Ang Kasunduan <3

735 12 0
                                    

Alam ko .. curios kayo kung paano kame humantong sa ganto .. paano kame nag kakilala ? at paano ako naging MRS. YSABELLE AGUILARIO .. This is how our Lovestory Goes ..

Saktong ala - syete ng umaga ng gisingin ako ng katulong ko . May bisita raw na nag aantay saken sa baba .  Syempre alam ko naman kung sino yun :) hihi .. expected ko na darating siya .. at expected ko din na Galit siya .. 

FLASHBACK 

Mag Papark na sana ako ng kotse sa harap ng bangko ng matanawan ko si Allen na palabas mula sa bangko , hindi kaagad ako bumaba ng sasakyan , saglit ko muna siyang sinundan ng tingin . Isang Four - wheel drive pick up ang sinakyan niya . Hanggang sa pag alis niya ay hindi ko siya hiniwalayan ng tingin . 

' Good Morning ma'am ' bungad sa akin ng teller ng pagka pasok ko sa loob ng bangko .

' Depositor natin si Allen Aguilario ? ' tanong ko . Hindi naman kaagad sumagot ang teller na tila iniisip kung sinu ang tinutukoy ko .

' Yes Ma'am . Pero sa Lucban branch. Si Mr.Sandoval po ang sadya niya ....  '

Hindi ko na siya pinatapos sa kung ano pa ang sasabihin niya . agad kung tinungo ang office kung nasaan si Mr.Sandoval . Hindi na ko nag paligoy - ligoy pa ..

' Ano ang sadya ni Allen Aguilario dito Mr.Sandoval ? '

' Nag file siya ng loan sa branch sa lucban , Ysabelle. Pero alam mo namang dito sa main branch ang approval noon . tiniyak niya lang kung kailan ang endorsement nito sa local branch  "

' Was the loan approved ? ' and how much ? ' sunod sunod na tanong ko sa kanya 

' Yes . it was approved . Mabuti naman ang collateral niya , walang problema. Maliban sa Maganda naman ang credit standing ni Allen sa nakalipas na apat na taon . Anim na raang libong piso ang inuutang niya. Mawi - withdraw niya ito sa Lucban probably bukas '  - Mahabang paliwanag niya .

Tinitigan ko siya at tumaya na ko ng sofa 

' i hold mo ang endorsement, Mr.Sandoval or better still reject the loan ' utos ko .

Nanlaki ang mga mata ng manager marahil sa pagkagulat nito sa sinabi ko .

' But .. but .. I cannot do that Ysabelle . Hindi lang naman ako ang nag approved noon '

Tinaasan ko siya ng kilay 

' Really ? Hold it . at pag bumalik siya rito sabihin mong kausapin ako. Ibigay mo ang address sa mansion. At iparating mo sa local branch ang pagpigil mo sa loan nito para agad siyang makipag - usap sayo. Good day , Mr.Sandoval . 

END OF FLASHBACK ...

Bago ako Bumaba ay tiningnan ko muna ang aking sarili kung okey ba ang ayos ko . Personally ay hindi ako interesado kay Allen Aguilario. Business , Yes .

Straight cut ang suot nyang damit na bahagya lamang na umabot sa tuhod. May tailored collar ito para sa formal effect. Navy blue ang kuwelyo at may malaking butones sa harap na bukasan. Naka - stockings at high heels . 

Pagkababa ko. Nakita ko na agad siya. Nakatayo at nakapasok sa mga bulsa ang dalawang kamay. Palakad lakad ng marahan at nang tumingala ito ay nagtama ang kanilang mga paningin. Sa anyo pa lamang  ni Allen ay dama na ni Ysa ang galit sa mga mata nito. At sa kauna - unahang pagkakataon ay nakita niya nang malinaw ang mukha nito. Ang uri ng mukha na iibigin ng kahit na sinong babae. It was the kind of face woman and men alike fear. Nakita ko nang lahat ang magagandang uri ng lalaki, dito man o sa ibang bansa, Mga Mukhang tila nililok ng bihasang iskultor, pero bakit gusto kong isiping they would pale in comparison to this man? Certainly, hindi si Allen Agulario ang Tom Cruise type but literally, Allen Aguilario had taken my breath away. 

HiRED HUSBAND ( This is a true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon