Nay, maayos naman kaming nagkakasunduan sa bawat hakbang na pinaplano namin eh."
"Nak, ang ibig kong sabihin.. Baka mabuntis ka- Eh.. mas mabuti na yung kasal na kayo diba.."
"Nayyy, eto naman si nanay o, sobrang advance mag-isip."
"May makakain ba, nay? Medyo nagugutom ako sa byahe eh." Biglang sulpot ni Sander.
"Ay oo nga pala! Ang sinaing Aly! Naku muntik nang makalimutan.."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...