Kuya birthday na niya bukas. Anong balak mo niyan?
Tanong sakin ng nakakabata kong kapatid na si Christine. Halos 2 taon lang ung pagitan naming dalawa ..
Tulad pa din ng dati ..
Sagot ko sa tanong at sabay ngiti sakanya. Kami na lang ung magkasama sa buhay kaya nga super close kaming dalawa.
Pupuntahan mo ba ulit siya??
Syempre. Kelan ko ba pinalagpas ung pinakaespesyal na araw niya? (^__^)
Saludo ako sayo kuya. Mahal na mahal mo talaga siya .. (n__n)
Hahaha. Alam mo naman kung gaano ako kaloyal sakanya! Kahit anong mangyayare. Kahit may bagyo pa ..
O.a na ung bagyo kuya. Tulog na nga ako gumagana nanaman kasi ung kacornyhan mo eh. Ung tipong nakakaumay na! hahaha.
At dahil nagiisa ko na lang siyang kapamilya. Malamang close sila ni Z.
Gusto mong idukdok kita jan sa kinatatayuan mo? Matutulog na lang dami pangsatsat. Sge na Goodnight na.
OO ganto kami kaclose hahah. Pumasok na din siya sa kwarto niya. Anong oras na nga ba? Tumingin ako sa orasan. Men! 11:00 p.m palang pala. Ang aga pa. Nagisip ako ng gagawin ..
NET - HINDI PWEDE. Kasi naman kakapalit lang ng password ng wifi ng kapitbahay namin kahapon!! Badtrip nga eh! ..
TEXT?? - Wala naman akong load..
RADIO?? - Wala akong radio sa bahay!!
MOVIE? - Pwede na. No choice eh!
kinuha ko ung mga cd ko sa may cabinet. Naghanap ako ng pwedeng panuodin ng biglang may nahulog na box ..
"01.29"
Tinitigan ko lang ung box. Tapos nagisip, natulala, huminga ng malalim tsaka napagdesisyunan na yun na lang ung panuodin ko. Nilagay ko na sa dvd player umupo sa sofa hinwakan ang remote at pumikit ng ilang segundo at pinidot ang PLAY ..
" 01.29.05"
C ayusin mo naman! Walang kabuhay buhay eh!! Isa pa ..
sabi ko sa harap ng camera na hawak hawak ng babae sa harap ko ..
at C .. Yan ung tawag niya sakin. At siya lang ang nakaktwag niyan sakin ..
Hi! ako nga pala si Caleb. At andito tayo sa park kasama ung pinakamamahal kong girlfriend ..
*(^o^)*
At ako naman si Zoe ang pinakamamahal niyang girlfriend .. (^__^)
sabay kaway niya sa harap ng camera. Tapos pinatong niya sa may table ung camera at finocus sa pwesto naming dalawa..
Z para saan ba kasi yan bakit kelangan mo pang ivideo??
Siyempre kung C ang tawag niya sakin dapat ako din may tawag sakanya hahah
Icocompile ko ung mga nagaganap paganniversary natin! hahah. Oh bilis say something na about our anniversary! Tapos papakita ko sa mga magiging baby natin hahah .
Ngumiti lang ako saknya. Eto kasi ung hilig niya. Kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ung gusto niya haha
Today is our 1st anniversary at kaya andito tayo ngayon sa park kasi dito kami unang nagkita ni Z 2 years ago. Right Z?