Section na naman nila Chloe ang nanalo. Syempre nalungkot din ako dahil di nanalo ang pamatay na performance namin, sabi kasi ng iba ay bongga ang props na ginamit nila Chloe. May mga nagpole dancing pa nga daw. Nag-effort daw kaya nanalo.
Syempre, bittera ocampo ang ate mong Jade, di nga umiimik eh. Desidido talaga manalo. Ako naman eh okay lang naman sa akin kung manalo o matalo, atleast nairaos ang performance. Ang habol ko lang naman eh dagdag na grade para sa mga nagparticipate. Yung iba kong kaklase ay parang wala lang ang nangyari, yung iba mukhang nalugi, especially dun sa mga malaki ang part for performance. Well, ganun talaga, minsan talo, minsan panalo.
Inayos ko pa ang bag dahil gusto ko na puntahan si Neo. Kinakalkal ko pa ang cellphone ko sa loob ng may makapa akong malamig. Parang chocolate. Agad ko naman iyong kinuha, chocolate nga. Galing kay Neo. May note pa.
'Hwaiting! ^_^
-Neo Pogi'
Napangiti ako. Ang sweet, kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng hwaiting. Tatanong ko nalang kay Chloe. Binuksan ko pa ang malamig lamig na mini toblerone at kinain. Peyborit ko to. Nakita ko naman ang cellphone ko at agad tinext si Neo.
'tnx !! :))'
Inubos ko na ang chocolate, kinuha ko pa ang notebook ko at dinikit ang note ni Neo sa isang page kung saan nakadikit din ang note nya nung binigyan nya ako ng chocolate before play. Andito din nakadikit yung letter nya sa akin nung christmas. Lahat ng binibigay nya sa aking note ay dinidikit ko dito. Remembrance lang ganon.
"Huy wag ka na nga sumimangot jan." sabi ko pa ng makalapit ako kay Jade.
"Puta wag mo muna ako kakausapin. Nababadtrip ako."
"Okay lang yan tungaks. Wag mo masyado isipin. Tsaka may next year pa naman ah. Galingan nalang natin para manalo."
"Nabibwisit kasi ako eh. Gusto kong patunayan sa mga higher sections na kayang kaya natin silang ungusan. Tignan mo, sa mga competitions, sila lagi nananalo. Kulelat lagi section porket tayo yung lower section."
"Kaya nga galingan natin next year." pang-eencourage ko pa.
------------------
Kinabukasan ay Regional Spelling Bee contest na nila Neo. Manonood kami dahil ang school namin ang napiling maghost. Sa auditorium ito gaganapin. Balita ko ay tatlong schools ang maglalaban laban at isa na nga dun ang Santa Maria Academy. Sana manalo talaga sila Neo. Tototohanin ko na yung surprise ko sa kanya.
Sasagutin ko na sya.
Kahit naman hindi sya masyado nanligaw.
What's the point of ligawan if mutual naman ang feelings.
Napatunayan naman na nya sa akin na maganda ang intention nya.
Manalo man sila o matalo, sasagutin ko pa rin sya.
Hinintay ko pa muna sila Jade at Chloe. Nang magkita kita ay pumasok na kami at dumiretso sa pinakaharapan para kitang kita ko sila Neo. Sakto naman at may bakante pang seats sa 2nd row kaya dun kami naupo. Wala pang contestants sa stage dahil 30 mins. pa naman bago magstart ang program. Hawak hawak ko naman ang green na cartolina na may nakasulat na 'GO NEO!' na pinalettering ko pa kay Chloe. Nagphone muna ako habang naghihintay.
Nagpaalam muna ako kela Chloe na pupuntahan ko si Neo sa backstage, sana papasukin ako. Nang makarating sa backstage ay walang bantay kaya sumulpot ako. May mga teachers don at mga estudyante na hindi namin ka-uniform, malamang taga-ibang school. Hinanap ng mata ko ang uniform namin, naaninag ko naman si Arvin na nakatayo dun at may hawak na libro. Agad ko syang nilapitan.
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.