The Beginning will always be the end.

3 0 0
                                    


"Inlove ako, pero hindi sayo." Yun na naman ang narinig ko pagkatapos nyang isampal sa mukha ko ang cake na pinagpuyatan kong i-bake kagabi para sa kanya.

"Bakit? Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin?" And then I left. Leaving him behind the tree that will shed him from the rain.

Umiiyak ako. Oo. Umiiyak na naman ako. Dun lang naman ako magaling. Umiiyak ako habang tumatakbo sa ilalim ng ulan. Pero hindi naman halata di ba? Kasi umuulan naman. And who would have care? Sino ba naman ako para alalahanin at bigyan ng halaga? Isa lang naman akong hamak na Zeniah Garcia, anak ng katulong ng mayamang si Nathaniel Rivera, ang lalaking  minahal, minamahal at mamahalin ko habang buhay.

"Oh? Ano ba yan? Bakit basang basa ka? Wala ka bang dalang payong? Umiiyak ka ba? Teka. Bakit? Sya na naman ba?"

"Nay, wala to. Umuulan lang kaya ganito yung mata ko."

"Anak, alam kong mahirap ang kalagayan mo ngayon, ako rin bilang ina mo ay nahihirapan para sayo. Hindi ito ang ginusto ko. Hindi ko gustong ganito ang maging buhay mo."

"Opo nay. Alam ko po. Huwag na po kayong mag-alala. Alam ko po ang ginagawa ko. Hayaan nyo na lang po akong namnamin ko ang bawat araw sa bagay na tingin ko ay makakapagpasaya sa akin."

"Anak, mahal na mahal kita."

"Ako rin po 'nay. Mahal na mahal po kita "

_

"Ano na naman ba? Nakakagulat ka! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Ah. Dinalhan lang kita ng makakain at gamot mo, hindi ka raw kasi kumakain at may sakit ka pa. Nag-aalala na sila sayo."

"Ah. Ganun ba?" Nadidismayang sagot ni Nathan.
Pero binawi nya yun dahil baka kung anong isipin ng babaeng nasa harapan nya.

"Eh bakit ka nga nandito? Bakit ba hindi nyo ako pabayaan, eh malaki na ko. Kaya ko na ang sarili ko."

"Nathan, hindi pwede. Hindi pwedeng palagi kang ganito. Hindi ka dapat masanay mag-isa? Kasi sino na lang mag-aalaga sayo?"

"Kaya ko ang sarili ko. Huwag nyo akong intindihin. Lumabas ka na."

"Pero nathan, inum---"

"Sinabi ng lumabas ka na! Ayaw kitang nakikita!"

"Sige. Basta magpagaling ka ha. Mahal kita."

Napatingin si nathan sa kanya.

"Mahal kita na inaakala ko na lang na ang sakit na ibinibigay mo para sa akin ay katumbas ng pagmamahal mo pala."

"Ilang araw na lang, ilang araw na lang ayah."

_

"Nathan, hijo. Kumain ka na."

"Sige po. Sandali lang po."

"Hijo, bakit ka ba kasi nagpaulan nung isang araw? Hindi ba't may dala ka namang payong? Sira na ba ang ulo mong bata ka?"

"Hindi po mamang."

"Good morning 'nay. Oh? Ano pong ulam natin ngayon?"

"Good morning anak. Ah. Pinaghanda ko kayo ng mga paborito nyo. Adobong manok ala Lily.

"Salamat 'Nay."
"Salamat mamang."

Sabay pa nilang sinabi at nagkatinginan sila. Ngunit sandali lang ay nag-iwasan din.

_

"Nathan, aalis ka na ba?"
Pero di sya pinapansin ng lalaki.

"Nathan, wala kasing masasakyan sa ganitong oras e. Baka naman pwedeng makisabay?"

The Art of 30 secondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon