38 - "Hindi ako makatulog.."

199 15 2
                                    

Monday afternoon, Diane and Sander finally flies to Cebu for SEAPHC 2020. It's Sander's first time on his boss' private jet. They were not talking that much during the flight. Besides, it's only an hour.

They arrived at the venue, at Nicolas Haven, by 5pm. Diane and Sander were immediately greeted and ushered to their respective rooms, where she will be staying for the entire event. Mismong may-ari ng establishment ang sumalubong kay Diane. Iba talaga pag VIP. They were also given some complimentary drinks and leis. NH gained its 5-star rating in 2010. Though it's also considered as Martinez's competitor, both companies have close ties because of the late Romualdo VI.

Syempre, dahil nga may close ties ang NH sa Martinez, agad-agad in-upgrade ang premiere room na pag-ste-stayhan sana ni Diane into a VIP suite na bukod sa jacuzzi ay may sarili pang pool. Pati si Sander ay pinalipat din dahil gusto ni Diane na tabi lang ang rooms nila for convenience. Kaya same type of suite rin ang kanyang pananatilihan. Deep inside tuwang-tuwa si Sander. Pero medyo tanga siya doon sa part na akala niya sa iisang room sila magsasama ng kanyang boss.

"Okay ka lang, Miss D?" Tanong ni Sander nang papunta na sila sa kanilang rooms. "Medyo natahimik ka na kasi."

Hindi umimik ang kanyang amo at patuloy lang sa paglalakad. Sumunod nalang si Sander habang dala ang kanyang maleta at isang envelope. May staff naman na nagdala ng bag ni Diane.

"Thanks, you can leave us." Diane says to the concierge when they arrived to their rooms. She sighs after the staff leaves.

Sander speaks again. "Maraming salamat nga po pala sa pag-upgrade ng room ko. Hindi naman yun kailangan eh, nakakahiya naman. Pwede mo naman akong tawagin kung may kailangan kang i-utos, darating ako kahit gaano kalayo pa yung room ko." He says and was trying too hard just to break the tension. "Parang bigla ka pong na-drain."

"You don't always have to have something to say, Alex. Clearly, I'm not in the mood to talk."

"S-sorry.. po."

Pumasok na si Diane dala ang kanyang mga gamit at naiwan na si Sander sa labas. Pumunta nalang rin si Sander sa suite niya. Minsan talaga ang amo niya napaka-sassy. Minsan mapanukso. Minsan sobrang seryoso. Sobrang unpredictable kasi hindi mo alam biglang nagbabago ang mood.

First time ni Sander sa magarang hotel na yun at sa isang VIP suite pa. Humiga agad siya sa kama. Napakalaki at napakalambot. Sobrang komportable. Pakiramdam niya ang sarap na ngang matulog. Pero bago yan gusto niyang i-explore ang buong kwarto. Seize the moment ika nga. Susubukan niya muna ang iba't ibang amenities. Gusto niyang unahin ang jacuzzi para makapag-relax.

Bumangon siya para hubarin ang sapatos. Ngunit bigla niyang nakita ang envelope na dala niya kanina na nasa tabi niya sa kama. Sa amo niya yun na pinahawakan lang sa kanya kaya kailangan niya itong maibigay pabalik. Sinuot niya nalang ulit ang kanyang sapatos at nagtungo sa room ng boss niya. Nagulat siya nang pagdating niya doon ay hindi pala naisara ang pinto ng room ni Diane. Almost lang. Diretso na siyang pumasok para na rin mapaalalahan niya tungkol dito.

"Miss D.." Sabi niya nang nasa loob na siya. "Miss-Naku! S-sorry sorry!"

Akmang pumikit ng mata si Sander at nataranta sa gagawin. Nadatnan niya kasing nakahubad ng damit ang kanyang boss. Tumalikod agad siya at hinanda ang sarili sa paparating na bulyaw ng kanyang amo. Bad mood pa naman ito kanina.

"Haven't I told you about knocking?" Kalmang tanong ni Diane. Surprisingly, kalma ang tono ng boses niya.

"Yun nga po.. Nakalimutan mo yatang isara ang pinto kanina.. Yun nga sana ang una kong sasabihin sayo.. Diretso nalang akong pumasok para maibigay sayo ang portfolio.."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon