36 - "Ako.. date n-nyo?"

168 15 12
                                    

One week later.. Wednesday morning..

"Are you sure papasok ka talaga today? Eh kagabi ka nga lang dumating from US."

Palabas na sina Regina at Diane mula sa mansion ng huli. Doon na natulog si Regina sa kanyang pinsan matapos sunduin ito sa airport. May mga guards at driver naman si Diane ngunit nakasanayan naman ni Regina ang kanilang arrangement. Bestfriends, after all.

"Oo, oo, kaya ko 'to. Pagdating ko sa office magiging okay na ako." Diane replies while slowly massaging one side of her head. Her other hand is clutching her bag as they walk to her car. "Mas magiging okay ako kapag papasok ako ngayon sa trabaho kaysa naman tumunganga lang sa bahay."

"So, kailan daw yung next hearing?"

"Wala pang sched. Mag-uupdate lang yung lawyer ko sa'kin kapag may sabi na sa court."

Binuksan na ng kanyang driver na si mang Berto ang pintuan ng sasakyan para makasakay na ang mga amo. Pagkatapos ay agad na silang umalis patungong Martinez.

Pagdating sa building, bawat empleyadong nakakakita sa kanila, lalo na sa CEO, ay talagang bumabati bilang pagpapakita ng paggalang sa boss ng lahat. Ilang araw rin nga naman siyang nawala sa opisina at iba talaga ang kilos ng mga trabahante pag andyan o wala ang boss. Hanggang sa pagsakay nila sa elevator, tinitigan siya ng mga employees mula man sa malayo o malapitan ngunit yumuyuko naman pag tinitingnan niya ang mga ito. Alam ni Diane pinagchichismisan sa kompanya ang divorce niya sa kanyang asawa. But she could only care less dahil marami pa siyang mas importanteng aatupagin.

"Good morning mga Miss!" Masiglang bati ni Gab nang nagkita sila paglabas ng dalawa sa elevator pagdating nila sa 7th floor. "Nagbalik ka na pala, Miss D!"

"Yes, andyan na ba ang kaibigan mo?"

"Si Sander-este.. Alex? Naku, parang hindi yata alam na papasok kayo ngayon. Wala ba kayong communication?" Casual lang na tanong ni Gab.

Tinignan ni Diane si Regina.

"Ayy oo nga pala, hindi ko siya na-itext." Agad na sabi ni Regina. "Akala ko kasi magpapahinga ka pa ngayon sa bahay."

"Sige tawagan mo na siya, may ipapagawa ako."

Ba't hindi na lang ikaw tumawag?

"May nirereklamo ka, Regina?"

Mahina lang naman sana ang pagkasabi nun ni Regina pero narinig pala ng pinsan niya. "Ha wala naman, eto na nga tatawagan ko na."

"Naku hindi rin agad yun makapunta dito, mga Miss." Singit pa ni Gab. "Umuwi yun sa Bulacan para dalawin ang mag-ina niya. Eh baka hindi pa yun nakauwi dito sa Manila. Kasi nga akala niya wala pa kayo ngayon."

Ang bilin kasi ni Diane na kapag wala siya sa opisina ay wala ring trabaho si Sander. Ano ba naman ang gagawin niya doon diba? Wala namang mag-uutos sa kanya. Maliban nalang kung may iniwang mga gawain ang amo niya. Ngunit sa pag-alis ni Diane last week, wala siyang iniwang work kay Sander. And for some unidentified reasons, she failed to tell him that she's back in the office today.

"Walang sumasagot eh." Sabi ni Regina habang nasa tenga niya ang phone niya.

"Ay! Malamang tulog pa yun hanggang ngayon." Sabi naman ni Gab. "Sige mga Miss Boss, doon na ako sa cubicle ko."

"I like his personality. Sobrang casual lang kausap. He seems so cool." Ani Regina nang papunta na sila sa kanilang opisina. "Malapit na malapit na ang SEAPHC, may date ka na ba? Okay sana si Kuya Romie pero may ibang pupuntahan siyang conference diba. Nagkataon talaga, bad timing."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon