"Kristelle, anak? Pakikuha mo naman yung baston ko. Mamamalengke lang ako." tawag ng Nanay ni Kristelle. Ganyan na siya ; palaging may baston. Nabulag siya 2 years ago. Nalagyan kasi ng buto ng sili yung Mata niya. Ang tatay naman ni Kristelle ay sumakabilang bahay na. Silang dalawa na nga lang ng nanay niya kaso lagi siyang nasa school. "Kunin mo na lang nay! Utos ka ng Utos! Bulag ka lang pero may mga kamay at paa ka!" sigaw niya at sabay karipas ng takbo palabas ng bahay. Pupunta siya sa bahay ng boyfriend niya. Hindi ito alam ng nanay niya.
'Diyos ko. Ano bang nangyayari sa anak ko at unti unting nagbabago ang ugali. ' sabi ni Aling Kris sa sarili. Ng makarating si Aling Kris sa palengke ay agad naman siyang inakay ng pamangkin niyang si Camille. Sa lahat ng pamangkin niya, si Camille lang ang nagtyatyaga sa kanya.
"Tita, asan po ba si Kristelle at bakit hindi niya ho kayo tinutulungan? " wika niya.
" ewan ko sa batang yan. Nagiging sutil na nga eh. Porket Nabulag na ako. " sabi ni Aling Kris na halatang may lungkot. 30 minutes lang siyang namalengke at ng makauwi siya ay nandun na ang anak.
" Kristelle, anak. Ano ka ba naman? Wala namang pasok bakit ka alis ng alis? Imbis na tulungan mo ako dito. " sabi ng kayang ina.
Hindi niya inaasahan ang mga susunod na nangyari.
" Pakielam mo ba? Pwede ba nay?? Wag ka naman ho umasta na akala mo, hawak mo parin ang Mundo ko. Malaki na ako! " sigaw ng bata. Nanikip ang dibdib ni Aling Kris sa sobrang gulat at galit sa sinabi ng anak. Awang awa siya sa sarili dahil hindi manlang niya maipagtanggol ang sarili sa pangungutya ng anak. Matapos ng pag aaway nila ay dumating naman si Camille upang tignan ang kayang tita.
"O, tita. Bakit po kayo nandyan sa sulok? May problema po ba?" tanong niya na may halong pag aalala.
"W-wala naman. Camille, may aaminin sana ako. Bukod sa pagiging Bulag ay meron pa akong sakit. Sabi ng doctor nung nakaraan akong magpa-check up ay lumala ung asthma ko at maaari Kong ikamatay. Gusto ko sanang gawan mo ako ng pabor. Kunin mo yung digicam dun sa aparador ko at videohan mo ako. " sabi niya at di na napigilang umiyak. Sinunod ng bata ang Utos ng kayang tita at pinuwesto ang digicam sa tapat ni Aling Kris.
" Alam na ho ba ito ni Kristelle?" tanong ni Camille ngunit kumunot lang ang noo ni Aling Kris at sinabi kay Camille na simulan na ang pag video.
Limang minuto din ang tagal ng video. Nagpasalamat naman si Aling Kris kay Camille at ibinilin dito na huwag ng ipaalam kay Kristelle ang sakit.
Makalipas ang isang Buwan......
"Kristelle, anong gagawin mo kapag nalaman mong mamatay na ako? " tanong ni Aling Kris na nangingilid na ang luha. Ramdam niyang humihina na ang kanyang puso.
" Wala. " simpleng sagot nito.
'Magpapaparty. ' dagdag niya ngunit pa-bulong.
" Narinig ko ang sinabi mo anak. Hayaan mo, pag namatay nga naman ako, wala ng magbabawal sayo. " sabi ni Aling Kris na may hinanakit. Alam niyang dalawang linggo nalang ang bahay niya dito kaya naman gusto niyang sulitin ito kasama ang anak.
December 23 noon at kaarawan ni Aling Kris at dalawang linggo na rin naman ang nakalipas simula nung napag usapan nilang mag-ina ang tungkol sa kamatayan ng ina. Masaya siya dahil kasama niya si Kristelle sa kaarawan niya--- na huling araw na rin niya. Alam ni Camille ang tungkol sa araw na ito at bakas sa mukha ang lungkot samantalang si Kristelle ay masayang nagpaparty.
