Kabanata 3

31 4 0
                                    

"Dito, girl!"napatingin ako sa direksiyon ni Chloe nang sumigaw ito.

Hindi ko talaga alam kung bakit ang daming nagkakagusto sa babaeng 'to eh para namang baliw. Tulad ngayon, para siyang tangang kumakaway sa akin! Nakakahiya!

Agad na inirapan ko ito nang makalapit ako sa pwesto nito. Nanlalaking mata namang tiningnan ako nito at dinuro pa.

"Ikaw pa may ganang mag-inarte! Ako na nga yung inagrabyado mo!"reklamo nito.

"Psh! Iniwan n'yo ako kahapon! Leche kayo!"saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman sa akin si Chloe.

"Lah! Ikaw nga d'yan eh! Di kayo sumunod! Anong ginawa n'yo, ah?"nanunuring tingin ang ipinukol nito sa akin.

Sa isang iglap ay naalala ko na naman ang istura ni Kuya Stan. Napakaamo ng mukha n'ya kahapon pero hindi ko magawang maawa! Grabeng kababuyan na ang nagawa niya sa akin!

"Oy! Gising, girl! Nganga na pag si Kuya Stanley?"panggigising sa akin ni Chloe. Hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit nawawala ako sa sarili kapag naiisip ko siya.

" 'Nu ba, girl! Dito, girl! Dito, room natin,"naiinis na anas ni Chloe. Napapailing na lumiko na lang ako nang mapansing nakalampas na pala ako.

Naunang pumasok sa silid si Chloe at bago pa man ako makapasok ay may humawak sa pulso ko. Sa takot na si Kuya Stan iyon ay agad kong nahigit ang kamay ko.

"Okay ka lang, Ed?"nag-aalalang tingin na sabi ni Gerald sa akin. Napapahiyang tumingin ako dito.

"A-ah y-yes. Nagulat lang talaga ako,"pagdadahilan ko.

"May request sana ako eh kaya pinuntahan kita,"nahihiyang sabi nito saka hinaplos ang batok nito. He's cute there!

"At nahiya ka pa nyan? Hinawakan mo na nga ako eh,"natatawang anas ko na agad namang ikinalaki ng mata n'ya.

"H-hindi. H-hindi. Hindi ko talaga sinasadya,"habang iwinawagayway ang mga kamay.

"Okay nga lang. Ano ba---"

"Get inside, Miss Gawton. And you little boy, go to your room,"isang malamig na baritonong boses ang pumutol sa akmang sasabihin ko.

Sabay kaming napalingon sa nagsalita at sabay din yumuko.

"Good morning, Sir Proculo,"
"Good morning, Prof,"

Sabay namin bati ni Gerald. Wala naman kaming nakuhang sagot mula rito. Naglakad lamang ito papasok ng room ngunit bago pa man ito nakapasok ay rinig ko ang bulong nito.

"Agang-aga, ang lalandi,"bulong nito. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko. Nabaling kay Gerald ang tingin ko nang magsalita muli ito.

"Mamaya ko na lang sasabihin, Ed. Sabay naman ata ang break time natin since lunes ngayon,"nagkakamot-ulong sabi nito saka sumilip sa loob ng classroom.

'Di pa man ako nakakapagpaalam ay nakatalikod na ito at nag-umpisa nang maglakad. Tinanaw ko pa ito at bahagyang napalundag nang sumigaw si Kuya Stan.

"MISS GAWTON! MY TIME IS PRECIOUS!"

Gustuhin ko mang samaan ito ng tingin ay hindi ko magawa. Ayokong ma-detention dahil lang sa kanya!

Umirap na lamang ako sa isip saka pumasok sa loob. Tumabi ako kay Chloe nang makarating ako sa gitna ng silid. She immediately smiled at me.

"Wag ka ngang ngumiti, Chloe! Mukha kang baliw eh,"madiing bulong ko dito na ikinanguso naman nito.

"Good morning, people. Fifteen minutes review and we'll do a recitation,"anunsyo nito bago isinandal ang sarili sa lamesa at binuklat ang librong hawak.

Playing With Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon