"Bye Chloe! kita na lang tayo bukas!" sabi ng kaibigan kong si Micah.
"Sige, Bye!" sagot ko naman.
Hi! I'm Chloe Tiffany Buenavista. 18 years old. 2nd year college sa Reign Academy University (R.A.U).
Nandito na ako sa daan, pauwi na ako sa condo unit ko. Independant kasi ako because of my legal age, pero syempre kahit ganun, pumupunta pa rin ako sa bahay ng magulang ako minsan. Nag-iisang anak lang ako. Ang trabaho ng magulang ko ay Business woman si mama at nag-mamay-ari ng isang company si papa.
Okay, back to reality, pauwi na ako. Habang nasa daan ako dahil wala akong sasakyan, may nakita akong pusa sa isang box. Ang cute niya! Pusakal ata ito pero ang cute niya talaga! Black at white ang color niya. Cute niya. Ahaha!
~~~~~~~~~~~~~~~~~
*CHLOE'S CONDO UNIT
"Ang cute mo naman kaso ang dungis mo. Paliguan muna kita huh?" Buti na lang at hindi mailap ang pusa. May nag aalaga siguro sa kanya dati.
"Meow~" Ang cute! Nakatingin saakin at yung kulay berde niyang mata na nangungusap. Ang kulit lang, narerespond siya. Cutie!
Inumpisahan ko na siyang paliguan at patuyuin gamit ng blower. Ang fluffy na ng buhok niya.
"Ayan! Ang bango-bango mo na! Ay! Gusto mo na ba kumain? Gutom ka na siguro. Gatas nalang ang iibigay ko sayo ha?"
"meow~" nagrerespond talaga siya. Yung parang naiintindihan niya ako. So, yun nga, pinagtimpla ko na ng gatas. Syempre, nagluto na rin ako ng makakain ko dahil gutom na rin ako. Marunong naman ako magluto eh.
At natapos din sa niluto ko! Kumain na ako at siya naman, binigyan ko na siya ng gatas. Grabe! naubos nga niya yung gatas na binigay ko. Nagutom na talaga siya. Nang tapos na kami kumain, pumunta na akami sa Kwarto ko at humiga na sa kama ko.
"Ang cute mo talaga! Fluffy hair, black and white color, green eyes and what is your gender nga pala?" Tanong ko kay mingming sabay tumingin sa private Part niya. Ow!
"Ah! Lalaki ka pala. Ano kaya ang pwedeng ipangalan sayo? Hmm... ah! Alam ko na! Potchii na lang!" Kaya ko pinangalanan na Potchii dahil mahilig ako sa kending 'Potchi'. Lambot kasi eh, kasing fluffy ng balahibo ni Potchii the Cat.
"Potchii~ nalang ang ipapangalan ko sayo ha?"
"nyaaaaa~" nyaaa? Gusto niya kaya yung pangalan na binigay ko? Yaan na nga lang. Ahahaha!
Maya-maya, naalala ko yung box na pinanggalingan ni Potchii. Tinignan ko iyon. Yung nakita ko yung loob ng box, may nakita akong damit na pantaas at pababa tapos panlalaki. Siguro pinansapin kay Potchii. Pero bakit uniform ng Reign Academy University ang pinansapin sa kanya? Sayang naman.
Tinignan ko na ang oras, 7 o'clock na pala ng gabi. Gumawa muna ako ng mga homework na ipapasa ko sa Professor namin para bukas. Dami ko ginawa grabe! Iba na talaga kapag College na. Ramdam mo na yung hirap. Isama mo pa yung iba mo pang terror na Prof. Ahahaha!
10 o'clock na ako natapos. Buti nga natapos agad ako dahil na-inspired ako kay Potchii na nasa harap ng desk ko at doon na tinitignan ako. 'Meow-nyaaa~' ang naririnig ko sa kanya. Cute talaga!
Kailangan ko na rin pa lang matulog dahil maaga pa ako bukas. Kinuha ko na si Potchii sa desk at humiga na ako sa kama ko kasama syempre si Potchii.
"Oo nga pala, Potchii. hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. Ako si Chloe Tiffany Buenavista." Sabi ko habang nakahiga na ako at hawak hawak siya. Ang kulit noh? Kinakausap ang pusa. Well, wala naman akong kasama dito kundi ako lang din.
"Good night na Potchii." yun na lang ang nasabi ko at nakatulog na.
--------------------------
Samantala,
Paano ako magiging tao nito kung nakadagan naman ung braso niya sa akin. Ang bigat pa. Langya! Bakit kasi ako nagkaganito! Kailangan ko ng gumawa ng paraan kung paano ulit bumalik sa dati.
Abangan!
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyHe's Cute. He's Handsome. He is Hearthrob. He is the Campus Prince. A Student Council President. Pero sa kabila nito, may tinatago pala siyang lihim. Lihim na ikakagulat at ikakalaki ng mata ng BABAENG ayaw sa kanya. Paano pa kaya malilihim ang kany...