Chapter 3

71 6 8
                                    

Isang mahinang tapik sa mikropono ang narinig sa simbahan.

"Ipanababatid po na sa kaunting minuto ay magsisimula na ang misa. Mangyari po sanang patayin o ilagay sa silent mode ang inyong mga telepono."

"Inaanyayahan po ang mga taga pakinig sa darating na kasal nina Seth Forbes at Kyline Santos sa darating sa ika labing lima, buwan ng Pebrero. Kung mayroon pong tutol ay mangyari pong dumulog sa amig tanggapan. Maraming salamat po," dagdag ng matandang madre.

Hindi na ako nagulat sa anunsyong ito. Lagi't lagi ay mayroong anunsyo bago magsimula ang misa. Pwedeng libing, pabasbas ng bagong negosyo, binyag, o di kaya'y kasal.

Tulad nang pagka pamilyar ko sa mga anunsyong ito, pamilyar din ako sa pangalang binanggit kanina lamang; Seth Forbes, noong nakaraang linggo lamang ay sinundo pa niya ako sa aking clinic. Sabay pa kaming kumain ng hapunan sa maliit na kaninang lagi naming pinupuntahan. Kahit hindi ganoon kasarap ang pagkain, iyon ang lagi naming naging takbuhan kung magsasabay man kaming kumain.

Tinanong ko siya noon, kung bakit palaging doon kami nakain, samantalang parang laging free taste lang ang serving ng pagkain. Hindi rin sikat ang kainang iyon kaya't kakaunti ang kumakain. Maliit lamang rin ang lugar.

"Mas tahimik kasi rito, mas mapagtutuonan kita ng pansin," sagot niya sa akin.

Siguro kung andoon pa rin ako sa oras na iyon ay tiyak na kikiligin ako simula sa aking bagang hanggang talampakan. Ngunit hindi.

"Babe, I'm sorry" nakayuko niyang sabi.

"Okay lang, sanay naman na ang tiyan ko sa serving dito. 'Wag ka na mag sorry," agad ko namang tahan sa kanya.

"Maghiwalay na tayo," nakayuko pa rin niyang sabi.

"Ano ka ba? Okay nga lang. Sanay na nga ako sa servings nila, kahit hanggang lalamunan lang 'yong abot ng pagkain nila at never umabot sa tiyan ko, okay lang."

"Ikakasal na ako," nakatitig na niyang sabi sa akin.

It was that moment, alam kong seryoso sya. Napahinto na lamang ako sa pag nguya. Kahit papaano ay hinihintay ko pa rin na sabihin niyang biro lamang iyon. Hindi ko pa rin magawang magsalita.

"Ikakasal na kami ni Kyline," matapang niyang sabi. Tila nagyayabang na ikakasal na siya.

"Kailan pa? Kailan pa kayo nagkabalikan?" matapang ko ring tanong. Alam kong nagbabadya nang tumakas ang mga luha saking mga mata. Saglit lang naman, huwag muna kayong bumagsak.

"Limang buwan na. Buntis na rin si Kyline kaya minamadali na namin ang kasal."

Ang tagal na pala. Matagal na pala akong niloloko. Ngayon alam ko na kung bakit kami nagta tiyaga kumain dito, para hindi kami makita ng mga kakilala nya at ni Kyline. Ang galing.

"Ba't natagalan kang sabihin sa'kin? Na traffic ka ba?"

"Hindi ko alam kung pa'no sasabihin sa'yo. Naghihintay ako ng tamang panahon. Sasabihin ko na dapat sa iyo noon pa, wala lang akong lakas ng loob."

May lakas sya ng loob na lokohin ako, pero pagsasabi ng totoo wala?

Isa lang ang nasa isip ko sa mga oras na iyon. Pasasalamat sa aking propesyon. Sa propesyong kinakailangan na pigilan ang emosyon. Nakayanan kong pigilan ang luha kong kanina pa nagbabadya. Magagamit ko rin pala sa sarili ko ang mga natutunan ko.

Nag simula ang gabing iyon na sabay kaming pumasok sa maliit na kainang iyon na kami pa, natapos nang lumabas kaming hiwalay na.

Pakiramdam ko'y nagsayang lamang ako ng oras at panahon sa lalaking iyon. Napabalik ako sa misa at di ko na namalayan na tapos na ito.

Ang napigilan kong luha noong gabing iyon ay nagsiagos sa pisngi ko ngayon.

____________________________________________
:>>>

Thank you sa mga friends ko! Luv u!

Have a nice day!

She's my Psych Where stories live. Discover now