' AYAW NiYA SAKEN ' :)

781 14 6
                                    

3 Years Ago .

Sa Party ng Mommy Niya ..

Maghahatinggabi na at nararamdaman na niya ang hangin sa katawan . Bareback ang gown niya. Akma siyang babalik sa loob nang may humawak sa mga balikat niya. 

' Gordio ? ' 

' I have been wanting to dance and talk to you, Yssa. Pero hindi ako makasingit sa mga nakapaligid sa iyo, huwag nang isali pa si Jace ' wika nito na ang bibig ay nasa likod ng tenga niya at nararamdaman niya ang alak sa hininga nito .

Tumaas ang mga kilay niya at hinarap ito . ' Really ? Do you think it is a wise decision to leave my mother's sode , ha , Gordio ? tuya niya .

Hindi pinansin ni Gordio ang sinabi niya . Hinagod siya ng tingin .

' Very beautiful and sexy ' malisyosong ngiti ang nasa mga mata nito . 

' Thank you , Gordio . Matagal ko nang alam ang katangian kong iyan. Kung gusto mo lang papurihan ako, then , nasabi mo na . Pwede mo na akong iwan ,' aniya sa matabang na tinig .

Marahang tumawa ang lalaki . ' The ice - maiden . Iyan ang tawag nila sa maganda at batang anak ng socialite na si Carmela De Vera . Pero hindi ako naniniwala doon. Those men are lousy lovers ' 

Ipinag - krus ng dalaga ang mga braso sa dibdib. ' Meaning ? ; aniya na ikiniling ang ulo nang bahagya.

' Try me, Yssa. Tinitiyak ko sa iyo, malilimutan mo kahit ang sarili mong pangalan.' nakangising sinabi nito. Dinala sa bibig ang hawak na kopita at uminom pero ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya. 

' Paano mo man lang naisip na gusto kitang subukan ? ' aniya dito . Si Gordio an current boyfriend ng mommy niya . Mataas at guwapo . Thirty five years old na gigolo . ' Hindi ako ang mayaman, Gordio. Si Mommy. Baka nakakalimutan mo .'

' Ikaw ang gusto ko , Yssabelle . At kailangang patulan ko si Carmela para makalapit sayo. Im bored with this party at alam kong ganoon ka rin. Lets get out of here and find ourselves some private place . '

Natawa nang malakas si Yssbelle . Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki .

' You overrated yourself, darling ' buong tamis niyang sinabi dito . ' Oh yes , tall , dark and handsome but your kind disgust me . Nabubuhay sa saya ng malulungkot na matrona . '

Nagdilim ang mukha nito at marahas siyang kinabig. ' You bitch ! Sinasabi mo lang iyan dahil wala pang lalaking naka - penetrate sa iyo . Pagkatapos ng gabing ito ay magmamakaawa ka sa akin. Yssbelle ! '

' Bitiwan mo ako , Gordio ' aniya sa kontroladong tinig kahit na bumangon na ang galit sa dibdib .

' Hindi ka gagawa  ng eskandalo , Yssa. Party ng ina mo ito at anuman ang mangyari ay ikaw rin ang mapapahiya ' At akmang hahalikan siya nito pero naiilag ni Yssa ang mukha .

' Sinabi kong bitiwan mo ako ' aniya sa nagtatagis na mga ngipin .

' Narinig mo ang sinabi niya . Gordio . Bitiwan mo siya ! ' ang mahina pero awtorisadong tinig mula sa likod .

Parehong nilingon ng dalawa ang pinanggalingan ng tinig . Sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa loob ay sinikap ni Yssabelle na maaninag ito . Kung mataas si Gordio ay higit ito . Tipong malaki ang katawan. Hindi niya maaninag ang mukha .

' Huwag kang makialam dito , Allen ! ' 

' Hindi ko gustong nag uulit ng sinasabi , Gordio . Bitiwan mo ang babaeng iyan at umalis ka na ' wika uli nito na marahang lumakad patungo sa kanila na tila walang anuman ang sinasabi .

Lumuwag ang pagkakahawak ni Gordio kay Yssa . Kilala nito ang lalaki . Hindi ito humihiyaw pag nagagalit pero mas mapanganib ito sa mahinahong tinig . Pabagsak nitong ibinaba ang mga kamay at walang kibong umalis.

' Thanks and no thanks , mister ' aniya na tumingin dito . Nasa harap na niya ito at kailangan niyang tumingala para makita ang mukha . Pero nakatalikod ito sa bahagyang liwanag kaya hindi niya maipinta sa sarili ang anyo nito .

' That sounds ungrateful '  

' I can handle him or any man for that matter ' aniya na pilit pa ring inaaninag ito . Bakit ba masarap pakinggan ang tinig nito ? At bakit type niya ang lime fragrance na nagmumula dito .

Marahang tumawa ito . A seductive and husky laugh . Pagkatapos ay nagulat pa si Yssa ng hawakan nito ang baba niya at itaas .

' Her Royal Highness . Kontrolado pa rin ang sarili kaht sa gipit na pagkakataon . Gusto kong malaman kung ano ang nasa ilalim ng malamig na anyong panlabas . ' wiko nito

Tumalim ang mga mga mata niya at marahas na inalis ang braso nitong nakahawak sa baba niya .

' Iniwas mo ba ako kay Gordio para ituloy ang balak niyang gawin ? pagalit niyang tanong .

' Nah ~ ! wala akong tiyag sa tulad mo . I prefer my woman to be warm and passionate . Baka mamaya habang hinahalikan kita ang nasa isip mo ay baka magusot ang buhok mo o di kaya'y matanggal ang make - up mo o di kaya ay baka nawala ang poise mo '

' How dare you ! '

Buenas noches , senorita ' at bahagya itong yumuko na tila nakakaloko at muling bumalik kung saan man ito nanggaling .

Naiwan naman si Yssa na nagpupuyos ang dibdib . Allen ba ang pangalan noon ? Iyon ba ang balak sanang ipakilala ni Samantha sa kanya ?

Well , kung iyon nga , hindi rin ang tulad nito ang gusto niyang makilala . Mayabang at sobra ang tiwala sa sarili ..

---------------------------

Tingnan naten Yssbelle De Vera -_^ abangan po sa mga susunod na pahina ...............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HiRED HUSBAND ( This is a true story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon