Chapter 1

13 0 0
                                    

Disclaimer: Any characters, events, places and things in this story are all work of fiction and not intended to be the same on someone's work. This is originally made by MissFaithfullyyy.


Nahuli ako ng gising dahil sa isang kakaibang panaginip na napaginipan ko kagabi. Malabong larawan ito ng isang lalaking nagngangalang,

Hmm...

Sino nga ba iyon? Hayy, heto ang ayaw ko eh! tuwing nananaginip ako ay nakakalimutan ko na agad ang ibang tungkol doon. Makapaghanda na nga lang muna.

Pag apak ko pa lang sa hagdan ay sakto naman ang pagtawag sa akin ni mama. "Leandra! Gumising ka na dyan at bumaba ka na dito, male-late ka na sa unang araw ng klase mo!

"Eto na po!" Sagot ko habang dali-daling bumababa at tsaka tuluyang umupo sa upuan malapit sa lamesa, at para maamoy ko rin ang mabangong niluluto ni mama na mukhang adobo.

"Oh, buti naman at nakabihis ka na! Bilisan mo na lang munang kumain at male-late kana." Utos pa nito sa akin.

"Okay po!"

Maya-maya lang ay natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin sa umagang ito at tuluyan ng nagpaalam kay mama.
"Bye mama, Love you!" Habang nakayakap sa kanya.

"O sya, sige na! Umalis ka na at mag aral ka ng mabuti ha? Mahal ka din ni mama."

Maya maya lang ay tuluyan ko na ngang narating ang Gabriela Valdezza University...

Pagkapasok ko pa lang ng gate ay nakita ko na kung gaano kalaki't kaganda itong sinasabi nilang paaralan. May mga mga estudyanteng palakad-lakad habang ang iba nama'y nasa iisang tabi lang para mag usap. Ang iba'y naglalaro ng soccer sa field. Marami ring halaman ang nakapalibot sa school dahilan para mas lalong gumanda ang paligid at masarap langhapin ang sariwang hanging dulot ng mga halaman dito.

Maya-maya....

"Beshhyy!"

Agad naman akong napalingon sa kung sinong tumawag na iyon, na sa tingin ko nama'y kilala ko ang boses.

"H-huh??" kunwaring anang ko pa dito.

"Hoy bakla! hindi mo na talaga ko nakikilala? Ako to......

"Sino?"

"Ako nga to!"

"Sino ka nga!?"

"Ako nga to!

si Natoy na mahal na mahal ka."

Napalingon naman ang ibang mga taong naglalakad at napahagikhik.

"Shh! Hinaan mo nga yung boses mo at naririnig ka nila!" suway ko dito.

"Ano ka'ba! echos lang yun noh, eto naman! Haha.

"At tsaka oo noh! nakikilala kita ikaw yung bestfriend ko na si Johnrey Buenavista na patay na patay dati sa crush n'yang si Gerddie. Pero teka, si Gerddie nga ba iyung kinababaliwan mo noon or si Christan?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"The Man In My Dreams"Where stories live. Discover now