Kabanata 33

607 8 48
                                    

Kabanata 33

Little Do You Know

Nagtataka akong pumasok sa office nang makitang nagkakasiyahan ang mga staff at editors dito. Agad kong hinanap si Val. Anong nangyayari dito? Lumapit sa akin ang isang editor na may dalang pizza at drink.

"Hi Miss Ash! May pagkain sa desk mo!" Nakangiting sabi ni Opelia. Napangiti na lang ako.

"Si Val? Pumasok na ba?" Ang baklang 'yon, 'di man lang nagte-text!

"Kasama siya ni Ma'am Petra e.." Napanguso siya. Tinanguan ko na lang at pumunta ako sa desk ko. Naroon ang isang paper bag at baso ng inumin. Tumaas naman ang kilay ko. Sinong may birthday ngayon? Si Ma'am Petra ba?

Nang tignan ko naman ang laman ay nakita ko ang isang paper box na halatang lalagyan ng pagkain. Kinuha ko naman at naramdamang medyo mainit pa. Napapikit na lang ako nang maamoy ko ang mabangong aroma nito. Lasagna ba 'to? Pagbukas ko ay tama nga ako!

Tinignan ko naman ang inumin at iced tea ito. Nyemas, perfect combination! Nilingon ko ang nagkakasayahang mga staff at lumapit sa isa.

"Sinong nagpakain?" Tanong ko sa isang staff.

"Yung cover boy po ng April issue natin, Miss Ash." Sagot nito. Naningkit naman ang mga mata ko. Cover boy? Nakahanap na pala sila ng bago.

"Nandito?" Tanong ko ulit at tumango naman siya.

"Nasa office siya ni Ma'am Petra kasama si Val."

"Okay, thanks!"

Mukhang may pinag-uusapan sila ngayon kaya naman bumalik ako sa desk ko. Hindi naman ako pinatawag ni Ma'am Petra at mukhang hibdi rin naman ako kailangan. Well, thank you sa nagpakain. Saktong wala pa akong almusal. Mas lalo akong natuwa nang makitang may garlic bread ba na kasama. Wow!

Sinimulan ko nang lantakan ang Lasagna. Hindi ko maiwasang mapapikit sa sarap nito. Grabe, ano bang nilagay nila dito at sobrang sarap? Jusko, mukhang mapapabili pa yata ako nito mamaya.

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text galing sa kaibigan kong si Leana.

From: Leana
Don't forget na magba-bar tayo mamaya, Ash! My goodness, wear a sexy dress ha!

Napapikit ulit ako pagkabasa sa text message niya. Oo nga pala! Shit, bakit ko nga ba nakalimutan?

To: Leana
Hoy, wala akong oras magpalit ng damit. Okay na 'tong blazer and pants ko!

Sumubo ako ng Lasagna at hinintay ang reply niya.

From: Leana
WHAT?! AKALA KO BA G KA?

To: Leana
Galit ka ba? Ha?

Naiiling kong sinend sa kanya 'yon. My gosh, magpapapansin nanaman mamaya 'yon sa crush niyang DJ sa Spades. Madalas kaming magbar doon dahil nga maganda at sakto lang ang crowd.

From: Leana
BAKIT? MASAMA BANG CAPITALIZED ANG SINABI KO?

To: Leana
MAY SINABI BA AKO?

Natatawa kong sinend sa kanya 'yon. Ano bang meron sa kanya ngayon? Period ba niya? Buti na lang at tapos na ako last week. Natapos ko na ang pagkain at wala siyang reply. Baka sumuko na. Itinuon ko naman ang atensyon sa computer at tinignan ang mga email ko doon. Hindi ko nadala ang laptop ko dahil sa pagmamadali ko kanina. Hindi ko na naisip.

Ilang minuto ang lumipas at agad kong naramdaman anf presensya ng kaibigan ko. Nang lingunin ko soya ay namumula anv mukha niya. Ano namang nangyari sa kanya? Hinarap ko siya gamit ang swivel chair.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon