LYFR - Prologue

12.8K 117 22
                                    

Isang teen actress. Isang teen actor. Kilala sa isang tanyag na bansag. Sweet at nakakalikig on cam. Pero lahat ng yan ay pakitang tao lamang.

"JulQuen" is what they call us.

Maraming tao ang nagsasabi na bagay raw kami on cam.

Nakakakilig. Nakaka-inlove. Minsaw nga raw nakakabaliw kaya nakaka-asdfghjkl.

Pero lahat ng yun ay walang kwenta.

Pakitang tao. Kasi daw kapag maraming nagkakagusto at nahuhumaling sa chemistry niyo, magkakaroon kayo ng madaming fans at supporters. More fans=more exposure. More exposure=more projects. More projects=More money.

 

Yan naman talaga ang bottomline. Pera. Bakit ba napakaimportante sa maraming tao ang pera? Dahil ba nabubuhay kayo nito? Nabibili niyo ang mga gusto niyo?

Unang-una, gusto kong isampal sa mga taong mukhang pera ang sasabihin kong ito: DIYOS ang bumubuhay sa inyo. At kahit na ano pa karami ang perang nasa inyo, kayo pa rin ang pinakamahirap na tao. Kasi, all you have is money. And money can buy material things, but not feelings.

Feelings. I disagree if you say na mas important pa ang MONEY kesa dito. Money is hard to earn, easy to lose. But feelings? Easy to earn. HARD TO LET GO.

 

I'm a girl with enormous dreams. At unti-unti ko nang natutupad lahat nang iyon dahil sa isang biyaya ng Diyos. Ang maging ARTISTA ako.At hindi lang isang ordinaryong artista dahil isa ako sa pinakasikat na homegrown talent ng isang talent agency at artista ng leading TV Station ng Pilipinas. Endoser ako ng mga produktong nangunguna sa kanilang certain fields. At higit sa lahat,  love team partner ko ang isa sa pinakatalented, gwapo at most sought-after leading men ng bansa, si Enrique Rodriguez.

But what Enrique and I had and did was all for "WORK."

Leshe naman ng WORK na yan. I mean, syempre, kailangan natin yang para matustusan ang pang-arawaraw nating gastos. Ngunit ano ba at bakit napakalakas naman yata ng WORK na ito para durugin ang puso ko.

I know I wasn't supposed to feel this..and I'm really not allowed to confess this. Kasi alam ko namang walang pag-asa. Sa akin, kaibigan lang ako para sa kanya.

Una kasi, crush ko lang naman siya. Ngunit ang crush na 'yun, nagsimula sa MATA, pumasok sa DIBDIB, tumambay sa ISIP, naging BUKAMBIBIG.

Kaya di naglaon, naging PAG-IBIG.

Mabuti pa nga sa real life kasi sa lotto, may pag-asang manalo. Pero pagdating sa kanya, talo agad ako.

Paano ba kasi magamahal? Kailangan ba munang masaktan bago maintidihan?

I am Julia Gonzaga, and this is my story.

Because of what should have been PRETEND, comes out to be for REAL.

-------------------------------------------------------------

A/N: Oh Guys! Welcome sa isa nanamang produkto ng aking mga kabaliwan. Pero anyways, JULQUEN FANFIC BEYBEHH! Sana suportahan niyo to gaya ng ginawa niyo sa other stories ko. Kaya please please please! Tangkilikin niyo! Kung gusto niyong ituloy ko to, comment at 5 votes? :)

Inspired by "Paano Ba Magmahal?" by Liezel Garcia and Erik Santos. ABA OST.

Loving you for REAL. [ JULQUEN - C O M P L E T E D ♥ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon