"Wala bang nagaganap na flirtationship sa inyo ni Ma'am Diane habang nagsasama kayo? Alam mo na, lagi pa kayong kasama sa opisina. Kayo lang dalawa.."
"Tol baka may makarinig sayo."
Nasa canteen sila ng 8th floor isang umaga hindi para magtambay ngunit para magkape lang. Ngunit dahil nadatnan ni Gab si Sander, nag-usap muna sila sandali.
"Wala 'tol." Sagot ni Sander sa kanina pang tanong ni Gab. "Minsan palabiro lang talaga si Ma'am Diane. Eh ako naman, syempre lalake lang din, kung ano-ano nang pag-aassume ang naiisip minsan."
"So nagpakita siya ng mga kilos na dapat kang mag-assume? Sabayan mo nalang 'tol. Total balita ko, maghihiwalay na sila ng asawa niyang nasa New York."
"Tol naman." Sabi ni Sander at muntik na siyang mapaso sa kapeng ininum niya. "Medyo naawa nga ako sa kanya eh. Last week narinig ko pinag-uusapan nila ni Ma'am Regina, dumating na yung divorce request papers. Humihingi ng 10million dollars ang asawa niya at tsaka iba pa."
"Sus! Katiting lang yan sa lahat ng yaman nilang mga Martinez. Pero akalain mo 'tol no.." Gab sips on his coffee before continuing, "Si ma'am Diane nasa kanya na ang lahat. Maganda, mayaman, successful, famous ang pinagmulang pamilya, at tsaka idagdag ko na rin, sexy. Tapos iiwan ng asawa? Aba napaka-bobong lalake ng asawa niya."
"Kaya nga dapat na niyang hiwalayan yun." Sander declares.
"Oy, Sander! Kumusta na si Vanessa, diba due date na niya ngayon?" Biglang sulpot ni Angel kasama ang mga kaibigan.
"Oo, Angel. Nasa ospital na siya ngayon. Dumating kahapon ang nanay niya dito sa Maynila kaya si nanay ang nagbabantay sa kanya doon ngayon."
"Akalain mo 'tol, ngayon o bukas, makikita mo na ang unang offspring mo. Sayang nga lang hindi naging lalake. Bibinyagan na sana natin para maging katol rin." Biro ni Gab.
"Katol as in Baygon Katol, pangontra-lamok?" Tanong ni Justine.
"Katol, bisaya yan ng makati." Sagot ni Gab. "Halimbawa makating bakla. Aba dapat magpakamot na yan."
"Ayy gusto ko yan!" Sabi ni Justine. "Sige nga kamutin mo 'ko.."
"Mauna na ako sa inyo ha. May gagawin pa ako." Paalam ni Sander.
"Sige Sander dadalaw nalang kami kay Vanessa pagkatapos ng trabaho." - Angel
"Ikaw, anong pangalan mo?" Asks Gab with a wink. Nagpapagwapo sa mga kaibigan ni Vanessa.
"Angel!"
"Justine!"Parehong nag-abot sa kanilang mga kamay ang dalawa.
"Hindi kayo. Yung isang kaibigan n'yo na kanina pa tahimik."
"Ay itong si Lynn? Sorry she's not into guys. Lesbian siya."
"Hoy anong lesbian?!" Pag-alma ni Lynn. "Ah, wag kang maniwala diyan kay Angel. Bihira lang na katotohanan ang lumalabas sa bibig niyan."
*
*
*
*
*
"It's just 5 days, Diane. It's okay. Everything will be fine here. Na-grant ang request ninyo for the petition. Ano, mas uunahin mo pa rin ba ang kompanya kesa hearing ninyo sa korte? Eh parang pumapayag ka na nyan na totoong irresponsible, laid-back, mentally and emotionally unsta-"
"Okay okay okay! Pupunta naman talaga ako doon eh! Kaso namo-mroblema lang ako kasi diba may meeting this week with the investors? Tapos sa November na ang SEAPHC na iheheld sa Cebu!"
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictieSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...