"Hmm ayan.. Hungover pa rin, ano? Masakit ang ulo? Dinadagdagan mo lang ang problema mo, Diane.""Ewan ko ba. Lunes na, dalawang araw na yung nakaraan pero parang may pumupukpok pa ring martilyo sa ulo ko." Sabi ni Diane habang minamasahe ang ulo niya. Balik na siya sa opisina.
"Uwi ka na lang. Cure your hungover." Suggest ni Regina. "At habang nasa bahay ka wag kang tumakas ha? Baka pupunta ka na naman ng club."
"No, hindi pwedeng umabsent pa ako. I'm okay. Hindi ko idadamay ang trabaho dahil lang sa personal issues ko."
Isa sa maraming hinahangaan ni Regina na katangian ng pinsan, ay ang pagiging matapang at palaban nito. Hindi lang literally speaking na palaban sa kaaway, pero talagang sinusubukan niyang magpakatatag sa kahit anong pinagdadaanan niya sa buhay. Mabilis siyang nakaka-recover, sakit man ito o heartbreak. Or should we say, madali siyang nakakapagpanggap na okay na siya sa harap ng ibang tao.
"Ginusto kong maglasing. Kagustuhan ko ang nangyari so now I'm paying for the consequence." Dagdag pa ni Diane.
"Hmm.. Pati ba sa pakikipag-make out mo sa random stranger, ginusto mo yun?"
Diane glares at her.
"Shut up, Regina. Walang ganung nangyari. Let's just forget about last Saturday night."
For the whole week so far, kalmado si Diane sa trabaho. As if everything was back to normal. Marami na ring kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanyang "crumbling marriage". Wala siyang mga sinasagot sa mga press. Lahat ng mga media na gustong makisawsaw sa personal na buhay ng CEO ng Martinez ay binabalewala niya dahil mas may importante siyang inaatupag. Ang mga interview ay tinatanggihan rin niya. Hindi naman ito makakaapekto sa business ngunit ayaw lang niyang ma-issue.
Lahat ng empleyado doble ingat sa opisina. Dahil baka isang pintig lang ng maling kilos ay paliliparin na sila ng kanilang boss papuntang impyerno. Pati si Vanessa mga dalawang linggo muna nagpaka-lie-low. Gustong-gusto na niya sanang kumustahin ang kalagayan ng amo niya dahil may pinagsamahan din naman sila. Ngunit baka mag-aakala si Regina na masyado siyang paki-alamera, na kung tutuosin isa lamang siyang hamak na secretary. Hanggang isang araw hindi na siya nakatiis..
"Miss D, matagal ko na po sanang gustong itanong.. Kumusta po kayo? Alam kong hindi madali ang lahat ng pinagdadaanan n'yo ngayon. At alam kong wala akong maitutulong sa inyo sa ngayon. Hindi naman sa ganun na nanghihimasok ako pero, gusto ko lang malaman n'yo na nandito lang ako pag may kailangan kayo."
"Salamat, Vanessa. Na-aappreciate ko ang concern mo. Tinuturing na kita bilang kaibigan."
"So, ano na po ang kalagayan n'yo ngayon? Maaayos pa po ba ang marriage n'yo?"
Huminga ng malalim si lady boss. "I'm sure anytime soon darating na ang divorce papers. Nag-file na ang husband ko. Hindi man lang siya nagdalawang isip. Sure na sure na siya sa desisyon niya."
"Ano po ba kasing nangyari? K-kung okay lang po sana sa inyo.."
"Well.." Panimula ni Diane. "I thought we're okay. Our relationship was never perfect, wala naman talagang relasyong perpekto. Pero we were doing good. Or that's what I thought, at least. Siguro ganun talaga. Minsan kahit ano pang gawin mo, may mga bagay talaga na hindi mapapasayo. Things don't just work the way you wanted all the time. Truth truly hurts they say, but acceptance will make it easier."
"Malalim po lahat ng pinagdadaanan n'yo ngayon. Ang tanging nasasabi ko lang, wag lang kayong susuko. Marami pa namang bagay na meron kayo eh. At tsaka marami pa ring nagmamahal sa inyo."
"Maybe that's true. No one expected this to happen. After everything? We were married for almost 20 years but still, we failed to keep the marriage. Kaya ang masasabi ko sayo Vanessa, don't just trust anyone but also don't trust anything. Wala nga talagang bagay na sigurado sa mundong ito. Everything is uncertain. You don't know what to expect."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...