PROLOGUE

14 3 0
                                    

Year 2015

"Dito mismo sa burol na 'to, saksi ang mga tala at ang buwan, sa akin ka na mula ngayon. Ikaw lang ang mamahalin ko mabangbuhay." At agad niya akong hinagkan ng malumanay. "Mahal na mahal din kita," ang akin ding tugon. Dinama namin ang init ng aming pagmamahalan ng gabing iyon. Tunay ngang napakasarap magmahal, pagmamahal na hahantong sa pag-iisang dibdib. Oo, kahit parehas kaming lalaki, payag ang aming probinsiya na ipakasal ang parehas ng kasarian.


"Excited ka na ba next month, love?" tanong niya habang aming pinagsasaluhan dito sa lilim ng puno ng mangga ang aming merienda. "Oo naman, mahal. Pero syempre medyo kinakabahan din at the same time." Agad niya naman akong niyakap at pinaghahalikan sa pisngi. Nanggigigil nanaman ang loko. Haha! "Huwag kang kabahan sa kasal, kabahan ka after ng kasal natin, alam mo na. Hehe!" Nakakaloko niyang bulong sa akin. "Bastos!" sabay kurot ko sa tagiliran niya. Sana ganito nalang kami hanggang pagtanda namin.


"Tita Yoli, ilang araw ko na siyang 'di nakikita, nasan pala siya? Tumatawag at nagte-text ako pero 'di naman siya nagre-reply." Nakita kong medyo nagulat si tita pero agad niya itong binawi, "Akala ko hijo sinabi niya sa'yo na luluwas siya. Siguro may inaasikaso lang sa bayan, o kaya naman nagpapa-miss sa iyo, 'di ba nalalapit na ang kasal n'yo." ang mahaba niyang sabi. Nakampante naman akong walang masamang nangyari sa kanya. "Ah, ganoon po ba, sige po st mauuna na ko, babalik nalang po ako dito mamayang hapon para sa mga matitirang paninda." ang paalam ko naman sa matanda.


"This is our day, yet I'm so nervous. Bakit kaya? Diyos ko, kayo na po ang bahala sa amin." ang mahina kong usal sa hangin...
"O 'nak tara na, ready ka na ba? Baka may nakalimutan ka?" tanong sa'kin ni nanay noong pumasok siya sa kwartong kinaroroonan ko. "Opo nay, handa na ko. Salamat po." agad kong niyakap si nanay. "Napakabilis talaga ng panahon, parang kailan lang takot na takot kami ng papa mo na madapuan ka ng lamok. At ito ngayon, ikakasal ka na." Maluha-luhang haplos ng aking ina sa pisngi ko. "Wag na kayong malungkot nay, kahit na mag-aasawa na ko, kayo pa din ni papa yung first love ko." Medyo naiiyak ko na ding tugon. "O siya ikaw ang huwag umiyak anak, tignan mo, baka mamaga ang mata mo at mabawasan ang kagwapuhan mo." napawi ang mga agam-agam ko ngayong umaga dahil kay nanay. "Hindi nay, kahit umiyak pa ko, gwapo pa din dahil mana yata ako sa inyo. Hehe!" with matching kindat pa.
"Ikaw talaga anak, hindi ka lang talaga kaiyak, bolero ka pa." atsaka kami nagkatawanan ni nanay.


Nagsimula nang magkagulo ang mga bisita dahil ilang oras na din nang magsimula akong pumasok sa Simbahan ngunit wala pa rin siya, ang akin sanang makakadaupang-palad habangbuhay, kaya't samut-saring komento na ang naririnig ko, at ang karamihan doon ay pagkaawa nila sa akin. "Nasan ka na ba, love" ang bulong ko sa hangin habang patuloy na umaagos na ang luha ko sa isang tabi at kasabay noon ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Lumapit naman sa akin si Father John na may bahid ng simpatya sa kanyang mga mata, "Anak, darating pa ba siya?" natulala ako sandali ngunit agad na tumugon, "Opo Father, nangako siya sa akin, darating po siya at..." Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko nang lumapit na sa altar ang aking ina at kinuha roon ang mikropono, at sinabi ang mga katagang lalong dumurog sa durog ko nang puso, "Wala na hong kasalan na magaganap. Paumanhin ho, pero maaari na ho kayong umuwi."



"No, he won't do that. Mahal niya ako, dadating siya, b-baka na traffic lang o kaya naman may may surprise pa siya.." Halos mapiyok-piyok kong tugon sa kanila pero bigla din akong natawa nang mapakla. "Is this a kind of prank? Okay tama na, nasan yung mga cameras?! Ilabas nyo na." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sarili ko o maiiyak pero isa lang ang pararamdaman ko, durog na durog yung puso ko ngayon. Ang daya naman oh, kanina ang saya-saya ko pa at excited kahit nedyo kinakabahan, ngayon di ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Maya-maya mapait akong nguniti sa kawalan, "Ibinigay ko naman ang lahat pero bakit parang ako lang ang lumaban, bakit mahal ko?"





Abangan...

Your Beloved GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon