"O, anak nakuha ko na ang pinadala mong pera." Ani Lisa mula sa cellphone. "Salamat sa inyo ni Sander ha, sinabi ko naman sa inyo na okay lang kung hindi pa kayo magpapadala. May kita pa rin naman sa munting restaurant natin."
"Ayos lang nay kasi hindi rin naman kami makakauwi diyan eh, sa September nalang. Sa buwang manganganak na 'ko para dire-diretso na ang pag-stay ko diyan hanggang sa makabalik na ako sa trabaho." Sagot naman ni Vanessa sa kabilang linya.
"Oo nga pala, ang bilis lang ng panahon. Pitong buwan na nga pala ang baby mo, hindi ka pa ba nahihirapan lalo na't assistant pa ng CEO ang trabaho mo?" Malaking pag-alala ni Lisa at may dinugtong pa siya, "Hindi ka ba pinahihirapan ni.. Ma'am Diane mo?"
Medyo kinabahan si Lisa nang binanggit niya ang pangalan ng kanyang kaaway. So far, wala pa namang nalalaman ang kanyang anak tungkol sa kanyang nakaraan, sa naging ugnayan niya sa Martinez. Ni hindi nga niya sinabi na nagtrabaho siya doon noon.
"Hindi nay. Concern na concern nga po siya sa pagbubuntis ko eh. Minsan nga halos wala na siyang pinagagawa sa'kin kasi ayaw niyang ma-stress ako."
"M-mabuti kung ganun.. Ah, sige anak nasa restaurant na ako eh. May aasikasuhin lang ako. Mag-ingat kayo palagi diyan ha."
"Ah.. Sige nay kayo rin."
Madaling binaba ni Lisa ang cellphone at nagtataka si Vanessa kung bakit. Kung sa bagay, busy ang nanay niya sa kanilang negosyo.
Hindi na nabanggit ni Vanessa sa nanay niya na wala ng trabaho si Sander. Ang pinoproblema nila ngayon, marami pa silang gastusin. Lumipat kasi sila ni Sander sa mas malaking bahay na medyo malapit lang din sa dating inuupahan, masyado kasing masikip doon lalo pa ngayong magkaka-baby na sila. May gastusin pa para sa pagpapa-aral ni Alyssa, 4th year na siya ngayong taon. Tapos kapag manganganak na si Vanessa, ibang gastusin na naman. Kaya ang planong magpakasal nina Sander at Vanessa sa December ay ipo-postpone lang muna nila. Napagdesisyunan nila na sa susunod nalang na taon pagkatapos gra-graduate si Alyssa.
Pagkatapos matanggal sa trabaho si Sander, nahirapan na siyang makanahanap ng trabaho dahil sa ginawang record ni Angelo na "physical assault" at "threatening the authority". Gustuhin man niyang kalabanin ang dating manager pero wala din naman siyang ibang magawa dahil mabilis binaliktad nito ang kwento. Kaya si Vanessa ang kumakayod kahit palaki na nang palaki ang kanyang tiyan. Kahit hanggang nagwalong buwan na ng kanyang pagbubuntis ay nagtatrabaho pa rin siya bilang assistant ni Diane. Ilang beses na siyang sinabihan at pinayuhan ng kanyang mga kaibigan. Pati mismong amo niya nag-aalala na sa kanya.
"Vanessa, are you sure you can still work for me?" Diane once asked with concern. "Malapit ka ng manganak diba?"
"A-ayos lang, Miss."
"Sigurado ka ba? Kasi pag nag-maternal leave ka na, with pay ka pa rin naman. Wala kang dapat ipag-alala kung yan ang iniisip mo."
"Sa second week ng September magsisimula na rin naman akong mag-leave, Miss eh . Kaya ko pa 'to."
"Vanessa, sit here. Mag-usap tayo."
Umupo si Vanessa sa bakanteng upuan sa harap ng mesa ni Diane.
"Is there a problem? Come on, you can always tell me."
"Miss nakakahiya naman sa inyo.."
"Ano ka ba, ba't ka pa mahihiya? Baka makakatulong ako. Hindi ka rin naman naiiba sa'kin." Diane says while reaching out for Vanessa's hand. "Diba parang anak na nga ang turing ko sayo?"
"Salamat, Miss. Parang kapatid nga rin ang turing sa inyo eh." Vanessa smiles and felt relieved. "Wag naman ina kasi bata pa naman kayo sa aking paningin." Nakuha pa niyang magbiro.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...