31 - Divorce settlement

164 15 12
                                    

"Congrats sa'tin pareho 'tol, may bago na tayong trabaho. At sabay pa talaga tayong nakapasok sa Martinez." Gab offers bro-fist to Sander. "Alam ko namang pang-front office tong mukha ko pero mas gusto ko sa back of the house."

Nasa isang fast-food sila kumakain ng lunch malapit lang sa Martinez. Natanggap si Gab sa Martinez Corp. at ang cubicle niya ay nasa 7th floor rin, doon malapit sa group nina Angel.

"Congrats sayo. Humalili lang naman ako kay Vanessa pansamantala eh. Pagkatapos ng ilang months babalik na rin siya sa trabaho."

"Eh kailan ba siya makakabalik sa trabaho?"

"Pagkatapos ng anim na buwan. Gusto niya kasing i-breastfeed yung anak namin sa first 6 months niya."

"Oh, edi next year pa. Maiba naman tayo 'tol, kumusta yung interview mo kahapon with the CEO ? Nakita ko siya kahapon sa malayuan. Hindi ko akalain na siya ang CEO dahil sa suot niya. Mas nakita mo sa malapitan ang cleavage niya ano?"

"Ano ka ba 'tol wala yan sa isip ko. Kinabahan nga ako masyado eh. May sasabihin ako sayo.."

Hininaan ni Sander ang kanyang boses at sinabi kay Gab ang nangyaring pagtuklas niya na ang present CEO pala ng Martinez ang kanyang ka-make-out sa club noong bachelor party niya. Muntik ng mabulunan si Gab dahil patuloy itong kumakain nang nagkwento pa si Sander.

"Ibig-sabihin..??" Reaction ni Gab. "Pero diba sabi mo na ang nakalampungan mong magandang babae sa club, ang pangalan niya ay "Regina". Eh diba "Diane" ang boss natin? Baka nagkamali ka lang 'tol."

"Ginamit lang niya ang pangalan ng pinsan niya. Meron nga din talagang Regina, mataas rin ang posisyon niya sa kompanya." Paliwanag ni Sander. "Pero si Diane, siya talaga yung humalik sa akin sa dancefloor."

"Eh anong sabi niya? Naalala niya ba yun eh lasing siya n'on."

"Sabi niya kalimutan nalang yun."

"Sayang talaga hindi ko siya nakita nung araw na yun sa club. Kasi didiskartehan ko talaga siya kung ako lang nakita niya."

"Eh paano mo siya makita, busy ka noon sa kung sino-sinong chicks na pini-pick-up mo sa club." Patawang sabi ni Sander.

"Kung sa bagay. Eh 'tol, alam ba yan ni Vanessa?"

"Syempre 'tol hindi ko sinabi. Mabuti na nga lang nakalusot agad ako kanina. Wag mo nalang sabihin sa kanya ha? Hindi na yun importante para malaman pa niya."

"Oo walang problema 'tol." Ani Gab habang sumusubo ng pagkain. "Pero ikaw ha, inggit na ako sayo. Katol ka pa rin!"

Nakarating rin kay Lisa na nawalan ng trabaho si Sander dahil hinarass siya ng kanyang amo sa mismong opisina. Napag-alaman niya na rin na si Sander ang pansamantalang humalip sa anak niya bilang assistant ni Diane. Mas napanatag nga ang loob niya dito dahil maaibsan ang pangangamba niya na baka malalaman ni Vanessa ang nakaraan niya. She's also glad that Diane doesn't also know that Vanessa is her daughter. Dahil pag nalaman niya, baka tanggalin niya ito sa trabaho.

Nanatili lang si Vanessa sa bahay na bago nilang inuupahan ni Sander. Nag-alala si Sander na baka anytime manganganak na siya sa bahay. Tiniyak naman ng OB ni Vanessa na mga nasa 23, 24, 25 ng September siya manganganak kaya walang dapat ipangamba.

Ilang araw pa lang sa pagtatrabaho bilang assistant si Sander ngunit palagay niya'y napakatagal ng oras tuwing kasama niya ang kanyang boss. Meron siyang sariling desk sa loob mismo ng opisina ni Diane para mas mapadali kung may iuutos o ipapagawa ito sa kanya. Isang araw habang may ini-encode siya sa laptop, lumapit sa desk niya si Diane para may ipahabol.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon