Chapter 8:Pride or Friendship

38 3 0
                                    

Erynn

Minsan, may mga panahong gusto ko nalang isagap lahat ng info sa utak ko na parang vacuum. Tulad ngayon, dahil bukas ang unang exam namin sa school year kailangan kong mag-review ng mabuti para kahit papaano makapasa naman ako.

Kaninang umaga pa ako nagrereview kaya mentally drained na ako, the past three days kasi hindi ako makapagreview dahil maraming bisita yung mga tita ko.

Kahit last lesson na 'tong binabasa ko, nahihirapan parin yung utak ko na kabisaduhin.

Napahinto ako sa ginagawa ko nang tumunog ang cellphone ko.

France Morales calling...

Timing naman ng baklang to palaging mali.

I answered the call, of course. Baka sermonan ako niyan tapos hindi na ako sponsoran.

"Bakit napatawag ka?" mataray kong tanong dahil wala ako sa mood.

"Attitude ka cyst? Tumawag lang ako para sabihin na dagdagan mo yung pagkain na dadalin mo, salamat!" aniya pagkatapos ay agad na pinatay.

Grabe. Ako na nga yung supplier ng school supplies nila pati ba naman pagkain? Hindi na makatao to ah! Parang mukha niya hindi mukhang tao.

Siyempre charot lang.

Tinuloy ko na yung ginagawa ko, kailangan ko din kasing matulog ng maaga para hindi ako mukhang zombie bukas.

------

5:00 am

Tumayo na ako nang marinig ko ang alarm, unlike dati na papatayin ko iyon at matutulog pa.

Ayokong masermonan ni mommy ngayon, wala ako sa mood. Baka malagay ko sa exam yung mga words of wisdom niya imbes na yung nireview ko kagabi.

I did my morning rituals at nagsaing, pagkatapos 'non ay sinipa sa pangatlong pagkakataon yung kapatid kong ubod ng kupad.

Doble din ang sinaing at ang pagkain na dala ko. I did not think na mabigat pala 'to.

Pumasok ako ng school ng pagewang-gewang at bitbit ang isang malaking eco bag galing SM na laman yung pagkain.

Wala manlang nag-abalang abangan ako at tulungan, ang babait talaga ng mga kaibigan ko.

Buti nalang may isang janitor na tumulong sa akin na iakyat yung pagkain, bibigyan ko nalang siya sa lunch bilang pasasalamat sa tulong niya.

Hindi na ako nag-abala pa na mag-locker dahil dala ko na yung mga books ko para doon, dumeretso lang ako sa room at nambubulasok sa galit.

20 minutes pa before the class, may oras pa para ilabas ang hinanakit ko.

Nakarating ako sa room nang pawis na pawis at pagod na pagod.

Pa-kalabog kong binuksan ang pinto, parang yung style ni Maam Fajardo.

"Bakla!" rinig kong tili ni France, I just gave him that look.

"Wag mo akong mabakla-bakla, nagpadala ka sa akin ng extra na pagkain pagkatapos, ni abangan ako sa baba at tulungan hindi mo nagawa!" Pagalit kong sigaw, "Anong klase kang kaibigan!"

Tumingin ako sa mga unggok na nasa likod, "Oh kayo! Tititigan niyo lang ako?! Hindi niyo ako tutulungan ganon?!"

Tumayo naman si Nathan at Shella, pagkatapos ay binitbit sa dalawang hawakan yung dala ko.

I looked at the empty seat in front of mine, doon siguro ang puwesto ni Gideon.

Napatingin ako sa pinto nang marinig na bumukas ito, speaking of the devil.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now