Shella
"Maaaaa." Tinatamad kong tawag sa kaniya.
"Bakit?" Tanong niya sa'kin habang pumipirma ng mga forms.
"Sabi mo may transferee?" Tanong ko kay Mama.
"Oo nga, mga 5 minutes at dadating na sila." Sagot niya sa'kin habang patuloy na pumipirma.
"Eh bakit ngayon lang lumipat? Tsaka kaklase ko ba?" Tanong ko ulit sa kaniya habang nakahilata sa sofa.
"Natagalan kasi yung pagproseso ng paglipat niya. Tsaka, kaklase mo siya at kaya kita pinapunta dito dahil ikaw yung president sa room niyo." Sagot niya sa'kin at napatango lang ako. " Hoy Shella! Tumayo ka diyan! Baka makita ka pa niya, lalaki pa naman yun." Saway niya habang nakatingin sa'kin.
"Maaa, pogi ba?" Tanong ko habang nakangiti.
"Diosmio ka Shella!" Tumatawang sabi sa'kin ni Mama at binatuhan ako ng ballpen.
"Nagtatanong lang eh." Nakasimangot kong wika sa kaniya. "Ma, bibili lang ako ng tinapay." Sabi ko sa kaniya habang tumatayo sa sofa at naglalakad papuntang pintuan.
"Shella! Bilhan mo rin ako!" Sigaw sa'kin ni Mama.
"Huh? Bakit? Hindi ka po ba kumain ng breakfast?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi eh." Sagot niya sa'kin.
"Nako, Jessica Salazar! Isusumbong kita kay Papa na hindi ka kumain ng breakfast." Umiiling kong wika sa kaniya habang nakapamewang.
"Hoy! Nanay mo'ko! Umayos ka nga!" Inis na sabi niya sabay hampas sa braso ko
"Nagbibiro lang eh." Nakasimagot kong sabi habang hinihimas ko yung braso ko.
"Sige na! Bumili ka at malapit na dumating yun." Wika ni Mama habang nagpatuloy sa pagpipirma.
"Opoooo." Sagot ko sa kaniya at naglakad papunta sa canteen.
Habang naglalakad ako papunta ng canteen may nakita akong kotse na ngayon ko lang nakita.
"Baka yung transferee." Sabi ko sa sarili ko at nagkipit balikat.
Patuloy akong naglakad hanggang sa makarating ako sa canteen.
"Ate, apat pong presto tsaka dalawa pong C2." Sabi ko sa kaniya at inabot ko yung bayad ko. " Salamat po!" Pagpapasalamat ko sa kaniya at kinuha ko na sa kaniya yung mga binili ko.
Agad akong naglakad pabalik sa Principal's office.
"LonDOn bRIdGe iS faLLING doWN, faLLINg doWN oooOoooOooh~" Madamdamin kong kanta habang naglalakad papuntang office.
Ilang paglalakad pa ay nakarating na'ko sa Office ni Mama. Narinig ko na may kausap si Mama kaya kumatok ako
"Ma?" Tawag ko sa kaniya habang nakasilip sa pintuan.
Ano ba yan! Hindi manlang tumingin sa'kin! Attitude ka ghOrl?
"Oh? Shella, tara dito! Nandito na yung transferee!" Pagtawag sa'kin ni Mama.
"Okay!" Sagot ko sa kaniya at naglakad papunta sa kaniya. "Ma, eto na yung tinapay mo tsaka binilhan na kita ng maiinom baka kasi isipin mo na hindi manlang kita binilhan ng panulak." Biro kong sabi kay Mama.
"Oo na! Salamat." Wika niya sa'kin habang nakangiti.
"Tsaka Mama, hindi yan libre ah!" Sabi ko sa kaniya at nilahad ko yung palad ko para humingi ng bayad.
"Aishhh! Mamaya ko na ibibigay sayo!" Wika ni Mama at napangiti naman ako. "Shella, hindi mo manlang ba kakausapain yung tranferee?" Tanong niya sa'kin.
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Ficțiune adolescențiA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...