*kinagabihan*
Sumikip na naman ang dibdib ni Aling Kris. Alam niyang araw na niya at nagpapasalamat siya kay Camille na siya namang nagpupunas ng luha ng kanyang tita. Binilin ni Aling Kris kay Camille na ibigay ang tape na may laman ng pamamaalam ni Aling Kris. Dumating si Kristelle na kasama ang nobyo niyang si Marlon. Nakita niya ang pinsan niyang si Camille ngunit derederecho lang sila sa kwarto niya. Bago pa man makapasok ang magkasintahan, sumingit na agad si Camille.
"Wala ka talagang hiya noh?! Dinala mo pa talaga yang boyfriend mo dito?! Kristelle!! Patay na si tita! Patay na siya at wala ka man lang Pakielam! " sigaw niya.
" Edi good. " simpleng sabi ni Kristelle na siya namang nasampal ni Camille.
" Kristelle, Patay na daw yung mama mo. " sabi ni Marlon. Halatang nagulat siya sa balita. " okay nga yun eh. Para matuloy na natin yung gagawin natin. " malanding sabi ni Kristelle.
Huminahon si Camille at inabot ang tape kay Camille. Mabuti nalang at dumating na ang ambulansya.
" Laman niyang tape na yan ang lahat ng gustong sabihin sayo ni tita. Panuorin mo at baka sakaling lumambot yang puso mo. " mahinahong sabi niya at pumasok na sa ambulansya para dalhin sa ospital ang tita.
" Panuorin mo na. " simpleng sabi ni Marlon.
Isinalpak ni Kristelle ang tape at pinanuod ito.
" Kristelle anak, alam Kong pag napanuod mo ito ay wala na ako. Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. May sakit ako sa puso at ayoko ng malaman mo. Anak, pasensiya na kung di ko nabibigay ang mga kailangan mo. Pasensiya na kung hindi ako naging mabuting ina sayo. Alam Kong hinihiling mo na sana hindi nalang ako ang nagluwal sayo at mamatay na lang ako. Sorry anak. Sorry kasi nadadamay ka pa sa kapansanan ko. Mahirap talaga. Anak, gusto ko lang sanang malaman mo na araw araw, kahit lagi tayong nag aaway, Mahal na Mahal parin kita. Ikaw lang ang nagsisilbing buhay ko. Ikaw ang dahilan Kung bakit pa ako nabubuhay. Anak, pasensya ka na kung wala akong maibigay sayo ha? Wag sana sumama ang loob mo. Anak, kung sino man yang boyfriend mo, magtapos ka muna ng pag aaral ha? Paglaki mo, tsaka na kayo magpakasal. Anak sorry kung hindi na ako makakapunta sa kasal mo ha? Pero wag kang mag alala, palagi kitang gagabayan. Anak sana mag aral kang maige. May bank account ako na pinangalan ko sayo. Dun ko nilagay lahat ng ipon ko. Sapat na yun para makapagtapos ka. Siguro ngayon anak, masaya ka na kasi wala na ako. Wala ng magsesermon sayo. Wala ng magpapakuha ng baston sayo. Pero anak, tandaan mo, ako, gustong gusto ko pang humaba ang buhay ko at masilayan pa ang magiging apo ko. Pasensiya na anak ha? Mahal na Mahal kita. Mahal na Mahal. Mag ingat ka palagi anak. I love you! "
Hindi mapigilan ni Kristelle ang mga luha na Tuloy Tuloy umaagos. Hindi niya alam kung anong gagawin ngayong wala na ang kanyang ina. Ngayon lang niya na realize kung gaano kahalaga ang kanyang ina. At wala na syang ibang ginawa kundi pagsisihan ang lahat ng oras na hindi niya nagawang pasayahin ang ina.
-end-
Ano guys? :) I need your comments. Wag din pong kalimutan mag vote at ishare sa friends niyo. :) thanks! Btw, update ko nalang ung sa bagong cover. Yan muna pansamantala kasi di pa nagagawa yung bago. Sorry. ✌✌✌❤❤