35 - "He's too young for me."

173 16 1
                                    


"Ughhhh.." Diane groans as she lays back on her chair, tired. "Hindi ako napapa-Thank God it's Friday sa Biyernes na'to."

Silang dalawa lang naman ng pinsan niya ang nasa opisina ng CEO dahil may inutos pa si Diane kay Sander.

"Hm, dahil ba hindi ka na ulit binigyan ni Alexander ng bulaklak?" Casual na pagkatanong ni Regina. "Don't worry may Sabado pa naman, magkikita pa kayo."

Inikot ni Diane ang kanyang swivel chair to face her cousin who was sitting on the couch in her office "sala." Regina has been teasing her about that flower incident all these days.

"Diba sinabi ko na sayo hindi sa kanya nanggaling yung bouquet, it's from Claude!"

"Whatever. Basta ako malakas talaga ang kutob ko na baka yang harmless flirtationship n'yo ng assistant mo magtu-turn into something more."

"What?! Ikaw talaga, kahit ano-anong pinagsasabi mo! Puro kalokohan talaga ang napupulot mo sa mga pinapanood mo sa tv. Walang "flirtationship" na namamagitan sa amin ni Alex!" Diane says rolling her eyes at her cousin.

"Hmm, hooking up with my young secretary."

"Alam mo Regina, you've been watching too much porn. He's just my secretary for fuck's sake."

"Right. Nagmana ka sa dad mo pero wag kang tumulad sa kanya."

Diane gives her a sharp look so she immediately tries to change the subject. "Tonight na nga pala ang flight mo to New York, sana nag-relax ka na lang sa bahay. Ang dami mong i-ju-juggle these days!"

Diane rolls her eyes again at her. Then she sighs and just decides to go on with the new topic. "Sa 14 na ang second hearing namin sa court. Then balik ako dito sa Pilipinas sa 16, magme-meeting tayo pagbalik ko dito sa Martinez. Then sa 23 lilipad na naman ako pa-Cebu para sa  SEAPHC 2020 for 5 days: 4 days conference then social event sa 5th day. Ugh! I can't wait for October to end."

"Ano ba ang nasa Southeast Asian Premium Hotels Conference at may pa-social event talaga every last day ng conference?"

"As usual.. Hotel owners and mga CEO ng accommodation business ang attendees. Dini-discuss yung tungkol sa Tourism industry, specifically sa ating sector which is of course, the accommodation sector. Basta marami. Pero para sa'kin boring eh. Alam mo namang hate ko talaga yung mga meeting-meeting, seminars..

"At yung social event? Eh ano pa, edi nagpapalakihan lang din naman ng ego ang mga socialite doon. Kanya-kanyang pagmamalaki sa kani-kanilang accommodation business. Ang purpose ay para makapag-relax after the 4-day boring conference." Napapikit na lang si Diane sa kanyang mga mata dahil sa stress na iniisip. "I'm so glad na every 5 years lang ang SEAPHC. At buti na nga lang Philippines ang host ngayon. Wait, bakit ka ba nagtatanong eh ikaw naman ang kasama ko sa nakaraang SEAPHC ha?"

"Tinatanong lang kita kasi baka may bago. Ang boring nung SEAPHC 2014 sa Malaysia eh. Kaya hindi ako sasama this year. Scheduled na rin kasi namin ni René na mag-ge-get away kami sa weekend na yan, 26-27. Sino isasama mo as date sa social event? Don't tell me ikaw lang mag-isa."

"Ugh, dreadful. Hindi naman talaga necessary na may date eh. Yung iba sinasama yung mga asawa nila. Eh ako? Kahit noon pang maayos pa kami ni Oliver, hindi ko pa rin naman naman siya nakasama bilang date sa mga events."

"How about you ask Claude?" Regina suggests. "I'm sure willing yun."

The doorbell rings, indicating that her assistant is back.

"Miss D, napapirmahan ko na lahat."

"Good. Sige gawin mo nalang yung mga pinapagawa ko pa sayo, wala muna akong ibang i-uutos sa ngayon." Umupo na ng maayos si Diane at binuksan ang laptop sa kanyang harapan. "I should get back to work, Regina. Mamaya nalang tayo mag-usap paghatid mo sa'kin sa airport."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon