Steph's POV
Nang magising ako ay agad kong inayos ang mukha ko bago bumaba at pumunta sa kitchen kung saan ko naabutan ang lahat ng kaibigan ko na nagbibreakfast na
"Good morning, Kate!" Si Eris ang unang bumati sa akin
"Good morning" sabi ko sakanya at umupo sa gitnang upuan dahil vacant naman yon palagi dahil ako lang pwedeng umupo don
Isa-isa na nila akong binati ng 'good morning' but tango nalang ang tinugon ko dahil sinimulan ko na agad ang pagkain dahil ibinigay agad sa akin ni Paul ang isang plato na may lamang bacon, egg, hotdog, and fried rice. Si Paul at si Noona ang chef namin dito sa bahay dahil pinagbakasyon ko muna ang mga katulong ko para walang disturbo sa amin at sa mga plano namin
"Ano na nga pala ang nangyari kagabi?" Biglang tanong ni Paul nang makabalik sa upuan nito kaya agad kong nilunok ang pagkain na nasa bibig ko t kinwento ang lahat ng nakita ko sa loob ng training ground nila na ipinagtaka nila at kinatawa din dahil sa mangha. Lalo silang nagtaka nang sabihin ko ang mga nakita kong pistols and rifles
"Para saan naman ang mga yon?" Kunot noong tanong ni Bri "Magpapatayan ba talaga tayo?" Sarcastic niyang sabi habang nakngiti ng maasim
"Ano!? Magpapatayan!? Anong ibig niyong sabihin!?" Singit naman ni Alex na nakakunot pa ang noo, lahat kami ay nilingon siya
"Wag kang sumabat, Alex. Usapan nila yan kaya tumahimik ka" saway sakanya ni Crystal kaya napasimangot nalang si Alex at ininom nalang ang gatas niya, napatingin naman ko kay Christian pero tahimik lang ito na nakatingin sa pagkain niya habang nilalaro iyon gamit ang tinidor niya
"Baka naman hindi sa atin" biglang sabi ni Paul kaya umiwas na ako ng tingin kay Christian at nilingon nalang si Paul
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Kyla "Eh nagpasabog na nga sila kay hindi imposible na para sa atin yon"
"Nagbebenta ng mga ilegal na armas ang mga gangster kaya hindi din imposible na para yon don. 50% na binebenta nila yon at 50% din na para sa atin yon, pero bakit kailangan pa tayong patayin?" Sabi ni Paul
"Hindi naman talaga tayo kundi ako. Ako naman ang target nila at alam kong alam niyo yon. Nadamay lang kayo dahil sa akin" habang sinasabi ko yon ay tiningnan ko isa-isa ang mga kaibigan ko at nang mapatingin kay Chris ay nakatingin na din siya sakin pero ilang segundo lang yon at yumuko nanaman siya
"Kate, hindi ngayon ang oras na sisihin ang sarili mo kaya wag ka nang magemote dyan" sabi naman ni Jacky
"Tss. Ewan ko sayo" sabi ko bago tumingin kay Noona na tulala "Noona?" Tawag ko ng paulit-ulit hanggang sa mataohan siya
"Neo gwaenchanh ni?" Nag-aalalang tanong sakanya ni Liya na nasa tabi niya, tumango lang si Noona bago ako nilingon
(Neo gwaenchanh ni? = are you okay?)
"Yung office na nakita ko doon ay may kakaiba. May mga papeles don tungkol sa company ng pamilya mo, Kate" sabi niya na kinakunot ng noo ko at ipinagtaka naman ng lahat "As in, all your companies are there. Lahat ng details, infos, and etc. Lahat yon pati ang mga ari-arian niyo" sabi pa niya bago tumingin sakin ng seryoso "Meron ding mga files doon tungkol sa lahat ng pamilya mo at mga kaibigan mo" dagdag niya pa na lalong nagpakunot ng noo ko
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Briana
"Lahat ng malalapit sayo ay nandon ang mga infos sa folder na yon. Simula sa pamilya mo both side ng parents mo, sating pito, kay Crystal, kay Paul, kay Alex, kay Ate Christine, and kay Christian" automatic na napatingin ako kela Crystal, Alex, and Chris na magkakatabi at nakita ang gulat sa mga mata nila, pag-aalala, at takot
"A-ano na pala ang n-nangyari kay Ate Christine? Nahanap niyo na ba siya?" Tanong ni Alex na talagang nag-aalala kay Ate Chris at sa sariling buhay, napabuntong hininga ako
"Wala siya doon" sabi ko bago bumuntong hininga nanaman "Wag kayong magpanic, kami ang bahala sainyo" sabi ko habang nakatingin sa tatlo, kahit may pag-aalala at takot sa mga mata nila ay tumango sila sakin
"Sa palagay ko ay nagrerevenge sila sayo, Kate" maya-maya ay sabi ni Bri kaya nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sa akin "Madadamay pa ang ibang tao dahil sayo" dagdag niya pa na kinakunot ng noo ko at kinagulat ng lahat
"B-bri.." di makapaniwalang saway ni Noona
"Totoo naman ah. Okay lang sana kung tayo-tayo lang pero pati sila ay madadamay dahil sa ginawa mo!" Bigla akong napapoker face dahil sa sinabi niya
"K-kate.." pagpapakalma sakin ni Noona
"Ano bang nangyayari sayo, Briana?" Tanong ko at pinipigilan ang sarili na ipakita ang mga emosyon na gustong kumawala "Alam kong alam mo na kung revenge man nila to sa akin ay hindi ko alam kung bakit at kung ano ang gianwa ko sakanila. Hindi ko sila kilala kaya pano ko malalaman ang dahilan? Hindi ko din naman ginusto na masali sila at alam kong alam mo din yon at alam niyong lahat yon. Pero bakit palagi nalang ako ang sinisisi mo? Oo, alam kong kasalanan ko kaya sorry, okay? Pero kahit ganon ay sana wag mo naman ipamukha sakin na ginusto ko tong mangyari. Na gusto kong madamay kayo sa mga nangyayari" sabi ko nang walang bakas na emosyon na makikita, natahimik ang lahat at kahit si Briana ay hindi na nakapagsalita, bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit at nakatingin ng diretso sa mga mata ni Bri "Hindi ko alam kung galit ka ba sakin dahil ako si Stephanie Kate Mendoza Lopez o dahil kay Christian Lee na sa palagay ko ay gusto mo—gusto nga lang ba?" Di ko napigilang ngumisi ng napakapait at magsalita ng sarcastic "Alam kong nagugulohan ka pa sa nararamdaman mo kaya sana ay mahanap mo na ang sagot dyan sa mga katanongan mo" sabi ko pa bago tumayo at lumabas ng bahay
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Novela JuvenilEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...