Stephanie's POV
3 hours ako nanuod ng tv at We Bare Bears lang ang pinanuod ko sa oras na yon. Hindi naman straight 3 hours yung palabas kaya syempre may yt naman sa tv kaya no worries
After, daldal nang daldal lang si Mommy hanggang sa kinailangan siya sa company kaya umalis na siya at ilang minuto lang bago ako magkalikot sa dati kong kwarto ay umalis na ako
Dumeretso ako sa mall, doon sa café ni Tita Tracie at wala nanaman akong pake sa pila at dumidiretso lang sa unahan ng counter na agad na kinagulat ng staff na nandoon at syempre kinagalit ng mga nakapila doon
"Bad mood?" ang bungad agad sa akin ni Tita
"The usual at pasarapin mo ng triple tss" pagtataray ko, tumawa si Tita bago tumango-tango
"Okay, sige. Umupo ka na at maraming pila" sabi ni Tita at kahit hindi man niya sabihin ay gagawin ko din naman tss. Narinig ko pa ang mga tao na magbulong-bulongan at kung ano-ano pa ang pinagsasabi at pinagbubulong eh naririnig ko din naman tss. Narinig ko din na magsorry si Tita at pinapakalma ang mga nandon
'Bakit ba naiirita nanaman ako?'
Agad akong napalingon sa mga taong nakapila at nakita ko ang gulat at taranta nila nang makita ako. Tiningnan ko sila ng napakalmado ngunit napakasama at napakaseryoso kong tingin, gets?
'Reklamo nang reklamo, matatakot lang din naman tss!'
Kung saan dumapo ang mga mata ko ay doon ako dumeretso at wala akong pake kung may tao man o wala ngunit dahil meron ay wala nga akong pake ano ba!
Binaliwala ko lang yung tao na nakaupo sa harap ko at wala akong pake kung sino man yon. Sumandal ako sa upoan ag napabuntong hininga bago nagcross arms at tumingala sa ceiling. Naramdaman ko naman na lumingon sa akin ang taong nasa harapan ko at ilang minuto kong naramdaman ang mga titig niya kaya napabuntong hininga nanaman ako
"Umalis ka na kung tapos ka na" sabi ko lang nang hindi tinatanggal ang tingin sa ceiling. Hindi dahil sa nahihiya ako o ano ah pero meron kasing lizard sa taas at ang cute bwesit
Hindi nagsalita ang kung sino man ang taong nasa harap ko kaya napabuntong hininga nanaman ako bago nilingon iyon
'The hell?'
Nakangiti ang lalaki sa akin at mukhang hangang-hanga sa akin at hindi naman ako magtataka kung bakit nababading siya sa akin tss
"What?" tinaasan ko siya ng kilay
"Hmm.. you didn't recognize me again eh?" nakangiti parin ito sa akin na para bang hangang-hanga talaga sa akin
"Hmm.." pinasadahan ko lang siya ng tingin bago tumingala nanaman sa ceiling
'Nandon parin yung lizard'
"Steph, my babe.." hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kuryente—hindi sa kilig or any romantic achuchuness but something.. like goosebumps? Hmm..
Nilingon ko ulit siya ngunit sa pagkakataong ito ay tinitigan ko na ito ng mabuti at mukhang may narinig na akong na tumawag sa akin ng ganon
"Wait.. hmm.. familiar ka kaso ewan" hindi ko talaga siya maalala o sadyang I'm too lazy to dig my memories tss
Tumawa ito at hinayaan ko nalang siya bahala siyang magmukhang baliw tss
"As what I've thought, hindi mo nanaman ako makilala" ngumiti ito ngunit kahit anong ngiti at tawa niya ay may kakaibang awra akong napapansin sa mga iyon
"I don't care if you know me but if you don't have important matters to tell me ay umalis ka na at lalo mo lang sinisira ang mood ko" tumawa nanaman ito ngunit binaliwala ko lang siya dahil dumating na yung order ko
"Well, it's me again, Troy Gonzales" napatigil ako sa pagsubo ko ng ilang segundo ngunit nasubo ko din naman iyon
"Troy Gonzales?" napaisip ako kunware "Ah.. that boy" sabi ko lang at tinitigan siya diretso sa mga mata at nakita ko kung pano siya magulat dahil ang pagtitig ko sa mga mata niya ay para bang dinidiligan iyon para malaman o mabasa ang tinatago ng mga matang iyon
He used to be my lover. Well, inlababo sa akin eh at.. napapikit ako
'Ugh! The hell with it! I don't want to remember it again!'
Sa pagmulat ng mga mata ko ay kasabay non ang ngiti na kinagulat nanaman niya
"We met again" sabi ko lang at unti-unti namamg sumilay ang ngiti sa mga labi niya
"Yeah, we met again. And also I've heard na napostponed nanaman ang school mo, why?" hindi na ako nagulat nang itanong niya iyon
"Some dickheads want me dead, i guess" sabi ko lang at sumubo ng ice cream
"Why?" tanong niya nanaman, napahinto ako at tumingin ulit sakanya
"Yeah, why?" tanong ko diretso sa mga mata niya, nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya
"I don't know"
"Exactly!" tinuro ko pa siya "I don't know either" sabi ko sabay ngisi bago sumubo nanaman, bigla namang tumunog ang cellphone niya na nasa table kaya sinagot niya ito
"Hey, I need to go. See you soon, okay? I missed you, Steph, my babe" ngumisi pa ito, binaliwala ko lang naman ito at kumain lang nang kumain hanggang sa umalis na siya
'Siya nga talaga si Troy Gonzales tss'
Naalala ko nong araw na huli ko siyang nakita at talagang nagulat ako non dahil sa stress sa sunod-sunod na problema at naalala ko yon din yung araw na kailangan kong maghanap ng fake boyfriend para matigil ulit ang arrange marriage namin tss
'Oo nga pala, wala palang sinabi si Troy about don sa arrange marriage.. posible kayang gawa-gawa lang yon nila mom? Tss'
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Teen FictionEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...